Chapter 11

684 38 3
                                    

Habang kinausap ni Hanz ang mga bagong bisita ay bigla n'ya na lang tinuro ang aming kinaroroonan. May sinabi siya dito saka lumapit sila sa amin kasama niya 'yong bagong dating nabisita. Nakaramdam naman ako nang kaunting ilang nang maramdaman kung nakatingin sa akin si Laurent. 

"Girls, sama muna natin sila. Ito pala kapatid ko si Jance at ito naman mga kaibigan niya si Xian Li, Denver, Eros at Laurent." Pakilala niya sa kanyang mga kasama. Pinakilala din kami ni Hanz sa kanila, pagkatapos ay umupo na ito. Iwan ko ba sa daming bakante na table ay dito pa talaga nila napiling makisabay. Ito naman mga kasama ko okay lang. Sino ba naman ang aayaw kapag 'yong nasa harapan mo ay biniyaan ng angkin kagwapohan. Kaya wala man lang tumanggi.

Nagkwentohan sila, grabe na 'yong mga tawanan nila dahil napakapalabiro naman din kasi nila at sinamahan pa sa maloka na si Yanna. Habang ako tahimik lang sa may gilid, minsan sumasabay din sa biro at tawa nila. 

"Naku Hanz, ito mga kaibigan ng kuya mo may girlfriend ba ito para ma-ireto natin," sabi ni Daisy kaya nagtawanan lahat. 

"Halos lahat dito Daisy ay wala pang nobya," nakangiting sabi ng kapatid ni Hanz. Kaya napatingin naman si Daisy doon sa pangalan Xian Li. Mukhang ito 'yong gusto niya. Gwapo naman kasi ito, matangkad parang basketball player, medyo singkit ang mata at maputi ang balat para itong may lahi.

"Sorry, I'm married." Nakangiting sabi nito sabay pakita ng kamay na may suot na singsing. Loyal na loyal pala ito sa asawa. Medyo naman nalungkot ang mukha ni Daisy. "Ito sila pwede mo hanapan ng girlfriend pero huwag na pala kasi mga gago 'to," dagdag nito. Binatukan naman ito ng kanyang katabi. "Pre, wala namang siraan nang-image d'yan," sabi ng katabi niya, kaya natawa na lang kami. 

Nakailang baso pa kami ng alak hanggang sa magpasya akong magpaalam muna sa kanila napupunta ng CR kasi naiihi na talaga ako. Nagtungo ako sa CR dito sa room na 'to pero may gumagamit pa kaya nagpasya akong lumabas kasi hindi ko na kaya, sobrang naiihi na ako. Nagtanong ako kung saan may CR dito at sinabi na meron sa baba at tinuro ang direksyon. Kaya dali-dali akong bumaba kasi sobrang naiihi na ako. Medyo nakaramdam naman ako nanghilo dahil sa lights sa sayawan.

Pero hindi ko ito pinansin at patuloy sa paghahanap nang-CR hanggang sa makita ko. Agad naman akong pumasok, hindi ko na pinansin 'yong nasa daan na naghahalikan. Pagkatapos mag-CR ay naghugas muna ako ng kamay bago lumabas. Pero nagulat ako ng may humila sa akin paglabas ko. Pagtingin ko sa lalaki ay halatang lasing na ito, hindi ko rin ito kilala.

"Bitawan mo ako." Malakas na sabi ko upang marinig niya, malakas din kasi ang music dito at sigawan ng mga nagsasayawan. Pilit kung inaalis 'yong kamay niya sa braso ko pero malakas talaga ang hayop na ito. Ano ba naman ang laban ng isang tulad ko na babae tapos nakainom pa.

"Miss, huwag ka nang pakipot, alam ko naman na gusto mo ito." Lasing na sabi nito sa akin. Nainis na talaga ako lalo't lumapit pa ito kaya buong lakas ko siyang tinulak. "Alam mo mas lalo kung gusto 'yang pagpakipot mo," dagdag nito, kaya uminit lalo ang ulo ko. Ano akala niya sa akin tulad ng ibang babae na madali lang. Kaya buong lakas ko siyang sinampal, nanakit pa ang kamay ko dahil dito. "Tarantado ka pala e." Nagulat ako nang itaas nito ang kamay na parang sasampalin ako kaya napapikit na lang ako. Pero walang kamay dumapo sa mukha ko kaya unti-unti ko minulat aking mata.

Nagulat ako sa aking nakita, hindi ko ito inaasahan. Bigla ko na lang nakita si Laurent  sa aking harapan na hawak ang kamay ng lalaking nanghila sa akin at seryoso itong nakatingin. Mahigpit na hinawakan ang kamay ng lalaki kaya nabitawan niya ang pagkakahawak sa akin dahil sa sakit ng kanyang isang kamay. 

"Pre, wag ka makialam rito." Matapang na sabi nito." Binitawan ni Laurent ang kamay ng lalaki at bigla niya akong hinablot saka tinago sa kanyang likuran. "Ako naka-una n'yan, kaya maghanap ka ng iba." Pasigaw na sabi ng lalaki. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki nito. Anong akala niya sa akin, kaladkarin na babae. 

"Leave." Seryosong sabi ni Laurent pero iba 'yong pagkakasabi niya nito. Makaramdam ka talaga ng takot dahil sa sobrang lamig ng boses. Ibang-iba siya kung iyong titingnan ngayon, matatakot ka talaga sa kanya.

"Tinatakot mo ba ako?" Nairitang sabi nito. Tiningnan lang siya ni Laurent.

"Get lost if you don't want to die." Malamig na sabi ni Lauren. Pero hindi natakot ang lalaki sa kanya. 

"Tinatakot mo ba ako? Hindi mo yata ako kilala. Hindi mo ako madadaan sa english mo," ani ng lalaki at sinuntok si Laurent pero mabilis itong nakailag kaya mas lalong napikon ang lalaki. Sinuntok n'ya ulit ito pero tulad ng una ay hangin lang ang kanyang natatamaan. Susuntukin n'ya ulit si Laurent pero mabilis na nasalo ni Laurent ng kanyang kamay.

"Binigyan nakita ng pagkakataon," seryosong sabi nito at hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay ng lalaki. Bigla n'ya ito inikot kaya namimilipit sa sakit ang lalaki. Napasigaw ito sa ginawa ni Laurent.

 "Bitawan mo ako." Nasasaktang sabi nito.

"Pre, tama na 'yan." Napalingon ako ng may marinig na boses, kaibigan ito ni Laurent. Lumapit ito sa amin at may binulong kay Laurent. Binitawan naman ito agad ni Laurent. "Umalis ka na kung gusto mo pa mabuhay." Taboy ng kaibigan ni Laurent sa lalaki, nagmamadali naman umalis ang lalaki. 

Gusto ko pa sana magpasalamat kay Laurent sa ginawa niya pero mabilis din ito umalis. Tanging ang kaibigan n'ya lang ang naiwan. Sinamahan naman ako ng kaibigan nito pabalik sa VIP room para hindi na mangyari 'yong kanina. Pagpasok ko ay sinalubong naman ako ni Yanna. 

"Akala ko na-flush ka na sa CR, inumin mo 'to kanina pa 'yong sayo. Nalasing na ako sa pag-inum ng shot mo." Namumula na ang mukha nito. Kaya kinuha ko ang hawak niya at ininum ito saka umupo.

Lumipas ang ilang oras, hindi ko na nakitang bumalik si Laurent. Siguro ay umuwi na ito. Mabuti na lang talaga at tinulangan niya ako baka ano pa nangyari sa akin kanina. Siguro magpalasalamat na lang ako kapag magkita kami. Nang medyo lumalim na ang gabi ay nagpasya kaming umuwi. Inihatid naman kami ni Hanz dahil lasing na mga kasama ko. Medyo hilo na rin ako. Pagdating namin sa apartment ay agad akong nakatulog pagkatapos magpalit ng damit.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now