Chapter 14

58 3 0
                                    

Rule:
IT'S A CURSE. I'M LOST AND YOU WILL ALWAYS BE RUNNING TO ME

Scarlett Forke's POV

*yyyyaaaaaawwwnnnnn~*

"Please, enjoy your stay here."

Halata namang wala paring tulog si Ate receptionist. Dahil katulad ko, kalahati na lang ang bukas ng kanyang mata. Bakas din ang pagod sa mukha nito.

"Thank you, Miss."

Kuha ko ng card mula sa kamay niya. Sabay dampot sa bag ko at sinakbit ito sa aking kanang balikat. Naglakad na ko sa elevator.

Five na ng maga. Kanina lang ako naka alis sa bahay. Iniwan ko na lang sa may kwarto ko si Tob at mukhang ang lalim pa ng tulog niya.

Hindi ko na rin sinilip ang kwarto ni Sky at parang mas nauna pa siya sa akin.

Tinap ko ang card ko sa may sensor bago sa gitna tumayo.

Hindi ko alam pero lutang na lutang ang pakiramdam ko ngayon. Di ko sigurado kung dahil ito sa sleeping pills. Pero feeling ko may hinalo pa si Tob sa tubig na pinag-inuman ko.

Di ko sure pero kung magkataon, yun na nga siguro ang rason. Tch! Ang lakas pa naman ng tama sa akin ng isang tablet, dalawa pa kaya!

Hinilot-hilot ko ang aking sintido.

Siguro dapat mag-isip na ako ng mga to-do-list ko.

Kaylangan kong may kasama si Sky palagi para masigurado ang kaligtasan niya.

Dapat ko rin sigurong tawagan si Tita Karen dahil baka sa kanya maghanap si Tita Cara. Hindi naman siya siguro iimik kung hindi niya alam na umalis kami sa bahay.

Kaylangan ko rin palang palinisan ang dating condo ni Sky. Malamang nandun ang ilang documents niya sa kompanya baka malaman pa nila ang tungkol—

*TING~!*

Napatingala ako nang makinig ko yun. Tumigil ang elevator.

"Floor 9???"

Pagtataka ko. Nag-intintay ako, baka naman may papasok na isa din sa mga residents dito.

Sumilip ako at sumalubong lang sa akin ang isang malawak at mahabang hallway na walang katao-tao.

"Weird."

Muli, ita-tap ko na sana ang card ko nang makita ko ang isang pamilyar na nilalang na tumatakbo papunta sa dako ko.

"OPEN THAT DAMN DOOR!!!"

Sigaw nito habang unti-unting nagsasara ang pinto.

Mas hinilot ko pa ang ulo ko at this time! Dalawang kamay na!!

Ano ba yan???!

"Hahaha..."

Hilaw kong tawa.

Pati ba naman dito na iisip ko na tumatakbo siya papunta sa akin???

Lakas talaga ng tama ko sa gamot na yun, pati hanggang dito nakikita ko si Mr. Mac—

Breaking The Mafia Rules [Complete]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin