Chapter 25

60 0 0
                                    

—R-u-l-e—
"IN LIFE, YOU HAVE TO SACRIFICE TO GO FAR. BUT MY CHILD, REFRAIN FROM SACRIFICING TOO MUCH."

Scarlett Forke's POV

"May mali sayo?? Wala ka namang utang. Nakakatulog ka ba?? Nawala mo ba ang singsing mo?"

Yan ang tanong sa akin ni Ry nang makausap ko siya sa telepono. Kilala niya ako at pamilyar siya sa problema ko sa pagtulog. Kaya naman sa kanya ako humingi ng payo patungkol sa hindi ko malamang gumugulong bagay sa isip ko.

Akala ko papauwiin niya na agad ako pero hindi ko inaasahan na mababanggit niya ang singsing ko.

Di ko nasabi na wala sa akin yun pero binilinan niya ako na wag ko daw tatanggalin sa kamay ko.

Paulit-ulit niya yung sinabi kaya kahit ako nagtaka kung gaano ka importante sa kanya ang singsing ko.

Meron ba siyang tracker na nilagay dun?? Kung kaya't dapat lagi kong suot???

Pero na kay L siya ngayon so si L ang na tra-track niya????

Anong meron dun sa singsing??????

Kung meron man siyang inilagay dapat malaman ko kung ano yun!

PLAN: Hanapin ang singsing!

Yaan ang naging misyon ko. Pinilit ko yung hinanap sa maleta ni L pero nang mapagtanto ko na wala doon, naisipan kong palakihin ang paghahanap ko kaya........................

"Mrs. Maclntosh, are we really allowed to search in here?? We know you're the soon-wife of the CEO and you have every rights to do whatever you want pero kami po??? Hindi po kami pwede dito sa office ni Sir, especially kung halos higit bente katao po ang nandito."

Kinig ko ang pangangamba sa boses ni Ms. Hadley. Siya ang secretary ni Jas at sa kanya ako hinabilin. Kung kaya't siya ngayon ang namomoblema para sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at kahit ako ay kinakabahan din sa pinapagawa ko sa kanila sa takot na baka bigla ngang dumating ang amo nila.

"I've told you!! I've lost my ring here, walang babalik sa mga opisina nila hangga't hindi niyo yun nahahanap!!"

Mataray kong asik habang nakatayo dito sa may pinto, nakikiramdam sa mga papasok.

Ampupuuuu!! Higit sampung minuto na kami dito at wala pa rin!! Nga-nga! Kanina pa ako nagtataka kung bakit imbes na ako dapat ang feeling alien dito sa opisina ni L eh mas feeling dinosaur pa sila!!!

Ano 'to first time nila sa opisina?!??

"Ikaw!"

Turo ko sa babaeng kanina pa naghahanap dun sa bookshelves. Agad siyang lumingon.

"Anong trabaho mo dito?? Bakit di mo alam ang pagkakasunod-sunod ng libro dyan??? Araw-araw mo na nakikita lito ka pa??"

"Ma'am sa HR po ako galing, di pa po kami nakaka-apak dito sa office ni Sir."

HR??? Hour??? Handrail?? Hall Robe?? Heat-resisting??? Hose Rack???? Hose Reel?? Hot-rolled????

Ano dun????? Mostly gamit yun kaya bakit dun siya galing??

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now