Chapter 10: Unexpected Result

2.1K 76 5
                                    

© EynJey 2014

Chapter 10

Halos hindi ko maipaliwanag 'yung nararamdaman ko ng mga oras na 'yun.

Seriously!? Si Yuriel ba talaga 'tong nasa harap ko ngayon!? Itong gwapong lalaki na ito na naka-formal attire at napaka ayos at lalaking lalaki ang tikas at ang mga kilos? Parang gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader para matauhan ako at magising na sa mga imahinasyon ko.

Nakatitig lang ako sa kanya ng matagal at pilit na ina-absorb sa utak ko ang mga kaganapan ngayon; na anak siya ng long time friend ng Mommy at Daddy ko at... lalaki siya ngayon, hindi bakla.

Nabalik lang ako sa realidad ng magsalita si Mommy. "Tama na ang pagtitig Jill, napaghahalataan ka na masyado." sabay tawa pa nito pati na rin 'yung iba pa naming kasama.

Shocks! Napatagal nga yata talaga ang pag-iisip ko kaya hindi ko namalayan na masyado na akong nadala sa sobrang gulat at napatitig na lang kay Yuri -- este Yuriel pala.

"O sige, maupo na tayo ng makakain na tayo ng hapunan." sabi ni Tita na nakangiti kaya naman umupo na kami sa kanya-kanya naming pwesto.

Katabi ko ngayon si Kuya Chray at sa kasamaang palad e katapat ko si Yuriel. Hays naman, hindi ko na nga lang siya masyadong papansin para hindi na ako magkaproblema pa.

Pumili na kami ng mga pagkain at dahil Sea Food Restaurant ito ay pinili ko ang aking favorite na crab dish dahil nagke-crave talaga ako dun at matagal ko ng gustong kumain nun, 'di lang ako napagbibigyan ni Mommy nun kaya hindi na ako nakakatikim pero ngayon, susulitin ko na ang time na ito, hahaha.

Sinabi na nga ang mga order namin sa waiter at habang naghihintay e nagkwentuhan muna ang mga parents namin ng mga nangyari sa buhay nila. Ako naman e tahimik lang na nakatingin sa may labas dahil nasa may bandang bintana nakapwesto ang table namin.

Napangiti ako sa ganda ng tanawin at ng mapatingin ako sa harapan ko e nagulat ako ng makita ko si Yuriel na nakatingin sa akin kaya naman bigla akong napatungo.

Shocks! Bakit ba siya ganyan!? Piling ko sasabog ang puso ko sa tuwing mapapatingin lang siya sa akin, at imagine, ang HOT -- uhmm erase that, mukha siyang normal na tao ngayon at hindi monster kaya naman nakakapanibago ng sobra.

Medyo sinilip ko siya at halos lumabas na ang puso ko sa sobrang gulat ng mapansin kong nakatingin pa rin siya sa akin.

Jusko! Ano ba ang nagawa kong mabigat na kasalanan at nangyayari sa akin ito!?

Maya-maya e dumating na ang inorder namin at laking pasasalamat ko talaga dahil atleast, na divert 'yung attention niya dun, at pati na rin pala ako, hehehe.

Kumain na ako at nakaka-inis lang na hindi ko makain ng maayos 'yung crabs dahil hindi ko siya makamay. Hello? Proper Ettiquette daw at labag man sa loob ko ay tiniis ko na lang ang sarili ko na hindi sunggaban 'yung pagkain. Naku! Kung ako lang e malamang kanina pa 'to ubos sa akin.

Mabilis lang din kaming nakatapos kumain at nagkwentuhan pa sila ng kung anu-ano ng bigla kong marinig na binanggit ni Tita ang pangalan ko kaya naman bigla akong napatingin sa kanila.

"Ano po 'yun?" tanong ko. Hindi ko kasi narinig 'yung pinag-uusapan nila e.

"Nabanggit ng Tita mo na school mate pala kayo nitong si Yuriel. Hindi ba kayo nagkikita school?" pagpapaliwanag ni Mommy.

Hay, kung alam niyo lang po, hindi lang kami school mate, binubully pa ako nitong si Yuriel.

"Ah, opo Tita, school mate po kami, classmate po to be exact." nakangiting sagot ko.

"Really?" gulat na tanong ni Tita Xandra. "Yuriel, wala ka yatang nababanggit na classmate mo pala itong anak ng amiga ko?" baling nito sa anak.

"Nabanggit ko po Mommy, 'di niyo lang po yata narinig." sagot niya gamit ang malalim na boses, na halos mapanganga ako dahil ang hot hot niya, compare sa mga times na boses bakla ang ginagamit niya.

Nagkibit balikat na lang si Tita tapos bumaling muli sa akin. "Wala naman bang ginagawang kalokohan itong unico hijo ko dun hija?" tanong niya sa akin.

"Wala naman po tita, mabait naman po si Yuriel." sagot ko. Mabait po 'yan pag tulog. Napakabully po talaga niyang anak niyo.

Ngumiti naman si tita sa akin. "Sabihin mo lang kung meron para naman mapagsabihan ko itong anak ko at ng hindi mamihasa."

Tumango naman ako bilang sagot at nginitian niya lang ulit ako.

Pero halos magulat ako ng biglang magsalita si Kuya Chray sa gilid ko.

"Actually Tita, hindi lang po sila basta mag classmate." sabi ni Kuya at tumingin pa sa akin habang may nakalolokong ngiti.

Oh my gosh! Don't tell me sasabihin niya 'yung nangyari sa Mall noon!? Oh No!

Tinignan ko si Kuya na halos magmakaawa na ako na 'wag niyang sasabihin, pero binigyan niya lang ako ng tingin na parang nagsasabi na wala na akong magagawa kaya napayuko nalang ako.

"Talaga?" nagtatakang tanong ni Tita.

"Ang totoo po niyan, dapat sila po ang dapat na magsabi nito pero wala yata silang balak kaya ako nalang po." pagpapatuloy ni Kuya.

Oh please Kuya, 'wag mo ng sabihin! TT_TT

"Ano 'yun anak?" tanong na rin ni Daddy.

Oh no! Wag kang magkakamali Kuya! Please lang! TT^TT.

"Ang totoo po niyan... mag-boyfriend/girlfriend po silang dalawa." nakangiti pa na sabi ni Kuya.

Wala na, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Napatigil silang lahat at halos hindi na gumalaw sa kina-uupuan nila.

Hinanda ko na ang sarili ko sa sermon ni Daddy pero halos mahulog ako sa upuan ko ng bigla silang magtalunan at magsigawan. Si Mommy at Tita ay nagyakapan pa. "Oh my gosh, magiging magbalae na tayo friend." sabi pa nila sa isa't isa.

Nahiya ako bigla lalo pa't napapatingin na sa amin 'yung ibang customer. Sila Daddy naman ay umorder ng drinks para daw magcelebrate.

Nang dumating na 'yung mga alak e nagsimula na nga silang "magcelebrate" daw para sa relasyon namin ni Yuriel.

Oh my gosh, mukhang mas malala pa ito sa inaakala ko.

Oh no, what to do!?

~~~~~~~~~~

A/N: Hellooooooooooo!

May update na po. :) Sorry kung natagalan, hanggang ngayon po kasi wala pa rin yung lappy ko. TT^TT. Sa mobile lang po ako nag type, kaya sorry po sa mga typos ko.

Short update lang po. :)

Thanks! ^_^

~~> EynJey <~~

My Boyfriend is a Gay (Completed)Where stories live. Discover now