Chapter 12

697 37 3
                                    

Kinabukasan, sobrang sakit ng ulo ko nang magising. Napadami kasi ang na-inom ko kagabi sa party ni Hanz. Bumangon muna ako saka naghilamos at nagluto ng noodles, kailangan ko ito lalo nasa hangover. Napalingon ako ng may marinig na yapak na pababa, nakita ko si Yanna na magulo ang buhok at nakahawak sa kanyang ulo.

"Kumusta ang lasing?" 

"Ito maganda pa rin." Pagbibiro nito, naghilamos muna ito ng mukha bago umupo. Tumayo ito at nagtungo sa medicine kit namin. Siguro naghahanp ng gamot sa sakit ng ulo, siya kasi ang maraming nainom sa aming tatlo kagabi. Inihain ko na ang noodles na niluto ko, kanina pa ako natatakam na kainin ito. Pampawala din kasi ito ng hangover para mainitan ang tiyan ko.

"Kainin mo 'to," sabay abot ng mangkok na may noodles. Na agad naman niya kinuha. Nagsimula na akong kumain, hindi ko na hinantay pa si Yanna kasi nagugutom na ako. Unti-unti na rin gumanda ang pakiramdam ko at pinagpawisan na ako dahil sa mainit na sabaw. Nakita ko si Kystal nabumaba. Sinabihan ko ito na may noodles akung niluto, tinirhan ko din kasi ito. Kumuha naman ito at saka umupo sa tabi namin. 

"Absent muna ako ngayon, masakit kasi ang ulo ko. Naparami yata kagabi," sabi ni Kystal sabay higop ng sabaw. Pagkatapos ko kumain ay bumalik muli ako sa taas, kailangan ko mag-ayos kasi pupunta pa ako sa bahay ng mga Craige. Schedule ko kasi ngayon para sa pag-tutor kay Lauren, kaya hinanda ko muna ang aking gamit nagagamitin saka ako naligo. Gusto ko man sana matulog buong araw pero may trabaho pa kailangan gawin. Nakahihiya naman akong mag-absent, ang bago ko palang sa trabaho.

Nagpaalam na ako sa kanila at naghanap na ng sasakyan. Pagdating ko sa kanilang bahay ay agad naman ako pinapasok ng guard dahil kilala na ako nito. Sinabihan lang ako ng kanilang kasambahay na maghintay sa study room kasi tatawagin pa niya si Lauren. 

"Good morning, Teacher Leign." Nakangiting bati sa akin ni Lauren pagpasok niya. Napakagiliw talaga ng bata na ito, ibang-iba sa kanyang kapatid na hindi man lang marunong ngumiti.

Nginitian ko naman siya. "Good morning, Lauren." Ani ko dito at nagsimula na kami. Nag-review lang kami ng kanyang lesson sa school tapos tinuruan ko siya ng advance lesson nila. Tulad ng dati ay madali lang niya itong naiintindihan. May mga pinasagutan ako sa kanya at nakakuha naman ito ng perfect score.

Pagkatapos namin ay sinamahan niya akong bumaba. Isinauli ko muna 'yong payong na pinahiram sa akin ng kanilang kasambahay. Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni Mrs. Craige dahil may kaunting salo-salo silang pamilya. Minsan lang kasi sila makumpleto dahil laging busy sa trabaho. Nakaramdam naman ako nanghiya kaya tumanggi ako, pero mapilit itong si Mrs. Craige kaya sa huli ay wala akong nagawa. 

"Kumain ka pa, Miss Leign." Nakangiting sabi nito sa akin. 

"Opo," maikling sagot ko at kukuha pa sana ako ng kanin pero medyo hindi ko ito abot. Nagulat naman ako nang kinuha ito ni Laurent at binigay sa akin. Pinipigilan ko ang panginginig ng kamay ko pagkuha dito at nagpasalamat sa kanya. 

"Kuya, wala ka bang work ngayon?" Basag ni Lauren sa katahimikan.

"Yes, mamaya pang gabi." Hindi man lang sinulyapan ang kapatid nito habang nagsasalita.

"Lumabas naman tayo, punta tayo sa arcade. Pretty please kuya." Nagpa-cute ito sa harapan ng kanyang kuya pero hindi pa rin umubra. Napakatigas talaga ng lalaki na ito kahit sa sariling kapatid. Hindi pa rin tumigil si Lauren nakulitin ang kapatid hanggang hindi ito mapapayag. "Kuya naman." Naiinis na sabi nito dahil hindi mapagbigyan ang gusto.

"Fine...." Pagsuko nito sa kakulitan ng kapatid. Napangiti na lang ako sa reaksyon nang pumayag  ito sa kanya kapatid, nagsalubong ang dalawang kilay siguro dahil naiinis na ito.

"Yehey! Thank you, kuya." Hindi napigilin ng batang mapasigaw dahil sa tuwa, inawat naman ito ng ama. Nanghingi ka agad ng pasesnya ito dahil sa inasal sa harap ng pagkain. Nang matapos na ito ay nagpaalam ito ka agad at nagmamadali itong umakyat para magbihis.

"Salamat Mr. and Mrs. Craige sa lunch." Saad ko dito pagkatapos namin kumain. "Mauna na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Bakit hindi mo ihatid si Miss Leign sa kanila Laurent bago kayo mamasyal ng kapatid mo. Mahirap pa naman makasakay rito."

"Huwag na po." Nahihiyang tangi ko. Baka isipin pa nito na ginawa ko na siyang taga hatid. 

"Huwag ka nang mahiya, ihahatid ka ni Laurent." May sinabi pa ito sa anak bago umakyat kasama ang asawa. 

Nakaramdam ako ng sobrang awkwardness dahil kami lang dalawa ang naiwan. "Hindi muna kailangan sundin, aalis na lang ako. Ayaw ko kasi na maka-abala pa sa lakad n'yo." Kinuha ko ang aking gamit para makaalis na.

"Stay and wait for ten minutes." Laurent said.

 Pagkatapos sabihin nun ay umakyat nasa taas. Naiwan akong gulong-gulo kung ano ang dapat ko gawin. Pero sa huli ay nanatili na lang ako at hinintay silang makababa.

Ilang minuto pa ay bumaba na si Lauren na nakangiti at sobrang excited. Sinabihan pa ito ng yaya na huwag maglikot baka mahulog ito. Nakasunod naman si Laurent, nagbihis pala ito. Simple lang ang suot niya pero lumalabas pa rin ang kagwapohan nito. "Lets go," sabi nito kaya sumunod naman kami. Hindi na pinasama ang yaya ni Lauren.

"I am pretty, Teacher Leign?" Nag-pretty eyes pa ito sa harapan ko.

"Yeah, your so pretty." Nginitian ko ito at pinisil ang mapupulang pisngi nito. Sumakay na kami sa sasakyan ni Laurent. Nasa may likuran kami umupo.

"Nagmukha pa akong driver, lumipat ka dito Lauren." Ma-authoridad na-utos nito sa kapatid.

"No, dito lang ako." Pagmamatigas nito kaya walang nagawa si Laurent sa nakababatang kapatid.

"Teacher Leign, busy ka today? May work ka pa ba pagkatapos sa akin?" Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang niya itong natanong sa akin.

"Wala naman, sa apartment lang ako." Gusto ko matulog dahil medyo masakit pa talaga ang ulo ko.

"Talaga?" Paninigurado nito sa akin, kaya tumango ako. "Kuya, isama natin si Teacher Leign para masaya." Nagulat ako sa sinabi nito at agad napatingin kay Laurent kung ano ang naging reaksyon nito. 

"Itanong mo sa kanya kung payag ba siya," sagot nito sa kapatid habang seryosong nakatingin sa daan.

"Pumayag ka na Teacher Leign, pretty please." Bakit sa tuwing may gusto ito ay ginagamit ang kanyang cute na mukha. Mahihirapan ka tuloy tanggihan baka mawala pa 'yong kislap ng kanyang mga mata. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now