Chapter 5

96 4 1
                                    

Rule:
MEETING YOU WAS NOT BASED ON LUCK, I MADE IT HAPPEN

Scarlett Forke's POV

Winahi ko ang bangs ko papalikod.

Pucha ang init!

Muli kong tinignan ang sarili ko sa bintanang salamin ng kotse ni Sky.

Parehas kaming naka suot ng black high-waisted pencil skirt at polo. Parehas ng taas ng high heels at ng dalang A&I hand bag. Ang pinagkaiba lang namin ay ang polo at kulay ng bag.

White ang polo niya na may ribbon na tinatali sa parteng leeg samantalang light pink naman ang akin minus na ang ribbon, dapat daw i-bottoms up ko hanggang leeg pero dahil sa nasasakal ako kaya binuksan ko na lang ang dalawang botones sa taas.

Pula ang bag niya, samantalang light pink naman ang akin. Lumabas siya nang kotse at sinabit niya yun sa may braso niya kaya yung akin, kinapitan ko na lang.

"I like it! It suits you, we really look like a twin right now!"

Tawa niya. Nandito na kami sa labas ng Maclntosh Company.

"Yeah, pero late ka na."

Paalala ko sa kanya. Mukhang na tauhan naman siya. Kaya imbes na picture-an kami, agad na kaming nagmadali papasok.

Hindi ko naman kasi maintindihan dito kay Sky, male-late na pala siya inintay-intay pa niya ako. Kung di ko lang natanong ang oras at kung di lang siya honest, ni hindi ko pa malalaman.

Binigay ni Sky ang susi ng kotse niya dun sa lalaking sumalubong sa amin.

Habang papasok kami ni Sky nakakita ako ng isang basurahan na madadaanan namin, dun ko itinapon ang di ko pa nauubos na lollipop.

Awde!! Cotton candy pa naman yung flavour nun!

Sayang na naman!

"Omygosh! Super late!"

Bulong niya habang nagmamadaling naglalakad papunta sa main desk.

"Hi! I'm Skylar Smrkovski, I'm here for—"

"Yes we know, kanina pa po kayo iniintay ng CEO. Nandun na rin po si Mrs. Sandoval. Nasa 10th floor po ang meeting."

Nagmamadali ding sinabi nung babae.

Mukhang alam ng lahat dito na importanteng meeting ang sasalihan namin dahil halata namang abang na abang sila sa amin.

"Thank you Miss."

Susunod na sana ako kay Sky nang bigla akong pigilan nung babae at nagtanong sa akin.

"I'm sorry, kasama po ba kayo sa meeting??"

"Yes, I am."

Sagot ko, syempre with accent!

"Can you please sign your name here and—"

Ano ba ate wala na kong time dyan!! Nandito na si Tita Karen!! Lagot kami nito!! Late na ang anakis niya!

Biruin mo na una pa yung vice-president bago kami??! Eh si Sky ang CEO representative!

"I don't have much time for that. I'm Ms. Lily Nakada, I'm the requested architect. The owner and the CEO of my company."

Pagpapakilala ko sa kanya. Agad nanlaki ang mata niya.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora