Chapter 42

28 0 0
                                    

Rule:
"REMEMBER IF HISTORY REPEATS ITSELF, IT'S NOT DESTINY RATHER IT MAY BE A KARMA."

Scarlett Forke's POV

Masarap ang pagkakatulog namin. Tanghali na kami nagising ni L. Para kaming fresh at walang hangover.

Samantalang parang kabaliktaran naman ang mga nararamdaman ngayon nina Pani. Dahil sa na abutan kong pangyayari dito sa baba, parang nagising na ang hangover ko.

"Baga!! Naku-naku!! Liliyab ka sa akin! Akala mo di ko alam??! Ikaw yung pasimuno ng karera kagabi!! Idadamay mo pa si Nolan, alam mo namang mayabang yun. Tapos ikaw Ugat!"

Matt Veinn ang buong pangalan ng gansta na yan.

"Tigil-tigilan mo ang paghuhubad tuwing lasing ka! Puno na nga ng tattoo yang katawan mo, naalala ko pa yang pwet mo! Ikaw Kamay!! Ang kati mo! Na nanaginip na ako, nakikinig ko pa yang talang buhay natin sa kwento mo. Wag kang share ng share, wala namang magla-like nan."

Parang nililitis na ni Max lahat ng kaluluwa nila. At lahat sila'y naka luhod sa harapan niya habang madiin ang pagkakapikit ng lahat. Sa ngayon, alam kong umuugong na sa mismong utak nila ang boses ni Max.

Kahit sa akin! Tagos kabiglang bungo!

"Kaluluwa, magsaya ka naman! Ginawa ko na ngang Pani ni Papi, ayaw mo pang sumaya. Huhuuuu! Kita ko kausap mo yung halaman kahapon. Panghuli! Rosa, alam ko heart broken ka pero utaaang na loob! Since birth na yan! Tantanan mo na kami sa kakaiyak mo! Nandadamay ka pa!"

"So out of all of you, the graduated student gets to shout at Lhungs, Veinn, Hund, Soul, and Rose. Teenagers are really scary these days."

Halik ni L sa sintido ko. Nilagpasan niya na ako para pumunta sa garden, tatawag daw muna sya sa opisina.

Tumigil na lang ako sa huling hakbang ng hagdanan, ayokong magpakita kay Max.

Wala pang mumugan. Gulo-gulo pa ang mga itsura at buhok pero nandyan na sila. Malamang nauna niyang pagalitan si Sky kung kaya't di na namin nakinig.

"Magsiligo na kayo. Kaylangan ko ng maghahatid sa mga kaibigan ko. Papagalitan sila ng magulang nila pagnakitang di matino ang maghahatid. Sino ang may trabaho ngayon??"

Sinenyasan ko ang pababang Jas at Anghel. Tumango sila at tahimik na pumunta sa kusina. Pinitik pa ako ni Anghel sa noo nang lagpasan niya ako!

Pansin kong tumaas ng kamay sina Sky at Ellie Rose.

"Tamo!! Iinom-inom kayo may mga pasok pala."

"No, I just need to talk with Nic. And I'll drop off some files at the office. Babalik din ako."

"Ako, kaylangan ko lang i-pickup yung graduation gift ko sayo."

"Edi Baga, Kaluluwa, at Kamay. Pwede ba kayong maghatid sa mga kaibigan ko??"

"Oo basta tumahimik ka lang, kahit ilan pa yan."

Natawa na ako sa sagot ni Gerra. Dahil dun, napansin na ako ni Max.

"BEEEEHHHH!!!"

Lahat kami nagtakluban ng tenga. Wala talagang awa si Max!

"Congrats—"

"Anong congrats ka dyan?!! Wag kang makikinig sa sinabi sayo ni Rosa ha! Ayoko sa Lucas na yan!!!"

Napatigil kaming lahat.

Sabay-sabay kaming napalingon sa bukas na glass-door papuntang garden. Kapit ang cellphone niya, napalingon din si L sa amin sa lakas ng boses ni Max. Di pa na kontento, sinamaan siya ng tingin ni Max at tinuro. Dahil dun, marahan kong kinapitan ang kamay ni Max.

Breaking The Mafia Rules [Complete]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora