Chapter 23

73 1 0
                                    

Rule:
MY RULES ARE NOT TO BREAK. THEY'RE TO REMIND ME OF ALL MY MISTAKES

Scarlett Forke's POV

11:53 na ng gabi at wala pa rin si L. Grabe!! Liyong-liyo na ako dito sa paghahanap ng sleeping pills!

Saan ba naman niya kasi tinago????

"Anghel."

Tawag ko dun sa sinungaling!

Oo!! Talagang wala siyang kupas!

Sabi ko ice cream tapos ang binigay lang sa akin yung in-order lang niya sa baba!

Meaning ko ng 'baba' ay sa labas dun sa pharmacy na binilhan ko, tyaka meaning ko ng ice cream ay yung galon!

Pero ang pagkakaintindi ng hinadupak sa 'baba' eh yung restaurant dun sa baba na nagsasara ng 8 pm. At sa 'ice cream' naman ay yung kakarampot na nasa baso lang na ubod naman ng mahal!!

"Anghel, alam mo ba kung saan tinago ni L yung sleeping pills???"

Lapit ko sa kanila dito sa may table. Medyo nagpa-talon talon pa ako at hindi magkamayaw sa pagtapik ang aking kamay sa pisngi, habang nakatayo at nag-aabang ng sagot mula sa kanya.

Mabilis lang mag-2 am at pagpatak ng oras na yun. Aantukin na ako! Ayoko!

Kulang ako sa excitement o sa pagkaka-abalahan kaya di ako magigising! Kaya kung tutulog man, kaylangan ko nung sleeping pills.

"Tsk-tsk... adik ka talaga noh???"

Iling niya habang iniimpis ang mga papel sa lamesa. Pansin ko rin yung Dave na nag-iimpis na rin.

"So hindi mo alam??"

"Baka naman na ubos mo na."

Nang-asar pa ampots!!

"Anyways, Scarlett."

Hopeful akong tumingin kay Dave.

Sana nakita niya! *sparkling eyes!!*

"We're gonna stay here for 3 days, since ikaw ang bahala sa safety. Sa tingin mo kaylangan mo ng baril para in case na may—"

Aiiissshhhh!!!

Kanina pa sila plano ng plano dyan!!

Bakit hindi na sila natapos?????

Medyo nilaksan ko pa ang pagtapik sa dalawa kong pisngi!

"Hayaan mo sila! Pagpumunta, akong bahala. Pero yung sleeping pills????"

"No, wala akong nakita."

Ha??? Bakit umalis na lang siya nang dala na yung laptop at yung mga folder na kapit niya?????

Hindi ba pwedeng tulungan din niya ako since magaling din naman ata siya sa pagse-search??

"Ms. Dalawang-buhay."

Patong ng kamay nito sa balikat ko, lumingon ako sa kanya.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now