Chapter 15

53 2 0
                                    

Rule:
WHEN A DEMON AND AN ANGEL NEED A SAVING, AN AGREEMENT IS MADE

Scarlett Forke's POV

"UUUGGGGGHHHHH~!!!!!!!!!! TAKTEEEE!!!"

Wala ng inat-inat!!! Wala ng antok-antok!! BASTA!!! GISING NA AGAD!!

"HAYYOPP!! ANG LAMIG~"

Lubos ang paghingal ko sa biglang pagbagsak ng malamig na tubig sa aking katawan! Ramdam ko ang panginiginig ng aking kalamnan. Tila nang hina ako sa naging impact nito.

"Tol!! Gising na!!!!"

Anunsyo ng isang lalaking nakatayo sa aking unahan. Nanrindi ako.

Uuggghh~ Anong meron??

Tanaw ko ang lapag... b-bakit naka paa lang ako?? Asan ang medyas ko?

Unti-unti kong inakyat ang aking paningin, na pag-alaman kong wala na akong pantalong suot. Tanging shirt at underwear lang.

A-anong merrooonn??????

Hindi ko pa man na iitaas nang tuluyan ang aking tingin ngunit sa semento palang na inaapakan ko.... alam ko na agad na hindi ito ang lugar na dapat kong kinalalagyan.

Di ba nasa condo ako ni L??!?!!

Bakit ako nand— WAG MONG SABIHIN SIYA ANG AMO NITONG HAYUP NA 'TO?!??!

"Hoy!! Humarap ka nga sa akin!!"

Dahil sa pagkakatungo, may mapangahas na kamay ang dumapo sa aking mukha. Hilo-hilo pa ako, pero alam kong anim na beses lumapat ang palad niya sa pisngi ko.

Halos mahulog ako sa upuan, dahil dun naramdaman ko ang lubid na nakatali sa aking mga kamay.

Bakit nandito ako???

Di ba binabantayan ko nga yung taga-linis ni L? Bakit ako na yung binabantayan ngayon???????

"Sabi nang tumingin ka!!!!!"

Dahil sa pikon siya sa di ko malamang dahilan!! Inulit niya muli ang pagsampal sa akin. Halos di niya na alintana na halos kasama na pati ang mata ko sa nasasampal niya.

"Hhhmm??"

At dahil matigas ang ulo ko, isama na rin ang aking mukha, kaya kahit na mainit na yung balat sa pisngi ko, tyaka pa ko nagkalas ng loob para humarap sa kanya. Deretso akong ngumisi nang makita ko na yung ubod niyang pangit na mukha!

Psh!! Akala mo bago 'to sa akin???

Try mong maging ako nung bata pa ako. Halos mas malaki pa sa mukha ko ang palad na sumasampiga sa akin noon.

Tignan lang natin kung di ka mamanhid.

"O yan naman pala!! Masunurin!!!! HAHAHAHA!!!"

Baliw.

"Oy gago!! Sayang yung mukha, chix!!"

"Lagot ka nan kay boss~ sabi gisingin lang daw!"

May tumakbo papunta sa dereksyon sa may likuran ko. Kinig ko ang kanyang mga yabag kaya alam kong medyo may kalapitan lang sa akin yung pintuan papuntang labas.

"HA?? Tama lang yan!! Kanina pa tayo dito! Uwing-uwi na ko!"

"Seryoso?? Baka naman gusto mo siyang i-uwi!! Hahaha!!"

Isa....dalawa, lima... pito, sampo?????

May sampong lalaki na nagbabantay para sa isang babae?????

"Oy tawagin na si boss, sabihin mo gising na 'tong prinsesang ubod ng arte!!"

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now