Chapter 44

23 0 0
                                    

Rule:
WHO DO YOU THINK WILL WIN THIS ROUND OF CARDS?

Scarlett Forke's POV

Masama niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Naka-chin up niya akong inirapan.

"Let's drop it. I'm certain you know why I'm here."

Sa totoo lang, walang nakaka-alam kung bakit gusto mo kong bisitahin.

"Yes, I certainly do. Do you mind coming in para mapag-usapan po natin?"

Sa unang apak niya, nailagay niya na agad ang kapit na panyo sa kanyang ilong. Marahil ang pagkaing dala ni Anghel ang naamoy niya.

Tinapunan niya ako ng tingin na para bang ang dumi-dumi ko bago nagmarcha papunta sa sala. Medyo pinasadaahan pa ng daliri niya ang center table, akala mo nama'y may mahahanap siyang alikabo.

"My nephew is kind enough to let you stay in his place and yet, look what you've returned to him? It stenches in here!"

Hoooo hallelujah~ Lahat lang ata ng pangit sa akin ang kayang lumabas sa bibig niya.

"Don't prepare anything, this won't be long as I already hate the place."

Tch! Asa! Oo, aalukin kita ng inumin pero tubig lang ang kaya kong ibigay. Wala drinks dito, kaylangan pang umorder sa baba.

Malumanay akong umupo sa harapan niya. Inuli nito ang mga mata sa buong lugar.

"Lucas must've really like you. Giving you a place and a job to live."

Bakit parang pinapalabas niyang palamon ako ni L— Actually... Di siya nagkakamali.

Okay na pala. Di pala lahat lait, realtalk lang pala talaga ang dinayo niya.

"With that being said, considering his feelings... Knowing that I really love Margarett. But for once, I am also considering you."

YUN NAMAN PALA!! Edi goods!!

"Because of that, I've checked your backgrounds. Not only you didn't finished highschool, worked as a part-timer, and doesn't have a prestige family to stand with. You are also a criminal. Am I right, Scarlett DeLas?"

Ayun ang mantak!! Lahat ng baho ko nandyan. Pano mo nahanap yan???

"So pina-imbistigahan niyo po ako bago kayo pumunta dito?"

Habang nakacrossed-leg at nakapatong ang dalawa niyang kamay sa binti nito, habang may mga mata na kayang manliit ng taong kausap niya. Nagawa niya muli akong sindakin sa presensyang kanyang dala.

Naalala ko na naman sa kanya si Tita Karen.

Ang pinagkaiba lang, mas maraming naimik sa akin nuon si Tita Karen nang gawin niya yan.

At marahil bata pa rin ako nuon kaya nagpabalot ako sa takot, pero ngayon parang di mo na kayang gawin ito sa akin.

"Of course. I assume you already know the other business that Lucas inherited from his father. At least I now know why Lucas wouldn't let you go so easily. You must be a great use to our business."

Matamis niyang ngiti. Sanay na ako sa ganto kaya binalikan ko lang rin siya ng ngiti.

"I heard you also went to the REALMS Group's anniversary. You even got an attention from their chairman. You also got shot. How lucky of you."

Di ko talaga gusto ang tabas ng dila niya.

"With consideration of all the positive things you've done. I want you to change to perfectly fit the life you're pursuing. You know just a little changes in your conduct, the way you dress, attitude... and so on. It is of course to aim and please the public eyes. In this way, my nephew will not be harshly judge by his critics."

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now