Chapter 23

620 34 3
                                    

"Sa wakas break na din natin." Masayang sambit ni Yanna nang makalabas kami sa school. Ito kasi ang huli namin trabaho sa school dahil Christmas break na, sa January 4 na naman ang balik namin. Sayang lang dahil hindi kami makauwi sa aming probinsya. Napag-isipan din kasi namin na ipadala na lang 'yong bonus namin sa aming pamilya at sa susunod na taon na lang kami uuwi. Mahal din kasi ang pamasahe ngayon lalo't malapit na ang pasko.

"Halika na, medyo madilim na. Madami na nakapila sa sakayan ng jeep ngayon." Hinila ko si Yanna upang mapabilis ang lakad namin. Hindi naman ako nagkamali dahil sobrang haba na ng pila. Matagal din bago kami nakasakay, tapos nakipagsiksikan din kami sa jeep.

Pagdating namin sa apartment ay agad naman kami nagluto para sa aming dinner. Dumating na din si Kystal pero halatang pagod kaya pinatulog na lang namin at gigisingin lang kapag handa na ang pagkain.

"Bukas mamimili tayo ng handa para sa pasko," ani ni Yanna habang nilalagay ang kanin sa plato.

"Agree ako d'yan, dahil sure ako sa susunod na araw ay madami ang tao na bibili. Mahirap na 'yon," sabi ko dito bago ako umakyat sa taas para gisingin si Kystal upang kumain na. "Kys, kain na tayo," sabay tapik nito. Agad naman ito nagising, halatang pagod na pagod ito sa trabaho. Kahit ako mapapagod kapag iyan ang trabaho ko. Mahirap kaya laging walang tulog sa gabi dahil night shift.

Bumaba na kami ni Kystal, saka agad naman kami kumain. Napag-usapan pa namin kung ano ba gagawin namin sa darating na pasko. Gusto sana namin pumunta sa beach resort pero hindi na sapat 'yong budget namin, malaki din kasi napadala namin sa aming pamilya.

Pagkatapos namin kumain ay nagtulungan kami na iligpit ang aming kinainan saka ako umakyat sa taas upang magbasa nang-novel hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, pumunta kami sa mall para mag-grocery ng mga kailangan namin sa darating na pasko, dalawang araw na lang kasi at sasalubungin na namin ang pasko. Medyo natagalan kami sa paglabas sa groceries store dahil mataas din ang pila, marami na rin kasi ang bumibili.

Kumain kami sa paborito naming kainan ang Jollibee. Nag-order lang kami ng burger at coke float saka fries. Nang matapos kami kumain ay nag-ikot ikot muna kami sa mall, nang mapagod na kami ay nagpasya na kami umuwi. Pagdating sa apartment ay agad kami nagpahinga.

Nakatulog lang ako ng ilang oras, paggising ko may natanggap ako na-message. Hindi ako familiar sa number, tumawag din ito pero hindi ko nasagot dahil nakatulog ako. Sinubukan ko basahin ang message. Nagtaka ako kung sino ito, tinatanong lang niya sa message na-busy ba ako. Nag-reply ako at tinatanong kung sino ito. Pero nagulat ako nang tumawag ito. Nagdadalawang isip pa akung sasagutin ko ba ito hanggang sa mapatay na ang tawag. 

Nilagay ko na lang sa ibabaw drawer ko, hinayaan ko na lang baka ito 'yong uso na tumatawag at i-scam ka pagkatapos. Pero napatingin ako ulit ng tumunog ito kaya kinuha ko na lang  at sinagot.

"Hello," mahinang sagot ko dito.

"Busy ka ba?" Agad na sabi sa kabilang linya. Medyo familiar siya na boses.

"Sino ito?" Tanong nito, pero napakunot siya nang marinig na tumatawa ang sa kabilang linya. "Sino ba kasi ito? Ano ang kailangan mo? Saan mo nakuha number ko? Scammer ka ba?" sunod-sunod na tanong ko dito.

"Hey! relax, ako lang to. Si Laurent," sabi sa kabilang linya. Nagulat naman ako sa aking narinig, marami agad tanong na pumasok sa aking isipan. Bakit siya tumawag? Saan niya nakuha ang aking number?"Hey, nandiyan ka pa ba?"sabi nito kaya bigla akong bumalik sa aking sarili.

"H-Ha, ahh oo nandito pa ako." Nauutal na sabi ko. Napasabunot tuloy ako sa aking sarili kung bakit bigla na lang ako na-utal.

"Labas tayo," yaya nito sa kanya. "Papunta na ako diyan," dagdag nito at agad na pinatay ang tawag. Kaya bigla na lang ako nataranta nang maintindahan ang kanyang sinabi. Nagmamadali akung nagbihis at nag-ayos. Binaba kasi niya agad hindi tuloy ako nakatanggi. 

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now