Chapter 14

667 36 0
                                    

Pumunta kami sa isang Korean restaurant, ito din kasi ang gusto ni Lauren. Gusto ko nasanang umuwi pero nahihiya akong magsabi. Si Laurent na ang namili ng pagkain, tinanong naman niya ako pero hindi ko gaano kabisado ang pagkain dito kaya hinayaan ko na lang siya. Saka mas mabuti na siya baka mahal pa mapili ko.

 Ilang oras din ay dumating na 'yong mga pagkain, napakadami naman ng inorder nito. Akala mo madami 'yong kakain, dalawa lang naman kami at isang maliit na bata. Pero wala akong karapatan magreklamo, hindi ko naman pera ang binayad. Libre na 'to. Kung si Yanna pa. Huwag tanggihan ang biyaya.

Tahimik kaming kumakain, pati si Lauren ay hindi din nagsasalita kasi abala sa pagkain. Napangiti na lang ako dahil ang cute nito tingnan habang kumakain. Nagutom talaga ito kasi hindi man lang nagsalita. Kahit sino naman ay magugutom sa sobrang hyper niya. Talo pa naka-inom nang-energy drink.

Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming umuwi, kailangan pa kasi maghanda ni Laurent para sa kanyang duty mamaya. Habang nasa biyahe ay hindi napigilin ni Lauren na makatulog. Kaya pagbaba ko ng sasakyan ay hindi na ako nakapagpaalam dito. Nagpasalamat din ako kay Laurent sa paghatid bago pumasok sa apartment.

Pagpasok ko nakita ko si Yanna napababa, halatang kagagaling pa nito natulog. Mapapa-sana all nalang ako dahil nakatulog sila.

 "Ngayon ka lang nakauwi?" Tanong nito sa akin at umupo sa may upuan saka binuksan ang TV.

"Oo," sagot ko saka umupo sa tabi niya. Mamaya na lang ako magbihis ng pambahay.

"May ka date?" Medyo nagulat ako sa tanong nito, ano na naman pumasok sa utak nito at nasabi niya 'yon. "May dala kang stuff toys, alam ko naman na kuripot ka kaya hindi ka gagastos para diyan." Mind-reader pa ito, hindi ko man lang pa tinanong pero may sagot na siya "Hindi ako mind-reader, halata lang talaga."

"Hindi no," tanggi ko agad baka ano pa isipin nito.

"Talaga? Bakit ka namumula," sabay hampas sa akin. Niloloko pa ako nito, inirapan ko na lang ito.

"Bahala ka nga d'yan." Tumayo na ako at umakyat na sa taas. Kilala ko si Yanna, hindi talaga ako titigilan non. Nilagay ko ang gamit ko sa table at 'yong stuffed toys sa bed ko, saka nagtungo sa banyo upang makapag-shower. Amoy pawis at araw na kasi ako, kadiri naman matutulog akong amoy araw at sobrang dugyot.

Pagkatapos ko mag-shower ay ginawa ko muna 'yong lesson plan ko para sa darating na week. Gagawin ko na rin 'yong ibang kailangan ko sa work. Tinawag pa ako ni Kystal para kumain pero sinabi ko na busog pa ako. Ilang oras din ako nakatut0k sa aking laptop hanggang sa dalawin ako ng antok. Kaya inayos ko muna ang gamit ko saka ako natulog.

Kinabukasan maaga ako sa school, naging abala ako dahil monthly exam ng mga bata. Kaya noong nag-lunch break agad ako nakahinga at nagtungo sa canteen. Nakita ko si Yanna, pero bago ako lumapit sa kanya ay kumuha muna ako ng pagkain.

"Stress?" bungad sa akin ni Yanna ng makaupo sa tabi niya.

"Medyo," maikling sagot ko saka sinimulan ang pagkain.

"Ito Teacher Leign, pampasigla." Inabot sa akin ni Keifer ang vegetables salad. Ngumiti lang ako at tinanggap ko ito, mahilig din kasi ako nito pero nahuli na yata ako kaya naubusan na kanina pagkuha ko ng pagkain. "Kailangan mo 'yan ang putla mo kasi," dagdag pa niya.

