Chapter 22

67 1 7
                                    

Rule:
BE A DESTRUCTIVE CHAOS THAT BRINGS PEACE TO THE SOUL

Angelo Williams's POV

Napakamot na lang ako sa ulo ko habang pinapanood si Ms. Dalawang-buhay at si Boss.

Parang mali ata yung nakisakay ako sa term niyang 'superglue'. Dahil putik!!! Literal niyang ginagawa!!

Ang lakas nga ng trip!! Pagkabangon na pagkabagon palang niya!!!

Yung tipong kakagising lang, naisip niya na agad pumunta kay Lucas eh syempre itong isa malamang hindi din magkaintindihan kung paano sasakyan at ang lakas ng sayad ng babaeng 'to!!!!

Biruin niyo!! Molestyahin ba naman yung kaibigan ko ng HARAP-HARAPAN!!!

Pero anak ng tupa 'tong babaeng 'to! Sagad sa kaluluwa ang dedication sa trabaho!!

Ultimong kinabahan lang siya ha!! Pinaputukan niya na agad 'tong tauhan ni Jas! Ni wala man lang ginagawa yung tao!

Ano yun basta pagkinabahan lang siya?!?? Edi halos maihi na kaming lahat dito sa tuwing sasabihin niya na may mali at kahit walang mali, kami ang papasabugin ng isang 'to!!

Wengya!!! Kinalabutan pa nga ako kanina nang hingiin niya yung baril. Kitang-kita ko ang mata niya from zero, ni hindi man lang kumurap nang paputukan niya yung lalaki!!

Tapos ngayon?!???

"Wag ka ngang magalit!"

"I WON'T IF YOU JUST GIVE ME SOME SPACE!!!"

Gigil nung isa. Wala! Pang-asar talaga siya at todo ngiti pa niyang inilingan si Maclntosh. Kaya eto namang kaibigan ko todo siksik na dun sa dulo nung couch.

Sino nga naman ang hindi mawe-weirduhan sa babaeng 'to?!??

Eh dinaig pa niya yung straight-poker face ni Lucas na kaya niyang gamitin ng buong isang linggo ng walang palitan!!

Mula sa ganung status then papunta dito sa may sayad na makulit na babae na pinapanood ko ngayon?!!??????

Shit!! From zero to hundred??!!!?

Tapos ganun kabilis?!???????

Pang mental na yung astahan niya!

"Hindi nga pwede!! Panibagong rule! Kaylangan lagi tayong magkadikit! Uy! Teka lang!"

Halos mahulog na siya sa couch nang habulin niya si Lucas sa pagtayo nito. Hinigit pa ng baliw yung shirt ng kaibigan ko.

"NO WAY!!! Let go of me!"

"Pero yung rules dapat magkadikit tayo lagi! Kaylangan siguraduhin!!"

Agad akong napapikit sa pandidiri nang kindatan niya ako habang higit pa yung shirt ni Lucas. Inilipat ko na lang ang mata ko, mas pinili ko na lang tignan yung coffee table.

Papaurong ata talaga ang takbo ng utak niya at niliteral niya yung usapan namin. Pang-asar nga ata talaga yan at panay kindat pa sa akin na parang pinaglalataran niya pa na sumusunod siya! Amputik!

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now