Chapter 56

16 0 0
                                    

Rule:
"DON'T CRY. TEARS EXPLAIN HOW BROKEN YOUR HEART IS."

Scarlett Forke's POV

"Aahhh!"

Higit-higit ang aking maleta, asar akong napatingin sa kalsadang nasa harapan ko!

Bakit ba naman kasi matarik 'tong pauwi sa amin?!?? Tapos ayaw pa ng tricycle pasukin!

Ano ba naman yan???? Problema naman pala sa lahat eh bakit di na lang nila ipapatag????

Tumigil muna ako at takte! Kapawis! Ano ba naman kasi si Ate Jenny sabi ng plastik na maleta ang bilhin aba't yung mabigat ang pinili!

Sa pagtatali ko ng buhok, kinig ko ang malakas na pagpreno ng isang kotse mula sa likod ko.

Sanay na ako sa ganyan dahil masikip nga ang daan pero nang parang may mabilis na paglalakad akong nakinig, naisip kong baka maholdapan pa ako!

Balak ko sanang baliwalain dahil kilala naman ako dito.

Pero sa mabilis at marahas na kamay na humigit sa maleta ko, sisigaw na sana ako ng 'magnanakaw!'

Kaso nang higitin pati nito ang braso ko dahilan para sumama ang buhok ko! Nagpanic na ako!!

"Raaappeee!!...... T-teka! L??????"

Singhap ako!

Dahil sa mga nagsibukasan na ilaw ng mga kapitbahay, binilisan ko ang lakad at sinilip ang mukha ng pigura ng lalaking kumakaladkad sa akin!

Si L nga ang lokaret!!!

Anong ginagawa niya dito????

Diba dapat siya ang nanlilibre kayna Nat at Alvarez para sa celebration nila???

"L, teka lang. Bakit ka ba nagmamadali??"

"Tss!"

Singhal nito bago parang maleta ko, tinapon lang din niya ako sa loob ng kotse.

Hindi ko gets kung bakit parang galit na galit siya. Tumahimik na lang ako at nag-abang.

Ilang oras siyang nagdrive, medyo naka-iglip pa nga ako dahil sa boredom pero nang ma-realized ko ang pamilyar na daan, alam ko na.

"Sa bahay mo???"

Tigil namin sa mismong tapat ng pinto.

Akala ko dito ulit siya nagpa-party pero sa tahimik, madilim at malamig na bahay na sumalubong sa akin.

Hindi ko maiwasang kabahan.

Bakit ganto?? May kasalanan na naman ba ako???

Asar niya kong kinaladkad papasok. Malakas niyang binitawan ang maleta ko sa sahig.

Halata ang naging takot ko nang mapatalon ako dahil duon.

Kahit medyo madilim, walang-imik at dere-deretso siyang umakyat sa kwarto niya.

Tahimik kong dinampot ang gamit ko. Binuksan ko muna ang mga ilaw bago na upo para mag-intay para sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nuong unang beses niya ko kaladkarin ng may ganuong gigil at galit.

Alam ko na may mali na naman akong nagawa sa kanya.

Wala akong ideya kung ano, saan at kaylan. Gusto ko sanang magsorry sa kung ano pa man yan.

Kung meron man siyang gustong ipagawa o kapalit, okay lang. Handa akong gawin para naman sa ganuon malaman ko kung anong naging sanhi ng emosyon niya.

Sa paghihintay ko ng saktong isang oras, napagtanto ko na baka pagod na siya. Kung kaya't nagpunta na ako sa taas para maligo.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang