Chapter 7

829 45 2
                                    

Kakatapos lang ng aking klase at papunta ako ngayon sa office ni Mrs. Sevilla. May dapat daw kaming pag-usapan kaya niya ako pinatawag. Mabuti na lang talaga at magaling na ang paa ko, kaya nakakalakad na ako nang maayos. Buong weekend ba naman akong nasa apartment lang namin dahil dito sa paa ko, upang lubusan na itong gumaling. Pagdating ko sa office ay kumatok muna ako bago pumasok. Nang makita ako ni Mrs. Sevilla ay agad niyang binaba 'yong libro na binabasa n'ya.

"Good afternoon, ma'am." Bati ko sa kanya. 

"Maupo ka muna, Teacher Leign." Ani niya sa akin, kaya umupo muna ako.

"Tinawag kita rito upang sabihin sa iyong papayag ka ba na maging tutor sa anak ni Mrs. Craige. Naghahanap kasi sila na pwede magturo sa anak nila kasi umalis na 'yong dating tutor nito at sa nakikita ko naman ay ikaw 'yong nararapat dahil isa ka sa magaling na guro dito, Teacher Leign," sabi niya sa akin. Medyo nagulat din ako sa sinabi ni Mrs. Sevilla. Pero hindi ko maiwasan mapangiti sa narinig napapuri galing sa kanya. Pero naguguluhan ako kung tatanggapin ko ba ito.

"Salamat po, ma'am, gusto ko muna sana itong pag-isipan. Kung pwede lang po."

"No problem, Teacher Leign," sabi niya sa akin.

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nagpaalam na ako sa kanya. Mabuti na lang talaga at binigyan ako ni Mrs. Sevilla ng ilang araw upang makapag-isip. Pupuntahan ko lang siya kapag handa na ako upang makausap ko si Mrs. Craige. 

"Problema mo?" Bigla akong bumalik sa aking sarili at tiningnan si Yanna nasa tabi ko na ito. Bigla-bigla na lang talaga itong sumusulpot parang kabute.

"Wala naman, may iniisip lang ako."

"Alam mo ba kanina pa kita tinatawag pero di mo ako naririnig. Ano ba 'yang iniisip mo?" Humingi na lang ako ng paumanhin sa kanya. Simula kasi ng lumabas ako sa office ni Mrs. Sevilla ay lutang na ako. Iniisip ko kasi 'yong sinasabi niya sa akin. Kaya sinabi ko agad ito kay Yanna, 'yong napag-usapan namin ni Mrs. Sevilla.

"Kung ako sayo, tatanggapin ko iyan. Dagdag kita rin kasi 'yan para sa iyo." Payo niya sa akin. Tama naman si Yanna, tulong na rin ito para mas malaki ma-ipadala ko sa amin. Lalo't may mga gamot na dapat iniinom 'yong bunso ko. Kaya kakausapin ko bukas si Mrs. Sevilla tungkol sa desisyon ko.

Sinamahan muna ako ni Yanna sa classroom ko upang kunin 'yong mga gamit ko upang makauwi na kami. Paglabas namin nakasabay pa namin 'yong ibang guro. Nagpaalam na kami sa kanila at nagpunta na kami ni Yanna sa sakayan ng jeep. Nagpasya muna kaming pumunta sa palengke upang mamili ng lulutuin namin mamaya. 

Pagdating namin sa palengke ay bumili muna kami ng mga gulay at karne. Madami-dami na rin 'yong nabili namin. Pagkatapos pumunta kami sa nagtitinda ng prutas. Namili kami ng mga prutas nabibilhin namin at nang babayaran ko na ito ay may biglang humablot sa aking wallet.

"Magnanakaw," sigaw ko at hinabol ko 'yong magnanakaw. Narinig ko pa 'yong tawag ni Yanna sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Kailangan ko makuha 'yon dahil nandoon lahat ng pera ko. Hinihingal na ako sa kakahabol at kasisigaw na magnanakaw pero wala man lang tumulong sa akin. May mga nabubonggo na ako dahil sa kakahabol.

Hinubad ko'yong isa kung sapatos at binato sa magnanakaw. Buti na lang at natamaan ko ito sa ulo kaya napatigil at napahawak sa kanyang ulo. Ginawa ko itong pagkakataon upang agawin 'yong wallet ko. Pilit ko itong kinukuha sa kanya, kaya lang mas malakas siya sa akin at tinulak niya ako na naging dahilan upang matumba ako. Namimilipit ako sa sobrang sakit dahil masama 'yong pagkakabagsak ko.

Tatakbo na sana ulit 'yong magnanakaw pero may biglang pumigil sa kanya. Susuntukin sana ng magnanakaw 'yong lalaki pero naunahan siya nito. Natumba ito dahil sa malakas na suntok. Kinuha ng lalaki 'yong wallet ko at sinipa iyong magnanakaw. Napahawak ito sa kanyang tiyan dahil sa sakit. Lumapit naman sa akin 'yong lalaki kaya tumayo ako. Nakita ko rin na tumakbo na 'yong magnanakaw kasi may papalapit na pulis.

"Ibubuhis mo 'yong buhay mo para lang sa limang libo," sabi niya sa akin at inabot 'yong wallet ko. Tiningnan pala niya 'yong laman nito. Pero nagulat ako kasi 'yong tumulong sa akin at 'yong lalaki na gumamot sa akin sa clinic ay iisa. Bakit ba laging pinagtatagpo landas namin.

"Maraming salamat," sinsero kung sabi at kinuha 'yong wallet ko. Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi niya sa akin. Alam ko naman na mayaman siya kaya maliit lang 'yong limang libo sa kanya. Pero para sa akin na mahirap lang, sobrang laki na. 

"Sa susunod h'wag mo nang habulin baka mapahamak ka lang. Ingatan mo 'yong gamit mo lalo nasa ganito kang lugar." Payo niya sa akin at tuluyan na akong iniwan. Nakita ko rin si Yanna na papalapit na sa akin.

"Ano ba ginagawa mo?!" Inis nasabi niya sa akin sabay hampas sa akin.

"Ara!" Reklamo ko sa kanya. Masakit din kasi 'yong pagkahampas niya sa akin. 

"Ano ba pumasok sa utak mo at hinabol mo 'yon. Paano kung napahamak ka. Zachna naman, mag-isip ka. 'Yong pera nakikita pa pero 'yong buhay mo isa lang." Nakataas ang isang kilay nito. Naiintindihan ko naman kasi siya at nag-alala lang sa pwede mangyari sa akin. Lalo na at protective talagang kaibigan ito. At isa pa kasalanan ko naman kasi hindi ako nag-iisip bago ko 'yon ginawa.

"Sorry na, hindi ko na-uulitin."

"Sana nga, ano na lang maramdaman ng pamilya mo sa probinsya kapag nalaman na may nangyari masama sayo," dagdag pa niya sa akin.

"Promise, hindi na mauulit na ito. At mag-iingat na rin ako," seryoso kung sabi sa kanya.

"Sige na nga, umuwi na tayo. Para makapagluto na," wika niya sa akin. Kinuha ko muna ang sapatos ko na binato ko kanina sa magnanakaw at sinuot ito.

Umuwi na kami sa apartment at nadatnan namin si Kystal na paalis na upang magtrabaho. Nagpaalam ito sa amin na umaga na ito uuwi. Nagbihis muna kami ni Yanna ng damit pambahay saka kami nagsimulang magluto. Ang niluto lang namin ay sapat lang para sa aming dalawa. Pagkatapos namin magluto ay kumain na kami. Hindi mo na ako natulog kasi may dapat pa akong gawin, 'yong  lesson plan ko at iba pang kailangan sa school. Nakita ko si Yanna na tumabi sa akin na may hawak na laptop.

"Kailangan na natin maka-pass ang grade para sa first quarter" sabi sa akin ni Yanna. 'Yong sa akin ay mamaya ko na gawin pagkatapos nito. Matatagalan yata ako ngayon sa pagtulog dahil maraming nakatambak na dapat gawin. 

Abala talaga kaming dalawa, tanging tunog lang ng laptop at ingay ng sasakyan sa labas 'yong maririnig namin. Hindi man lang kami nag-uusap dahil nasa ginagawa namin 'yong buong atensyon.

"Sakit na ng mata at likod ko," reklamo ni Yanna. Napalingon ako ng maramdaman ko na tumayo ito. Tapos na ba siya. Ako kasi madami pa dapat gawin. At binalik ko na ulit 'yong atensyon ko sa aking gagawin. Naramdaman ko na lang na umalis ito.

"Tapos ka na?" Tanong niya sa akin. Umupo na ito ulit at inabutan niya ako ng juice. Kinuha ko ito kasi kanina pa ako nakaramdam nang uhaw pero tinatamad lang tumayo. Nagpasalamat ako sa kanya at tiningnan kung anong oras na. Dalawang oras na pala akong nakaupo dito, kaya pala nakaramdam na ako nang pananakit ng aking likuran. Inubos ko agad ang juice para tapusin na 'tong ginagawa ko.

Ilang oras pa lumipas hanggang sa natapos na rin ako. Medyo sumasakit na rin 'yong mata ko. Tiningnan ko si Yanna na abala pa rin ito. "Hindi ka pa tapos?" tanong sa kanya. Niligpit ko na 'yong mga gamit ko.

"Kaunti na lang," sagot niya sa akin Nagpaalam ako sa kanya na mauna ng umakyat sa taas. Pero bago 'yon naghilamos muna ako. Naglagay mo na ako ng skin care products sa mukha ko bago ako humiga sa kama. Nakakapagod 'tong araw na ito dahil sa mga nangyari at nakatambak na gawain.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now