Chapter 48

569 16 0
                                    


"Sis, hindi ka pa rin papasok?" Tanong ni Yanna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam na nag-resign na ako sa trabaho. Sinabi ko lang kasi dito na-leave muna ako. Alam ko naman malalaman din ito ni Yanna at sana kapag dumating ang panahon na iyon ay sana may trabaho na ako at sana maunawaan nitong nagsisinungaling ako.

Nagpasa na ako sa iba't-ibang school through online. Pero hanggang ngayon wala pa rin reply. May apat na-private school na rin ako pinuntahan pero sinabi lang nito sa akin, tatawagan ako kapag may bakante. Pero hindi ako susuko, iyong huling sahod ko ay pinadala ko na sa aking pamilya. Kaya iyong ipon ko na ang kinukunan ko ngayon.

Pag-alis ni Yanna ay agad ako nagbihis dahil susubok na naman ako, makahanap ng trabaho. Sana ay swerte ako ngayong araw at makahanap na. Mabuti na lang talaga at busy si Laurent baka magtaka ito . Tiningnan ko iyong listahan kung saan ako pupunta ngayon. May lima akong paaralan nakitana  naghahanap sila ng teacher. Sa nasa pang-limang  school ay isa dito ang sagot sa aking problema.

"I'm sorry, Ms. Manquez, pero nakahanap na kasi kami. Tatawagan ka na lang namin kapag may bakante," sabi nito sa akin.

Ngumiti ako dito, "Thank you, ma'am." Nagpaalam na ako dito saka lumabas sa principal office. Ito na ang panglima ko na-school pinuntahan. Lahat ay nakahanap na at sinasabing tatawagan na lang ako. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang tumunog ito, kanina pa pala ako hindi kumain. Tiningnan ko ang aking relo, alas-tres na ng hapon. Nakalimutan ko pala mag-lunch dahil sa pagmamadali.

Naghanap ako ng pwede ko makainan. Nakakita ako nang maliit na tindahan kaya bumili ako nang-biscuit at softdrink. Ito na lang muna, sa apartment na ako kakain. Para naman makatipid ako. Kailangan ko na rin umuwi baka magtaka pa si Yanna kung saan ako galing.

Pagdating ko sa apartment ay nagulat ako nang makita si Laurent sa labas. Halatang pagod ito at walang tulog. Nilapitan ko ito, halatang nagulat ito nang makita ako. "Saan ka galing?"

"May binili lang," sagot ko dito.

"Nang ganyan ang suot?" Nagtatakang tanong nito.

"Oo, hindi ba bagay?" Nakangiting tanong ko pero sobrang kinakabahan na ako. Sana maniwala ito, ayaw ko pa naman mahuli. Sino ba kasing tanga ang sasabihin na may binili lang pero naka-formal attire. Bakit hindi ka talaga makapag-isip ng kapani-paniwalang dahilan Zachna.

"Okay lang naman. Ang weird lang nangsuot mo.. Asan na iyong binili mo?" Napatulala na lang ako, ano ba naman ipapakita ko kung wala naman akong dala. Maliban sa envelope na hawak ko ngayon. "Babe?"

"A-Ah, babe...pasok natayo, mainit nasa labas." Kinuha ko na ang susi at binuksan ang apartment. Lord..sana hindi na magtanong pa ito, wala na talaga akong ma-idahilan. "Ano gusto mo, babe?"

"Magbihis ka muna, huwag muna ako alalahanin.."

"Akyat lang ako." Paalam ko saka nagmamadaling umakyat sa taas. Mabilis ako nagbihis at binalikan si Laurent. "Kumusta trabaho?" Umupo ako sa kanyang hita at niyakap siya.

"So tiring, pero nawala ito nang yakapin mo ako." Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Kahit ako para akong naka-recharge dahil nandito siya sa aking tabi. Nakalimutan ko ang nangyari sa akin kanina.

"Kailan ka babalik sa work mo?"

"Next week pa, babe. So may time pa tayo." Sana makahanap na talaga ako nang-work nextweek para naman hindi na ako magsisinungaling sa kanila. Nakokonsensya na kasi ako sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanila.

"Ayy.. rated spg.." Napatingin naman ako kay Yanna nakadadating pa lang. "Sarap ng buhay." Umupo ito sa bakante na sofa at sumandal. "Kaka-miss kaya umuwi na may kasama. Pumasok ka na kaya, Leign."

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now