Chapter 18

56 1 0
                                    

Rule:
I CAN'T GO BACK TO YESTERDAY, BUT YESTERDAY KEEPS PULLING ME BACK TO WHERE YOU ARE

*****NEW YORK AIRPORT*****

Scarlett Forke's POV

Bangag na bangag pa ako nang makababa kami dito sa airport. Kahit nasa first class kami, hindi pa rin ako sanay ng mahigit 16 hours na pa-upo upo lang.

Hindi man ako nakatulog sa byahe namin papuntang airport. Nakatulog naman ako sa eroplano. Kahit na may pagitan kami ni L ay nagawa ko paring makatulog basta kinig kong humihinga pa siya.

It was a very tiring flight, pero ngayon na nandito na kami sa bansa ng mga blandina at mga taong matataas at ubod ng puti! Okay na rin!! At least nandito na ako!! Mwuahahahahhaha!!!!!!

Hanapin man ako ng Schwarz, lumuwas muna sila!

Pagod kong binuksan ang bag sa tabi ko, kumuha ako ng lollipop dun.

Grape-flavour.

Last na 'to. Backwards nga ata akong mag-isip at kung ano yung paborito ko, yun yung hinuhuli ko imbes na yun dapat ang una kong inuubos.

But anyways! Kasalukuyan akong nag-iintay sa waiting area. Maraming tao at halo-halo ang kulay nila. May ilang mga katulad ko na nag-iintay. Ang ilan naman ay lakad ng lakad, hinahanap ang gate nila.

Gabi na, pero talaga nga atang walang tulugan ang mga airport sa dami paring tao dito.

Isinuot ko ang jacket ko. Ang alam ko kakatapos lang ata ng winter dito kaya medyo malamig at mukhang umuulan pa sa labas.

Tumingin ako sa paligid, still waiting for L to come back.

Ibinigay ko kanina ang passport ko sa kanya. Siya ang nag-akikaso ng mga pag-usap sa tao. Panay lang ang sunod ko at lagi lang akong naka buntot, pero nang dumating kami dito. Kanina lang ay nagpaalam siya sa akin na tatawagan lang daw niya yung service namin papuntang JH Hotel kung saan kami naka-book.

Kaya eto ngayon, hintay lang since sabi niya pagdating daw ng 8 pm nasa hotel na daw kami nun.

Ayun, hintay lang.

Kahit na ang tagal na.

Napabuntong-hinga na lang ako. Ibabalik ko na sana ang lollipop ko sa bag dahil nawalan na ako ng gana— Teka! Asan yung bag ko?!?????

Kinapa ko yun hanggang sa tumingin na ako sa tabi ko! Agad akong napatayo!

Tumingin ako sa may likod ko. Medyo nalula pa ako sa dami ng tao sa paligid! Halos lahat sila dito nag-iintay dahil sa ulan sa labas!

Punyemas!! Bakit ang tatangkad nila?!!???

Agad akong nakipagsiksikan at pilit na hinanap kung sino ang kumuha ng bag ko.

Kapit-kapit ang lollipop, halos uliin ko na ang buong lugar. Patay! LAHAT ng gamit na meron ako ngayon ay nasa loob ng BAG na yuuunn!!!

Hindi yun pwedeng mawala. Nandun ang card ko! Oo! Wala nga akong phone pero pera??????

Saan ako pupulutin eh dollars ang usapan dito!!!

Matagal-tagal din akong nagpatakbo-takbo, alam kong pinagtitinginan na ako ng ilan kaya nang maramdaman kong sumakit na ang aking mga binti. Pinili ko na lang maglakad papabalik kung saan ako nakaupo kanina.

Tumalikod lang ako at dun ko lang nakita na, halos magkakamukha pala lahat ng waiting area dito!

"Shit!"

Breaking The Mafia Rules [Complete]Where stories live. Discover now