Chapter 25

651 34 3
                                    

It's New Year's Eve, last namin kita ni Laurent ay 'yong sa Christmas pa. Lagi niya ako niyaya na lumabas pero panay ang tanggi ko. Minsan nauubusan na ako nang dahilan para lang hindi sumama sa kanya. Mabuti na lang at hindi naman siya gaanong makulit o mapilit. Nauunawaan naman niya agad ako, minsan nakaramdam ako ng kaunting guilt sa kanya. Lalo't alam ko sa sarili ko na hindi naman totoo 'yong mga rason ko sa kanya. Kasi ang totoo ay iniiwasan ko na siya.

Umiiwas lang kasi ako baka mahulog ako sa pinapakita niya sa akin. Ayaw ko na mas mapalapit sa kanya. Sabihin na lang natin na pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog nang tuluyan sa kanya. Lalo't may kaunti na akong nararamdaman dito. Sa paglabas ko ng madaling araw para mag-coffee o lumabas na kasama siya ay hindi ko talaga gawain iyon. Pero agad ako napapayag kapag si Laurent na ang nagyaya. Kaya alam ko sa aking sarili na iba na talaga. Kaya mas mabuting maaga pa ay pipigilan ko ang aking sarili.

Kailangan ko siyang iwasan kahit gustong-gusto ko pumayag kapag niyaya niya akung lumabas.

"Ang new year resolution ko talaga ay hindi na ako mag-shopee," sambit ni Yanna habang tinataas ang isang kamay. Kaya binato ito ni Kystal nang-unan sa sofa."Sadista ka na Kystal!" Reklamo nito habang nakasimangot.

"Kasi naman alam ko na nagbibiro ka lang. Nakita kaya kita kanina na nag-add to cart ka na naman," natatawang sabi nito.

"Last na 'yon. Bukas ko sisimulan," seryosong sabi nito.

"Pupusta ako ng isang libo sa sinabi mo." Tumayo si Kystal at niligpit na 'yong kinainan namin.

"Matatalo ka Kystal, tandaan mo iyan," siguradong sabi ni Yanna at tumulong na rin ito. Kaya natawa na lang ako sa dalawa.

Napatingin ako sa aking cellphone ng may nag-text dito. Inabot ko ito upang basahin ang message. Nakita ko agad ang pangalan ni Laurent. Binuksan ko ang kanyang message at nakita ko na bumati lang ito ng Happy New Year. Nagdadalawang isip naman ako na batiin siya.

"Oh, anong nasa cellphone mo at nakatulala ka?" Nakataas ang kilay ni Yanna habang nakatingin sa akin. Parang binabasa nito ang aking isip.

"Wala," maikling sagot ko at agad na nilagay ang cellphone sa aking bulsa. Baka bigla niyang kunin at makita pa ito.

"Sure ka d'yan, Zachna? Akala mo siguro hindi ko napapansin minsan na lumalabas ka ng madaling araw." Napatingin ako agad dito. "Gulat ka no? Sino ba kasi 'yang kinikita mo sa labas. Kung may jowa kana dito mo sa apartment papuntahin. Hindi iyong saan-saan." Para itong nanay na nangangaral sa kanyang anak.

"Opo nay, wag ka mag-alala kung may jowa na ako ipakilala ko sa inyo," nakangiting sabi ko.

"Tinawag mo pa akong nanay, sa ganda ko na ito," mataray na sabi nito.

"Matanda ka na kasi Yanna."Bbiro ni Kystal habang pinipigilan ang sariling matawa.

"Manahimik ka Kystal magka-edad lang tayo baka nalimutan mo. Akala mo siguro bata ka pa," wika nito.

"Talo pikon, pikon pangit," panunukso nito.

"Hindi ako pikon dahil maganda ako. Matulog na tayo," sabat nito. Lumakad na ito papunta sa kanyang kwarto. Nakasunod naman kami sa kanya. Nagkahiwalay lang kami ng pumasok na kami sa aming kwarto.

Ginawa ko lang ang aking night routine kahit hindi na gabi at madaling araw na. Pero kailangan ko ito para mapanatili ang glow ng aking skin. Matapos ko ito gawin ay nahiga na ako sa kama at saka natulog dahil inaantok na ako.

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Bumangon na ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Naabutan ko si Yanna na iniinit ang mga pagkain.

"Umupo ka na d'yan dahil malapit na ito." Utos ni Yanna sa akin. Kaya sinunod ko na lang ito. Tamang-tama naman ang pagkababa ni Kystal dahil tapos na si Yanna sa kanyang pag-init sa pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now