Chapter 47

553 17 1
                                    


"Ilang araw ka na balisa, Leign. May problema ba?" Nag-alalang tanong sa akin ni Yanna. Bakas nito sa boses ang pag-alala.

"Wala naman," sagot ko dito at pinagpatuloy ang paglalaba.

"Sigurado ka? Sabihin mo lang sa akin kapag may problema ka, hindi ka naman nag-iisa. Nandito lang kami ni Kystal." Nginitian ko si Yanna.

"Salamat, Yanna.." Tinapik lang ako nito sa balikat at umalis na. Ilang araw na simula nang maka-usap ko ang ina ni Laurent. Hindi naman ako sa natakot dahil ipaglalaban ko naman si Laurent. Pero naisip ko, paano si Laurent, magagalit ang kanyang pamilya. Paano kung sumuko na lang siya. Hindi ko naman siya masisisi, mahirap kalaban ang pamilya. Kahit ako mahihirapan mamili, kung taong mahal ko or ang pamilya ko.

Bakit ba kasi nangyari sa amin ito?

"Hoy..Leign 'yong tubig kanina pa 'yan nasasayang." Nagulat naman ako nang marinig ang boses ni Yanna. Nagmamadali kung pinatay ang gripo. "Mamaya muna 'yan tapusin. Magpahinga ka nga, wala ka sa sarili mo."

"Tatapusin ko lang 'to," mahinang sabi ko at pinagpatuloy ang ginawa ko.

"Bahala ka d'yan." Iniwan na ako nito. Kaya tinapos ko na agad ang paglalaba upang makapagpahinga ako. Pagkatapos ko magsampay ay umakyat na ako sa kwarto, binasa ko ang text ni Laurent bago nahiga sa kama. Hindi ako nakatulog, tulala lang akong nakatingin sa kisame.

Hapon na nang dumalaw si Laurent sa akin. Nagyaya itong lumabas muna kami kaya pumayag ako upang hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano. Sumasakit na ulo ko sa kaiisip sa sitwasyon namin. "Babe?"

"Babe," sabi ko sabay tingin kay Laurent.

"Kanina pa kita tinatanong, hindi mo naririnig? May problema ba?" Nag-alalang tanong nito.

"Wala, napagod lang siguro sa kalalaba." Pagsisinungaling ko, wala naman akung balak sabihin sa kanya. Ayaw ko magalit siya sa kanyang ina, baka lumala pa ang sitwasyon niya sa kanyang pamilya.

"Let's eat your favorite pasta to freshen your mind." Pinisil nito ang aking pisngi sabay kuha ng aking kamay at hinalikan ito. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at nagtungo kami sa isang restaurant kung saan may masarap na pasta.

Nauna lumabas si Laurent at pinagbuksan ako nito ng sasakyan. Magkahawak ang aming kamay nang pumasok sa restaurant. Umupo kami sa bakante na table, may lumapit na waiter upang kunin ang aming order. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating ang order namin. Panandalian nawala ang aking iniisip dahil sa pasta sa aking harapan. Natakam na akong makain ito, natawa naman si Laurent sa kanyang nakita. Pagkatapos namin kumain ay namasyal muna kami sa mall.

"Kuya..." Napalingon naman kami nang marinig ang sigaw ng bata. Tumakbo palapit sa amin si Lauren saka nakasunod ang yaya nito. "I told you, yaya, si kuya talaga nakita," masayang wika nito sa yaya."Kuya, why did you not go home? Are you still mad at dad?"

"No, Lauren..I'm just busy these days." Paliwanag nito sa kapatid.

"I always see mommy and daddy arguing. I hope you will be there to stop them." Malungkot na sabi nito sa kapatid. "They keep fighting because of you. Just tell them to stop."

Hindi ko naman mapigilan mag-isip na isa ba kami sa dahilan kaya ito lagi nag-aaway.

"Okay, sweety.. I will tell them." Tuwang-tuwa naman si Lauren sa sinabi ng kapatid nito. Napaisip tuloy ako, kaya ba lagi nag-aaway ang magulang nito dahil sa relasyon namin ni Laurent.

"We need to go kuya. Please go home." Niyakap nito ang kapatid bago ito umalis kasama ang yaya. Kahit hindi sabihin sa akin ni Laurent ay ramdam ko na iniisip niya ang sinabi ng kapatid. Tahimik lang ito kaya nagyaya na lang ako na umuwi na kami.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now