"Concern?" Pang-aasar ni Yanna kay Keifer kaya inasar tuloy siya ng mga kasamahan namin. Ito talagang bibig ni Yanna minsan hindi mapigilan, sarap pitikin.

"Huwag n'yo na pansinin, inggit lang 'to si Yanna." Pagbibiro ni Hanz sa kanya kaya agad naman ito binato ni Yanna ng tissue. "Talo pikon," sabi nito sabay salo ng tissue.

"Alam mo ba pagod ang araw ko, dumagdag ka pa." Pagtataray nito kaya nalipat sa kanila ang asaran. Hindi ko na lang ito pinansin at patuloy lang ako sa pagkain. Nang mapansin ko na wala akong tubig na dala ay tatayo sana ako pero inabutan ako ni Keifer ng bottle ng tubig. Siya na lang daw ang kukuha at ipagpatuloy ko na lang ang pagkain. Tulad ng dati ay nagpasalamat ako sa kabaitan nito sa akin.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila nababalik na sa claasroom ko. Kailangan ko pa ayusin ang mga test paper doon. Pagdating ko doon ay tsinek ko 'yong test paper ng mga bata. Marami naman ang nakakuha ng mataas na marka, may iilan din na maliit lang nakuha. Lumipas ang oras hanggang sa uwian na pero kung minamalas ka naman ay umulan pa at nalimutan ko dalhin ang payong.

Hindi kami sabay umuwi ni Yanna dahil may pupuntahan pa ito. Kaya mag-isa akong tumatakbo sa ulan patungo sa sakayan ng jeep. Tatawid na sana ako ng biglang may huminto na sasakyan.

"Teacher Leign," sigaw ng bata, tiningnan ko itong mabuti dahil nanlalabo ang mata ko dahil sa ulan. "Lauren," banggit ko.

"Sakay na kayo," sabi nito. Tumanggi naman ako dahil nakakahiya dahil basa ako pero nagulat ako ng lumabas ang kapatid nito na si Laurent sa kotse nito na may dalang payong para itong sa palabas sa goblin kung makalad with slow motion palapit sa akin.Oh baka guni-guni ko lang 'yon dahil sa epekto ng ulan.

"Gusto mo ba magkasakit sa ulan," seryosong sabi nito. "Pumasok ka na kung ayaw mong lamigin," dagdag nito, agad naman ako napasunod nito. Pagpasok ko sa sasakyan ay nag-alalang tiningnan ako ni Lauren at tinanong na-okay ba ako. Napaka-sweet talaga ng bata na ito.

"Magpatuyo ka para hindi ka magkasakit." Inabutan ako ni Laurent ng towel, nahihiya man pero kinuha ko ito dahil basang-basa talaga ako.

"Lalabhan ko na lang 'to," sabi ko.

"Huwag na, ilagay mo lang d'yan pagkatapos mo gamitin," sagot nito habang nasa daan ang paningin dahil nagmamaneho ito. Medyo minamalas pa kami ngayon dahil malakas pa ang ulan tapos traffic pa talaga. Kaya natagalan kami lalo, halatang naiinip na si Laurent dahil dito habang ang nakababatang kapatid ay abala sa kalalaro sa ipad.

Ilang oras din bago kami dumating sa apartment ko, lalabas na sana ako ng inabutan ako nito ng payong. Kinuha ko naman ito dahil malakas talaga ang ulan, isasauli ko na lang ito kapag pumunta ako sa kanila. Nagpasalamat muna ako bago tuluyan umalis. 

Pagpasok ko sa apartment agad ako nagbihis ng damit at bumaba upang makapagluto ng hapunan namin. Sakto naman ng dumating na sina Yanna at Kystal ay naluto ko na ang pagkain. Tinulungan naman ako ni Yanna na ihain ito at sabay-sabay namin itong pinagsaluhan. Kaunti lang kinain ko kasi hindi naman ako gutom, nagpaalam na ako sa kanila na umakyat pagkatapos kumain dahil pagod na pagod ako at gusto ko nang magpahinga.


----


Unlocked My Heart (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang