Chapter 1

3.4K 91 15
                                    

Maaga akong gumising ngayon araw na ito, tapos na kasi ang weekend at simula na ng pasukan. Hinanda ko muna ang aking mga gamit at damit nasusuotin sa trabaho. Nang makita kung maayos na ang lahat ay kinuha ko ang aking tuwalya saka ako bumaba para makaligo. Pagbaba ko nakita ko agad ang aking kaibigan na si Kystal nakumakain ng umagahan. Tatlo kaming nakatira dito sa apartment, para na kami magkapatid. Simula high school pa kami magkakaibigan hanggang sa makapagtapos kami ng pag-aaral at nakipagsapalaran sa Manila upang makahanap ng trabaho.

"Kain ka muna bes, naliligo pa si Yanna," bungad sa akin ni Kystal. Kaya na-upo na lang ako at nagsimulang kumuha ng pagkain.

"Kanina pa ba si Yanna d'yan?" tanong ko kay Kystal at sinimulan nang kainin ang pagkain.

"Oo, sigurado ako lalabas na din 'yan." At tumayo na ito dahil tapos na itong kumain. Hinigusan muna niya ang kanyang pinagkainan saka nagpaalam na aakyat para makatulog. Call center kasi trabaho ni Kystal at night shift siya ngayon kaya umaga na siya natutulog. 

Maya't maya nakita ko si Yanna nalumabas sa banyo kaya agad ko hinugasan ang aking kinainan saka ako pumasok sa banyo upang makaligo, dahil kaunting oras na lang at late na ako sa trabaho. Nagmadali akong naligo at pagkatapos umakyat na ako sa kwarto upang magbihis at maghanda na.

Naglagay lang ako ng light make-up at kinuha ko aking gamit saka bumaba. Nadatnan ko si Yanna na naghihintay sa akin at tapos na rin ito naka-ayos. Magkatrabaho lang kasi kami ni Yanna, pareho kaming private teacher sa Southville Learning Academy na isa sa tanyag na paaralan dito sa Maynila. Lahat ng nag-aaral doon ay galing sa mayayaman na pamilya. Maswerte na rin kami dahil isa kami sa napiling makapagtrabaho doon.

"Kystal, alis na kami," sigaw namin saka lumabas sa apartment at nagtungo sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at hindi gaano kahaba ang pila ng kami ay dumating doon. Pag-alis ng unang jeep ay nakasakay naman agad kami sa sumunod na-jeep. Narinig ko pa si Yanna na nagrereklamo dahil masikip na raw at nagtawag pa ng isang pasahero. Nang mapuno na ang jeep ay umalis na ito agad.

"Sa Agustin Street po kuya," sabi ko sabay abot ng pamasahe namin. Ilang minuto din ang biyahe namin bago kami dumating. Bumaba na kami ni Yanna at naglakad ng kaunti bago kami nakarating sa school. Binati kami ng guard at pinakita namin ang ID upang ma-scan para kami makapasok.

Pagpasok namin ay naghiwalay na kami upang pumunta sa kanya-kanya naming room. Grade 1 teacher kasi ako habang siya naman ay Grade 4 teacher. Pagdating ko sa classroom ay nakita ko agad 'yong mga bata. "Good morning, children," Bati ko agad sa kanila sabay ngiti.

"Good morning, Teacher Leign." Masiglang bati sa akin ng mga bata. Pinatayo ko muna sila para sa aming morning prayer bago kami magsimula sa aming klase.

"Now, take your seat. Get your assignment and pass in front of you," sabi ko sa kanila at sinunod naman ng mga bata.

"Teacher...Teacher..." Sigaw ng isa sa mag-aaral ko habang nakataas ang kamay.

"Yes, Enzo?"

"She doesn't have an assignment." Nahihiyang sumbong ng bata sabay turo sa kanyang katabi. At yumuko naman agad 'yong sinabihan nawalang assignment dahil na rin sa hiya at takot na mapagalitan.

"Merila, why?" Mahinahon kung sabi sa bata, sabay lapit dito.

"I forgot po, teacher. Kasi po nag-away si Mommy at Daddy." Maluha-luha ang mata nito.

"It's okay. Merila, don't cry." Hinawakan ko ito upang sabihin na huwag matakot dahil parang maiiyak na ito.

"Let's talk later," sabi ko sabay balik sa harapan. Maraming beses ko ng naranasan ang ganitong pangyayari kaya kinakausap ko na lang ang kanilang guardian upang masabihan ng problema nila sa loob ng klase ko.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon