Chapter 48

17 0 0
                                    

—R-u-l-e—
FORGET THE DAY THAT I'LL REMEMBER YOU

Scarlett Forke's POV

Madilim na ang inabot namin sa daan. Patuloy parin kami sa pagu-uli at tila di na namin namamalayan na malalim na ang gabi. Kwentuhan at pag-uusap ng kung anong magiging plano namin para masoluyonan ang problema sa kompanya.

"So sinasabi mo na bumibisita si Sky sa kompanya para gawin ang dati kong ginagawa sa opisina???"

Seryoso???? Nautusan ni Ms. Alvarez si Sky??????

"Yes, she visits frequently. But not to work, more on like she's knowing about what you do or did in the office. She's familiarizing herself in the workplace. Which includes knowing your friends and preparing everything that will help you catch up about the updates once you've returned."

"Ahhh~ Talagang biyaya sa akin si Sky, since wala ako masyadong alam sa mga business. So pinayagan mo siya???"

Marahil ay katulad ng dati, gusto niyang magtulungan kami sa bawat layunin ng isa't-isa.

Alam niya na ayoko sa mga negosyo o pera kaya siguro pati sa kompanya nina L gusto niya akong samahan o suportahan.

"I did. Besides, she said that she won't be working for me but to you. So it's your choice if you want her there. And also, Horton and Vaughan agreed on it."

"At bakit naman????"

Malamang sa malamang gusto lang ni Dave na makakita ng hita kaya ganyan! Naku-naku!!! Alam ko ang kati ng isang yun, pasok pa naman si Sky sa tinatawag niyang standard. Tsk-tsk!

"You know about the new building?? We want their CEO, Ms. Nakada's signature on the paper. One of the board members adores and aims to work with Nakada in the future. If we can link them together, there will be a vote for me."

So may isa sa mga board ang papanig sayo pagnakapagbukas ka sa kanila ng panibagong malaking pangalan o business partners??? Hhhmmm~

Kaya pala sabi ni Sky weird daw dahil CEO ang gusto nilang gumawa ng project nila. I guess noon pa man, kinakaybigan na ni L ang mga board members.

"The thing is, your sister declines to introduce Horton to their CEO. So if Ms. Smrkovski is inside the company there's a chance he can persuade her."

Napatingin ako sa madilim na kalsada na tinatahak namin. Hindi ko alam kung nasan kami dahil tanging mga poste na lang sa labas ang nakikita ko. Samantalang kanina pa siya nagdra-drive sa tuwid na kalsada.

"Ang alam ko nabanggit niyang nasa bakasyon daw ang CEO. Mahihirapan kayo. Dahil bukod kay Sky wala na kayong pwedeng pakiusapan. Kung COO naman, di na kayo papa-abutin ni Sky sa kanya dahil mother-in-law niya si Tita Karen. It'll reflect badly on her kung pati si Tita ay hihingian ni Jas ng meeting."

Panigurado baka isipin ni Tita na hindi kaya ni Sky i-handle ang project.

"Then I'll make sure Horton will not do that."

Naka crossed-leg akong nakaupo dito, nakasandal ang ulo ko sa headboard, bumaling ako sa kanya.

"L, since alam mo ng dati kong kaybigan si Clark at alam mo na rin ang galit niya sa akin. At since nagpupunta si Sky sa opisina at dahil sa bukal kong puso..."

Madrama kong lagay ng kamay ko sa dibdib.

"At nagu-umapaw na nararamdaman ko para sayo!!!"

He chuckles, throwing me a weird look na parang gusto niya na akong tumigil sa mga kalokohan ko sa buhay.

"Say what you want."

Tinodo ko ang luck ko today kaya nagpretty-eyes pa ako. Para pagpuri sa cuteness ko, talagang tinulak pa niya ang mukha ko. Natawa na ako.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon