Chapter 50

19 0 0
                                    

—R-u-l-e—
IGNORE YOUR MIND BUT NEVER THE SIGNS, IT'S THE UNIVERSE'S WAY OF SHOWING WHAT THE MIND CAN'T PREDICT

Scarlett Forke's POV

Halos mag-iilang buwan na rin simula nang di na kami mag-usap ni L. Hindi katulad ng dati, di niya na ako pinapansin at tila parang hangin na lang ako sa kanya.

Dahil duon gets ko na naman ang galit niya sa akin. Malinaw niya yung pinahiwatig nuong oras na kaladkarin niya ako papalabas ng kotse at iwanan sa daan sa gitna ng gabi.

Tanggap ko naman na ako ang nakapanakit kaya gusto ko siyang bigyan ng space na hiningi niya.

Kaya sa halip na ako, si Pat, si Ms. Alvarez, o di kaya si Marga ang pinapaharap ko sa kanya sa tuwing kaylangan ko siyang harapin.

Kaso may mga bagay talaga na di ko kayang iwasan.

Katulad na lang ngayon kung saan busy silang lahat dahil wala akong na ibawas sa workload nila. Medyo marami na kasi ang kaylangan kong gawin dahil ako na ang sumasalo sa trabaho ni Sky sa kompanya niya magmula ng lumipad na siya ng Canada last week.

Kaya etoooooo!!! Wala akong magawa kundi tumayo sa harapan ni L. Walang imik habang tinatanggap ang mga pagsigaw niya.

Mga pagsigaw na hindi naman para sa akin pero alam kong ako ang sanhi.

"What the fvck, Horton?!! I told you gawan mo ng paraan!! How on earth can you not make a hold of their CEO???!!!! Nakada personally designed for us! IT SHOULD BE EASY FOR YOU!!"

It's just been a couple of months pero parang ilang taon na agad ang epekto nito sa kanya.

The truth about Ms. Pound's death really affected him a lot worst which makes everything much more complicated for him.

I did this to him.

Itong tao na may nanlilisik na tingin sa kanyang mga mata. Mga nang niningas na mga panga sa gigil. Nakahubad na coat, gusot na puting polo na nahalatang asar siya ng pilitin niyang itaas ang sleeves nito.

Mga botones na hindi sakto sa kinalalagyan nila. Buhok na halatang di nasuklay mula sa kanyang pagkagising kahit na halata mo sa kanyang eyebag na hindi siya nakakatulog. Necktie na alam kong minadali sa paglagay.

Sa konting buhok na tumutubo sa baba niya, halatang nalilimutan niya na ring magshave at alagaan ang sarili.

I did this to him.

"FORGET ABOUT IT!!! Just give me Nakada's contact information! I'll handle it myself."

Sa pagkakapako ko sa kinakatayuan ko kasabay nito ang biglang pagtalsik ng mga gamit sa sahig. Halos nanigas ako sa di ko inaasahang pagsigaw niya!

"T*NGINA!!"

Marahas niyang hampas sa mesa! Para akong nabingi sa nakinig ko. Hindi dahil sa salita niya kundi sa emosyon na dala nito.

Parang pakiramdam ko sa akin niya talaga ipinaparating 'to. Hindi ko pinahalata ang paghugot ko ng hinga bago nagsalita.

"Sir."

Simula nang umiwas ako, yaan na ang naging tawag ko sa kanya. Simbolong nandito lang ako para sa trabaho.

Matalim ang pagkakalapat ng mata nito sa akin. Nagawa ko pang mapansin ang pagmigting ng banggang nito.

Sa loob ng halos 45 minutes kong tahimik na pagtayo. Ito palang ang una kong salita pero parang gigil na gigil na agad siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko nilakihan yuon o pinamukhang pilit talaga. Ayokong tuluyan siyang mairita at akalain na ako ang tipong tao na gustong nakikitang magdusa ang iba.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now