Chapter 20

61 1 1
                                    

Rule:
LET THE DEVIL TREMBLES AND ASKS YOU "WHAT THE HELL ARE YOU DOING?"

Angelo Williams's POV

["Baby, how long are you gonna stay there?? Wait, are you still with your best friend? Or baka naman he's not there anymore at ikaw lang????"]

Patay! Sinasabi ko na nga ba. Pagka-nga naman hindi niya pinagkakatiwalaan 'tong gwapo kong mukha. Panay tanong na lang niya sa akin kung nasan ako.

Lagi nang hinanap ni komander.

"Ruff, wala dito si Lucas pero kasama ko si Jas."

Umupo na ako sa mesa kung saan tahimik na nagka-kape si Jas.

"Is that Ms. Ruffa???"

Pikit akong tumango sa kanya bago tinapat sa kanya ang cellphone ko. Sanay na naman siya at alam niya na ang gagawin.

"Wag kang mag-alala, Ms. Ruffa. Walang kasamang babae ang boyfriend mo. Kami lang mga boys dito."

["Yeah! He better. But where's Lucas?? Dapat nandyan siya, right??? Babe! I know you! Baka sinabi mo lang na kasama si Lucas so I could say yes! But that Jas dude wasn't there in the first day so sino—!!"]

"Aish-aish! Ruff, kasama ko si Lucas. He just went out to meet someone."

Balik ko sa akin ng cellphone. Pansin ko ang unti-unting paglaki ng mata ni Jas habang deretsong nakatitig sa cellphone.

Oo! Alam ko! Hindi sanay 'tong si Jas nang nakakakinig ng sigaw o reklamo ng babae.

Sabagay kung tignan nga naman si Alina, mukha ngang di makabasag pinggan yung kapatid niya.

["Are you sure hindi ikaw ang may kinikita?!"]

"I'm sure, si mom lang naman ang binibisita ko dito."

["Oh yeah?? How is she?? You should've told me na bibisita ka pala sa kanya, I can totally—"]

Hindi ko na nakinig ang sinasabi ng girlfriend ko nang makita kong lumabas si Dave mula sa kwarto niya.

Shit! He's just wearing his robe edi meaning nan may babae sa kwarto niya ngayon?!!??

Wengya!! Tanghali na nandyan pa rin yan?!!

"Babe, babe, I gotta go. Bye!"

SAKTO! Saktong pindot ko ng end call, may matangkad na babae ang lumabas sa kwarto ni Dave!!

Haist! Like usual, magulo ang buhok at may di mapakaling itsura. Hindi mo maintindihan ang suot. Nagmamadali itong lumabas ng kwarto habang nakatungo dahil sa hiya at para na rin hindi namin makita ang kanyang mukha.

"I'll see you, David. Thanks!"

Patalikod niyang kaway nang lumabas siya at sinara ang pinto.

"Yeah, I'll call you."

Habol pa ng loko habang nakangising aso while walking towards the kitchen, probably looking for some coffee.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now