Epilogue

1.2K 36 8
                                    

"Happy birthday, Ashenia," sabi ni Yanna sabay halik sa pisngi ng anak ko. Inabot nito ang dalang regalo saka kinuha sa akin si Ashenia. "Manang-mana ka talaga kay ninang, ang ganda-ganda mo. Nanggigil ako sa kagandahan mo." 

Para naman nakaintindi ang anak ko at ngumiti ito habang kinakausap ni Yanna. Natawa naman ako nang hilahin niya ang buhok ni Yanna.

"Ashe, masakit 'yan! Nasasaktan si ninang.." Pilit nito tinanggal ang kamay ni Ashenia sa kanyang buhok.

"Akin na si Ashenia, ang pangit mo raw." Kinuha ito ni Kystal. Nakasimangot naman si Yanna habang inaayos iyong buhok nagulo.

Isang taon nakalipas simula noong isilang ko ang napakaganda kung anak. Nakakalungkot lang isipin na ako iyong nagdala sa kanya ng siyam na buwan at nagpakahirap na ipanganak siya pero wala man lang nakuha sa akin. Kay Laurent lahat, simula sa mata, ilong at labi nito. Kamukha talaga nito ang ama kahit sinong magsabi. Sigurado ako madaming lalaki ito paiiyakin paglaki.

Mahigit isang taon na rin kaming kasal ni Laurent. Dalawang beses lang naman ako pinakasalan ni Laurent, tinupad nito ang pinangako na pakakasalan ako sa simbahan. Isang buwan lang matapos ko pinanganak si Ashenia ay kinasal kami sa simbahan. Kahit sinabi ko na gusto ko simple lang pero hindi nakinig ang magulang ni Laurent. Simula noong nakabalik na ako sa Manila, hindi na rin muna ako bumalik sa pagtuturo kahit inalok pa ako sa dati kung pinagtratrabahuan. Pinili ko na lang muna alagaan ang anak ko at maging isang online teacher sa mga Chinese na bata.

Gusto ko kasi na-hands on ako sa pagpapalaki sa anak ko. Gusto ko masubaybayan ang paglaki niya. Minsan naman dumadalaw si nanay at tatay sa bahay namin upang makita ang kanilang apo. Mabuti na lang talaga at pumayag sila nasa Manila na rin sila titira, medyo malapit lang din sa bahay namin sila nakatira para hindi na mahirapan sa pagpunta sa amin. Mas maganda kasi malapit sila at hindi ko na kailangan pa bumiyahe nang matagal para makita sila, dito na rin sa Manila nag-aaral si Ivo.

"Yanna naman, papaiyakin mo 'yong bata." Reklamo ni Kystal ng bigla na lang namula ang tungkil ng ilong ni Ashenia at malapit na ito umiyak. Kaya kinuha ko ito kay Kystal, doon lang nagliwanag ang mukha nito saka sumiksik sa akin. 

"Ang cute n'yo tingnan," tuwang-tuwa na sabi ni Yanna.

"Mag-anak ka kasi," sambit ni Kystal.

"Madaling sabihin mahirap gawin. Kung gusto mo mauna ka saka ako taga bantay sa anak mo. Free lang walang bayad." Nakangiting sabi ni Yanna.

"Baka paiyakin mo lang anak ko. Salamat na lang." Hinampas ito ni Yanna sa balikat. Natigil naman ito ng dumating si Hanz at Kiefer. Inabot nito ang mga dalang regalo sa akin at kinuha sa akin si Ash.

"Ang bilis naman lumaki ng inaanak ko. Baka sa susunod marami na itong manliligaw."

"Manahimik ka, Hanz, ang bata pa niyan para sa manliligaw. Dinadamay mo pa ang bata sa kalandian mo," sabi ni Yanna sabay irap dito kaya napailing na lang ako. Hindi pa rin talaga nagbabago itong dalawa. Hindi ko rin nabalitaan nagkabalikan ba sila. Siguro mas pinili nila maging magkaibigan na lang.

"Oh! Nand'yan ka pala? Hindi man lang kita nakita." Gulat nasabi nito kaya mas lalong nainis si Yanna.

"Samahan mo ako, Ky. Kakain tayo doon, may asungot dito." Hinila nito si Kystal palayo papunta sa mga pagkain. Kaya napatawa na lang kami, halata kasi sa mukha ni Kystal na napipilitan lang ito.

"Salamat sa pagpunta," sabi ko dito.

"Basta para sa inaanak namin." Nakangiting sabi nila. Napatingin naman ako sa may gilid at nakita ko doon si Laurent kausap ang mga kasamahan sa trabaho. Nang napatingin ito sa akin ay ngumiti ito

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now