Chapter 16

57 2 0
                                    

Rule:
I SHOULD KNOW.... LIVING TOGETHER IS HARD

Scarlett Forke's POV

I did it!

Running away from Schwarz. Paghahanap sa mga tao na kaylangan kong sukilian para sa buhay na ginagamit ko ngayon. At ito..... ang manatili sa panig ng taong pinipilit kong buhayin para lang siya mismo ang tumapos sa akin.

I've finally did it.

Nandito na ako.

Nandito na naman ako.

Oo, nangyari na rin 'to noon.

Katulad noon, naghahanap pa rin ako ng mga tao at may lalaki rin na tumulong din sa akin noon.... kaso may mga bagay lang na nagbago ngayon.

Dahil hinding-hindi ko na hahayaan na maibalik muli ako sa Schwarz kung saan nagsimula ang lahat.

Peerrrooooo..... sa mga nakikinig ko ngayon, parang pakiramdam ko baka pumalpak na naman ang desisyon ko.

"So nakapasok na naman sila dito?? At talagang dito ka nila binalak patayin...... Haist, okay. I'll arrange another condominium for you. Just give me 5 hours and I'll set everything up."

Kinig kong sabi ni Mr. Williams. Kakatapos ko palang maligo tapos eto na agad ang scene na nadatnan ko.

Nandun sila sa may dining table, nag-uusap na para bang nagkwe-kwentahan sila ng utang.

May mga papeles sa table at laptop sa harapan ni Mr. Williams, hindi ko man alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero parang nakakuha na ako ng ideya. Malamang tungkol yun sa nangyari nung isang gabi na sinugod siya dito ni Renae.

Sa nakikinig ko, mukhang magpapalit sila ng condo. Napa-iling na ako.

Sablay sa akin yun.

"Bakit di na lang siya magstay dito???"

At yeaaahh~ dito pa rin sa condo ni Maclntosh ang kinabagsakan ko.

Kanina palang nung nasa kotse kami. Habang parang patay malisya ang lahat sa ginawa nila sa akin, nag-usap na sila kung saan ako magii-stay.

Si Mr. Williams ang palusot ay yung imagination girlfriend niya daw ay pagminsan dumadalaw sa bahay niya kaya ekis na daw siya sa pamimilian.

Si Mr. Jasper Horton naman may kapatid daw. Wala daw alam sa nangyayari kaya wag daw sa kanila.

Yung Zac????? NO WAY!!!! Mukhang makati ang kamay niya sa pagpatay kaya baka daw may dumanak na dugo sa aming dalawa.

Actually meron pa silang pinag-iisapan na isa pa nilang kasama.

Ang dahilan naman ni Mr. Williams marami daw yung "babae" sa bahay at ewan ko ba! Pero tawang-tawa siya nung sinabin niya.

May binanggit pang tungkol sa elevator na hindi naman namin maintindihan kaya feeling ko mayaman talaga yung tinutukoy niyang lalaki at di-elevator ba naman yung bahay.

Kaya eto!!! Nandito na naman ako! Sa condo ni Maclntosh.

"Good! tapos ka na pala, Ms. Dalawang-buhay-mamuhay. Kumain ka muna dito, hindi namin alam kung anong kinakain mo kaya umorder na lang kami ng kung ano. Ikaw na lang mamili dyan."

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now