Chapter 65

59 0 0
                                    

Rule:
KNOW YOUR OWN SCARLET FLOWING FROM YOUR OWN BROKEN SCAR

Scarlett Forke's POV

Scarlett.

Yan lang, walang apilyedo dahil di ko alam kung anong tunay na pamilya ang pinanggalingan ko.

Nabigyan na ako ng iba't-ibang palayaw. Ngunit ni isa wala akong nagustuhan.

Maraming nagpasa-pasa sa pagpapalaki sa akin. Lahat sila binayaran ko sa paraan ng pagtra-trabahaho sa kanila.

Bata pa lang ako, natutunan ko na pagkain at matutulugan lang ang kaylangan ko.

Sinubukan ko ding humiling ng mga normal na bagay.

"Gusto ko magkaron ng tatay."

"Ha??? Psh! Sige, sige! Akong magiging tatay mo! Walang problema! Habang buhay ng tiba-tiba ang kita natin! Hahaha!"

"Nang walang kapalit."

Pumait ang timpla ng mukha nito. Napatigil ito sa pagbibilang ng  kanyang pera, nagsihulugan ang ilang bote ng alak nang bumagsak ang mabigat niyang kamay.

"Pinapatawa mo ba ako, ineng?? Lahat ng bagay sa mundo may kapalit, kaylangan mo pang kapalan 'tong pera ko para ipakain sayo."

I always feel that money is the most important thing than people.

But I always know na gusto ko na may kasama ako.

"Bata, gusto kitang maging kapatid. Gusto ko ring laruin yang manika mo."

Marami akong nilapitan, ngunit lahat sila ay umiiyak at nagsusumbong sa kanilang magulang.

Natutuwa naman ako sa mga tatay at nanay dahil lagi nilang pinagtatanggol ang mga anak nila kahit di naman ito nasaktan.

Sa paglaki ko, napagtanto ko na di din pala maganda na magkapamilya.

Sa tuwing na di-disgrasya ang mga nakakatanda kong kasamahan at pumapanaw sila.

Palaging umiiyak ang kanilang asawa at mga anak.

Ang iba naman ay napipilitan lang dumalo, ang iba naman ay wala nang pumunta kundi ako.

"Gusto ko ng may kasama."

"Hindi na, sagabal lang. Kaya mo na yun mag-isa."

Pero di sa trabaho ang sinasabi ko.

Gusto ko lang kahit sino, kahit di ko kakilala, kahit ikaw, basta meron lang umupo sa tabi ko kapag may espasyo.

"Gusto ko ng bahay."

"Sigi, basta bayaran mo ko."

Sa maliit na espasyo, sa bubong na gawa sa yero, sa pader na gawa sa magaspang na semento, sa lugar na walang kulay... nakaramdam ako ng konting saya.

Ngunit na wala rin yuon dahil walang laman o gamit ang na ibigay sa akin.

Simula noon, wala na akong inasahan mula sa iba.

Tanging trabaho lang ang inatupag ko sa pag-iisip na baka sa pagdami ng pera ko, isang araw maramdaman ko rin ang ligayang binibigay nito sa iba.

Yun lang ang naging araw-araw ko.

Nagbago man ang mga kasama ko, tinutukoy ko parin kung kaylan yung araw na masaya na ko para sa sarili ko.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Onde histórias criam vida. Descubra agora