Chapter 16

653 32 0
                                    

"Pwede ka nang lumabas ngayon, pero kailangan mo muna magpahinga ng ilang araw sa inyo. Iwas stress muna," seryosong sabi sa akin ni Laurent. Ganito ba talaga siya sa kanyang mga pasyente. Parang pinaglihi sa sama ng loob, hindi man lang marunong ngumiti. May ilan pa itong sinabi sa nurse saka tuluyan nang lumabas.

"Asikasuhin ko muna 'yong bill." Paalam sa akin ni Yanna at tuluyan nang umalis. Kaya naiwan na lang akong mag-isa. Tinanggal na rin nang-nurse 'yong nakalagay sa kamay ko. Mabuti na lang at makalabas na ako, hindi ko kasi gusto ang amoy ng hospital. 

"Leign." Mahinang boses ang gumising sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at natunghayan ko si Yanna. Hindi ko pala namalayang nakatulog pala ako sa kahihintay sa kanya. "Nabayaran ko na, pwede na tayo umuwi," dagdag nito. Niligpit muna ni Yanna ang mga gamit, hindi na niya ako pinatulong kasi baka mabinat daw ako.

"Hello," sabay kaming napalingon ni Yanna sa may pintuan.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Yanna kay Hanz.

"Sisihin mo ang Edsa kung bakit sobrang traffic."

"Buhatin mo na 'to." Utos ni Yanna dito habang ako nakatingin lang sa kanila. Nagtataka kasi ako kung bakit sumulpot si Hanz dito bigla.

"Alam ko 'yang tingin mo Leign. Sa ganda kung 'to, hindi kaya nang-powers ko buhatin 'yan." Turo niya sa mga gamit. Minsan maiisip ko talaga na nakakabasa ito nang iniisip ko. Hindi pa nga ako nagtatanong alam na niya ang nasa isip ko.

"Lets go." Binuhat na ni Hanz ang mga gamit namin saka nagtungo sa parking area. May dala pala itong sasakyan, bihira ko lang ito makitang magdala ng sasakyan. Sabi kasi niya sa amin tamad siyang magmaneho. Ilang oras lang ay nakarating na kami sa apartment, medyo natagalan dahil sa traffic. Pinapasok na ako ni Yanna, siya na lang ang tutulong sa pagdala ng mga gami kot. Ayaw kasi nito na mabinat ako.

"Welcome back, Leign." Bati sa akin ni Kystal at niyakap ako ng mahigpit. "Hindi na ako sumama sa pagkuha sa hospital kasi nagluto ako para may makain kayo pag-uwi," dagdag nito. 

Pinaupo niya muna ako dahil ihahanda na raw niya ang pagkain. Nakita ko na rin si Hanz na pumasok dala ang mga gamit habang si Yanna nakasunod dito na wala man lang dala. May sinasabi pa natutulong pero nakasunod lang pala ito.

"Ilagay n'yo muna d'yan. Kumain muna tayo," nakangiting sabi ni Kystal sa amin.

"Sakto at gutom na rin ako," biro ni Hanz.

"Mukha ka talagang pagkain." Inirapan ito ni Yanna bago tuluyan pumunta sa mesa. Kaya nagkatinginan na lang kami ni Hanz at natawa. Minsan talaga ang ugali ni Yanna hindi mo maintindihan. Mabuti na lang at kilala na namin ito kaya alam na namin takbo nang-utak niya.

 Masaya namin pinagsaluhan ang pagkain, nagkakwentuhan pa kami. Hanggang sa matapos na kami. Sina Yanna at Kystal na ang nagligpit habang ako umakyat nasa taas upang makapagpahinga. Nagpaalam na rin si Hanz dahil may pupuntahan ito.

Kinabukasan, naiwan akung mag-isa sa apartment habang nasa trabaho 'yong dalawa kung kaibigan. Kailangan ko kasi magpahinga upang tuluyan ng gumaling, na-miss ko na nga pumasok sa school. Miss ko na rin 'yong mga bata na tinuruan ko. Ilang araw na din kasi akong absent.

Bigla ako napalingon nang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko ito at napatingin sa tumawag, unregistered number ito. "Hello," sagot ko sa tawag.

"Hello, Teacher Leign." Magiliw na bati sa kabilang linya. Boses pa lang, alam ko na galing ito kay Lauren. Naiisip ko 'yong mukha niya ngayon na-abot tenga ang ngiti.

"Hello Lauren," sabi ko.

"Are you okay na?" Nag-alalang sabi nito.

"Yes, nagpapahinga lang para lubusan gumaling."

"Bye na, Teacher, start na kasi klase ko. Ingat ka lagi," sabi nito sabay off ng tawag. Napaka-sweet talaga na bata ni Lauren. Bumangon na ako sa kama dahil masakit na ang likod ko sa kahihiga, nagpasya akong manuod nang-movie dahil sa sobrang bored.

"Kumusta?" Napalingon ako, nakita ko si Kystal.

"Ito sobrang bored na,mabuti maaga kang umuwi ngayon," sabi ko dito.

"Kakatamad mag-overtime. Nagdala pala ako nang-food, para hindi na tayo magluto. Hindi pa nakauwi si Yanna?"

"Baka na-traffic, mamaya darating din 'yon," sabi ko. Nagpaalam muna itong magpapalit ng damit pambahay. Maya-maya ay dumating na din si Yanna, kasama sina Kiefer at Hanz.

"Kailan ka ba papasok Leign? Nakakasawa na kasi itong si Yanna," biro ni Hanz at umupo sa harapan ko.

"Manahimik ka Hanz, baka masapak kita. Kanina ka pa," banta nito sabay lapag ng kanyang gamit.

"Kung maging kayo na lang kaya." Bigla kung nasabi.

"Never," sabay na sabi nila, kaya natawa na lang kami ni Kiefer.

"Kumusta ka na? Pasensya na hindi na ako ulit naka dalaw sa hospital. Inatake rin kasi ang kapatid ko,"paliwanag nito sa akin.

"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman."

"Kain na tayo," yaya ni Kystal. Sabay-sabay kaming kumain. Nakakatuwa talaga kapag nandito 'tong dalawa, masaya kasi kapag nandito 'tong dalawa. Naging close na rin itong si Kystal kina Kiefer at Hanz, kaya wala nang-ilangan. Para na kaming magbarkada. Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan lang kami at masayang nagbibiruan.

"Mauna na ako, hinahanap na kasi ako ng kapatid ko," paalam ni Kiefer sa amin. Napakabuti talagang kapatid ni Kiefer, lagi niyang inaalala ang kapatid. Nakwento na niya sa amin noon na may sakit ang kapatid niya at lagi siya nitong hinahanap. Ito din dahilan kaya umuwi siya sa Pilipinas at i-give up ang career niya sa ibang bansa. Hindi nagtagal ay umalis na naman si Hanz.

"Yanna, aminin mo nga gusto mo ba si Hanz?" Diretsong tanong ni Kystal. Nakita ko naman na medyo nagulat si Yanna sa tanong nito.

"Ano ba pumasok sa utak mo, Kystal?" Napakamot ito sa kanyang ulo.

"Huwag kang magsinungaling, magsabi ka ng totoo." Kahit ako na-curious sa kanilang dalawa, mabuti na lang at malakas ang loob nitong si Kystal na magtanong.

"Kystal naman e." Napatayo ito, sobrang halata sa kinikilos. Pwede naman niya sabihin na hindi niya gusto, bakit nahihirapan pa siya.

"Sagutin muna, hindi ko naman ipagsasabi, kahit itong si Leign hindi din." Palipat-lipat ang tingin sa amin si Yanna.

"Fine, crush lang naman. Sino ba hindi magka-crush kay Hanz." Pagkatapos nitong sabihin ay umupo ito. "Hoy, wag ninyo ipagkalat 'yan ha. Lalo nasa lalaki na 'yon. Alam n'yo naman ugali nun," dagdag ni Yanna.

"Hayaan mo Yanna, gusto ka rin nun. Ang torpe lang kasi, hindi masabi sa iyo." Namula naman si Yanna sa sinabi ko kaya hindi maiwasan na tuksuhin ni Kystal. Feel ko talaga baka sa susunod ay ma-fall na siya kay Hanz. Lagi kasi sila nagsasagutan at nagtutuksuan. Hindi naman imposibleng magkagusto si Yanna kay Hanz dahil gwapo naman ito ay may dating din.

"Leign naman eh, manahimik ka." Pinalo ako nito sa balikat, para itong teenager kung makakilos. Nagbiruan pa kami bago nagpasyang matulog na dahil maaga pa papasok bukas. Papasok na rin ako bukas dahil okay na ang pakiramdam ko at nakakabagot dito sa apartment.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now