Chapter 28

589 30 3
                                    

"Naku! May pa tulips na naman si doki," sabi ni Yanna sa akin sabay hampas sa braso ko nang makita si Laurent na nasa labas ng school. Ilang linggo na rin ginagawa ni Laurent ang paghihintay sa amin tuwing uwian upang maihatid kami sa apartment. Hindi rin nakakalimutan nito na magdala lagi ng tulips. Kaya ang dami ko ng tulips sa loob ng kwarto.

Pwede na siguro ako magtayo nang-shop kung hindi pa rin ito titigil. Mahal pa naman iyong tulips.

"Itikom mo 'yang bunganga mo." Banta ko dito nang papalapit na si Laurent. Alam ko itong bibig ni Yanna, ako na lang ang mahihiya.

"Hi doki!" Nakangiting bati ni Yanna at tumango lang si Laurent sa kanya. Nasanay na rin si Yanna sa ugali ni Lauren na may pagka-cold minsan. Lumapit ito sa akin at binigay ang dala na bulaklak.

"Salamat." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit ilang linggo na ito ginagawa ni Laurent nakakaramdam pa rin talaga ako nanghiya. Lalo na kapag pinagtitinginan kami ng ibang tao.

"Naku doki, baka naman magtatayo na si Leign niyan ng flower shop. Malapit na mapuno 'yong kwarto niyan." Pinandilatan ko si Yanna sa kanyang sinabi dahil nakakahiya sa tao. Minsan talaga itong bibig ni Yanna hindi mapigilan. "Joke lang 'yon, doki," bawi nito sabay hampas kay Laurent na parang sobrang close na nila sa isa't-isa.

"Yanna, uwi na kayo?" Napalingon kami ni Yanna nang marinig ang boses ni Hanz. Nakita namin si Hanz at Keifer na magkasabay lumabas sa school. Napatingin si Kiefer sa akin at doon sa hawak kung bulaklak. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito pero alam kung pilit lang 'yong ngiti niya. Naiisip ko tuloy na baka may problema ito tungkol na naman sa kapatid niya. Madalas nagmamadali ito umuwi para sa kapatid niya.

"Oo, alangan naman hindi kami dito nakatira," inis na sabi ni Yanna sabay irap kay Hanz. Nagtaka tuloy ako kung magkagalit ba itong dalawa. Hindi ko sila nakita sa cafeteria kanina na nag-uusap.

"Hi Leign!" Bati ni Hanz at napatingin ito kay Laurent na may pagtataka.

"Ahh...Hanz, Keifer, ito pala si Laurent," pakilala ko sa kanila.

"Manliligaw niya," singit ni Yanna.

"Yanna," saway ko dito.

"Oh! problema mo?" Tanong nito sa akin. "Doki, ito pala 'yong mga katrabaho namin si Keifer na mabait at si Hanz na asungot." Napakunot naman si Hanz sa sinabi nito. Wala talagang araw na hindi ito parang aso't pusa.

"Laurent..". Nakipagkamay ito kay Hanz at Keifer na tinanggap naman ng dalawa.

"Halika na doki, uwi na tayo," sabi ni Yanna at inirapan na naman si Hanz. Ang laki talaga nang galit nito kay Hanz.

"Tingnan mo 'yang kaibigan mo Leign may saltik na naman sa utak." Tinuro ni Hanz si Yanna pero tinaasan lang ito ng kilay ni Yanna kaya natawa na lang ako. Nagpaalam na kami sa kanilang dalawa at lumakad na kami kung saan naka-park ang audi ni Laurent. Yes, siya na ang mayaman, maraming sasakyan.

"Bagong sasakyan, doki?" Tanong ni Yanna nang umupo nasa backseat.

"Hindi matagal na ito," agad na tanggi nito.

"Ang yaman mo talaga doki, baka naman may pamimigay kang sasakyan." Napatingin ako sa likuran ng sabihin ito ni Yanna.

"Yanna," sambit ko dahil nakakahiya sa tao. Narinig ko natumawa lang si Laurent.

"Alam mo Leign, minsan loading din 'yang utak mo. Hindi mo ba alam ang salitang biro lang. Mabuti pa itong si doki tinawanan lang ako habang ikaw para ka ng mag-menopause d'yan." Inirapan ko lang ito, nahihiya kasi ako kay Laurent. Hindi naman lahat ng tao nasanay nasa bibig ni Yanna, maliban na lang kung matagal mo na itong magkakilala.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now