Chapter 47: He's Courting

1.2K 19 11
                                    

© EynJey 2014

Chapter 47

Third Person POV

Sabay sabay na lumabas ang magkakaibigan sa coffee shop upang habulin ang sinasabi ni Yuriel na si Chiara/Jill.

"Nasan na Yuriel? Baka naman namamalikmata ka lang." tanong ni Dara. Bakas sa kanyang mukha na excited siyang makita ang bestfriend na si Jill.

"Oo nga, di ba nasa ibang bansa pa si Jill? Imposible naman na nandito siya." Aki

Nang mapag isip isip ni Yuriel ang mga sinabi ng kanyang mga kaibigan ay napagtanto niyang tama ang mga ito, siguro ay kamukha lang ni Jill ang nakita niya, or baka inakala niyang si Jill ito dahil matagal na niya itong gustong makita.

On the other hand, may isang taong lihim na nakangiti dahil mukhang nagtagumpay ang kanyang plano.

*** Start of semester ***

"Daraaaaaaaaaa!" masayang napalingon si Dara sa pag aakalang si Jill ito, ngunit paglingon niya ay si Aki pala ito, at himala, hindi nito kasama ang kakambal.

"Grabe ah, ang laki ng ngiti mo kanina, bakit nung makita mo ako bigla kang lumungkot?" tanong ni Aki.

"Wala naman, akala ko kasi si Jill, mahilig din kasi yun sumigaw ng ganun kapag 1st day ng school."

Tinap naman ni Aki ang balikat ni Dara. "Alam kong miss mo na si Jill, at syempre, miss na rin namin siya, pero siguro, kelangan nating mahintay muna kung kelan siya darating." tumango naman si Dara.

"Ay, oo nga pala, may good news akooooo." masayang sabi ni Aki.

"Good news? Siguraduhin mo lang na good news talaga yan ah."

"Oo naman, pero teka, asan na si Yuriel? Para sabay niyong malaman yung good news."

Napatingin naman si Dara sa phone niya. "Di ko rin alam, dapat nandito na yun e, anong oras na. Nga pala, asan na yung kakambal mo?"

"Ah, si Ara, ayun, busy, hihihi."

"At mukhang masaya ka pang busy ang kakambal mo?" natatawang tanong ni Dara.

"Syempre!" Aki. "Oh, ayan na pala si Yuriel. Yuriiiiiieeeel!!" may pagkaway pa na tawag ni Aki sa lalaking papalapit.

At, oo, lalaki na nga si Yuriel. I mean, nagpakalalaki na mula nung umalis si Jill.

"Naks naman Yuriel, lalaking lalaki ang pormahan." biro ni Dara.

"Omg, si Yuri ba yun?"

"Oo girl, si Yuri nga."

"Omg, mas lalo siyang gumwapo"

"I think I'm inlove again."

Rinig na rinig ang bulungan ng iilan ng makalapit si Yuriel kanila Dara.

"At ang dami mong admirer." natatawang dagdag ni Aki.

"Pasensya na nalate ako, may hinabol lang kasi ako kanina e." Yuriel.

"Hinabol? Sino naman?" tanong ni Dara.

"Wala, napagkamalan ko lang." Yuriel. "Oh, asan na kakambal mo Aki? Bat ikaw lang nandito?" tanong ni Yuriel.

"Ayan, dahil nandito na nga si Yuriel, sasabihin ko na yung good news!" ngiting ngiti na sabi ni Aki.

"Good news?" nagtatakang tanong ni Yuriel.

"Oo, may good news daw siyang sasabihin, inaantay ka lang para sabay na daw nating malaman." sabi ni Dara.

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now