Chapter 40

28 0 0
                                    

Rule:
EITHER YOU CHANGE THE GAME OR THE GAME CHANGE YOU

Scarlett Forke's POV

Katulad ng sabi.... CHANGED LOCATION!! Ala-diez na ng gabi. Halos mapuno ang buong bahay ni L! Kahit saang sulok ako tumingin, puro sari-sariling grupo ng mga nag-iinuman, naglalaro ng kung ano, nagkakantahan, nagbabahara at sari-sari pa!!

Labis ang pasasalamat kong walang kapit-bahay si L. Sa lakas ng patugtog namin. Jusme! Sa usapan at tawanan palang, aaklain mo nasa rollercoaster ka!!!

Pinanood namin ang mga naghihiyawang at half-naked na mga binata na nagsitalunan sa pool. At ayun!! Nagsisunudan na yung iba!

Mamaya pang 12 pwede uminom ng matindi-tinding alak at manigarilyo, pero di ko alam kung bakit ang lalakas na agad ng tama nila at sa di ko maintindihang dahilan, may lumalakad na usok sa nilalakaran ko.

Lumagok ako ng alak. Mamaya na lang ako hihingi ng tawad kay L.

Naglagay ako ng isang bote ng alak sa tapat ng isang lalaki na siya ngayong pinagkukumpulan dahil sa pagiging panalo niya sa pabilisan ng pag-inom ng anim na bote.

"Sabi ko na nga ba dadating ka ng gantong oras."

Ngiting bati nito sa akin. Halatang medyo lasing na.

"SIGI NA!! MAG-ALISAN NA KAYO!!!! Mayaya na ulit ako."

"Pero Papi, merong nahanap sina Kalen na billiards! May darts din daw! TARA NA!!"

"Naku! Walang kabisa-bisa! Tawagan niyo ako pagmay nanalo na. Sya! Dun muna kayo!"

Taboy niya sa mga anak niya. Presko siyang umupo. Kasalukuyan kaming naka-upo dito sa picnic table na malapit sa pool. Marami mang dumadaan pero wala na ang muling umupo dito.

"Matagal-tagal na rin po akong di nakakabisita sa inyo. Kamusta po, Bono?"

"Ay okay na okay!! Yan ang gusto ko sayo ineng eh! Pagnandito ka mas lalo akong bumabata! Tamang Bono lang, wag na wag mong dadagdagan ng papi."

"Hahaha! Syempre naman po! Tayo kaya magka-edad dito!"

Proud kong turo sa aming dalawa. He just laughed habang iniiling ang ulo.

And for a moment, I noticed how time affected us.

Ang dating matipunong lalaki na barakong-barako pa noon at ubod sa dami kung makahalakhak, ay nagi na ngayong malumanay na tao. Dahil sa hindi matatangging kasiyahan nang makita niya ako, mas pansin ko ngayon ang pagdami ng guhit sa kanyang mukha. May puti na rin ang buhok at bahagyang namayat na ngayon.

Samantalang ang dating bata na hanggang bewang lang niya noon, na kaylangan pang tumingala pagkausap siya ay kapantay niya na ngayon.

I guess I didn't noticed it before, but he's much more happier now kompara noong una kaming magkakilala.

"Ay dun ka nga minalas, galing ka sa panahon ko."

Medyo naging madilim ang lugar. Katulad ng inaasahan, may disco lights na biglang umilaw. Mukhang may nakarating na sa second floor para paganahin yun sa balcony. Nagsihiyawan ang mga tao.

"Ang tagal mo ring hindi nagpakita sa akin ah. Aba'y magmula ata nang mawala si..."

Bitin niya sa pangalang dapat na babanggitin. Siguro ay chine-check niya kung okay na ba ako at kung pwede nang banggitin. Tumango ako.

"Opo, naging busy po. Alam niyo naman, matagal akong maka........"

Napakagat ako sa labi ko.

"Adjust."

Breaking The Mafia Rules [Complete]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt