Chapter 4

990 53 5
                                    

Lahat kami ay abala sa paghahanda para sa gaganaping Family Day. Ilang araw din na-late kami umuwi para sa paghahanda. Dalawang araw na lang ay magaganap na ang event. Kaya kami lahat ay sobrang busy sa mga task namin.

"Need na lang natin ipakita 'to kay Mrs. Sevilla para ma-approve ang mga games," wika ni Keifer.

"Okay lang kaya 'yan," tanong ko sa kanya. Ilang araw din namin 'tong inisip. Kailangan kasi masigurado namin na safe ito laruin at mag-ienjoy sila.

"Huwag ka ng mag-alala, Teacher Leign, sigurado ako sang-ayon si Mrs. Sevilla rito. We can secure the safety of everyone, and I'm sure they will enjoy this," sabi niya sa akin. Siguro masyado lang akong negative mag-isip at kinakabahan na baka hindi magustuhan ni Mrs. Sevilla ito.

Naisipan namin na pumunta sa office ni Mrs. Sevilla upang ipakita ang plano namin at malaman ang dapat ayusin. Pagdating namin doon ay pinakita agad namin. Mabuti na lang at approved kay Mrs. Sevilla lahat nang pinakita namin. Nagpasya kami ni Keifer na bukas na namin bilhin ang mga materials sa game pagkatapos ng klase. Kaya naisip na lang naming tulungan ang ibang teacher habang wala pa kaming ginagawa.

"Teacher Daisy, ako na d'yan," wika ko nang makita siyang nahihirapan sa pagdikit.

"Hulog ka ng langit sa akin, Teacher Leign. Alam mo ba kanina pa nanginginig 'yong tuhod ko baka mahulog ako dahil hindi makaya 'yong bigat ko," masayang wika ni Ms. Daisy at dahan-dahan bumaba. Binigay  sa akin ni Ms. Daisy ang kailangan idikit at pumunta kay Yanna upang tulungan 'to. Umakyat na ako para idikit iyon upang matapos na.

"Mabuti pa kayo tapos na habang kami marami pa dapat gawin. Kasi naman itong si Teacher Hanz ang bagal," rinig kung sabi ni Yanna.

"Bakit naman ako? Ikaw kaya d'yan kanina pa, hindi man lang natapos," sagot ni Hanz. Nagsimula na naman magkapikonan 'tong dalawa. Kung hindi mo sila kilala masasabi mo talaga na para silang may relasyon na nag-aaway lang. Nasanay na kaming lahat dito na ganyan talaga sila parang aso't pusa. Wala kasing gusto magpatalo.

"Hirap kaya nito, bakit ikaw tapos na? Tingnan mo nga Teacher Kiefer kakarating pa lang n'yan pero madami na agad nagawa," sabi ni Yanna na ayaw magpatalo at iniinis pa n'ya lalo si Hanz.

"Tama na, kanina pa kayong dalawa d'yan para tuloy kayong mag-asawa na nag-aaway." Hindi mapigilang sabi ni Teacher Daisy upang awatin ang dalawa.

"Yucks! Teacher Daisy, ang pangit ng joke mo," sabay nasabi ng dalawa. 

At hindi na ako nakarinig ng ingay pa, siguro nanahimik na ang dalawa. Nagpatuloy pa rin ako sa pagdikit at nang idikit ko na 'yong panghuling hawak ko ay biglang na lang nadulas ang paa ko sa aking inaapakan. Kaya nawalan ako ng balanse. Napasigaw ako at pumikit dahil sigurado akong hindi maganda ang bagsak ko dahik medyo mataas ito. Unti-unti ko minulat ang aking mata nang maramdaman na may sumalo sa akin.

"Okay ka lang, Teacher Leign?" Nag-alalang tanong sa akin ni Keifer. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa labis nagulat. Nang ako'y mahimasmasan ay nagpasalamat ako sa ginawa niya. Sinabi na rin niya sa akin na siya na lang ang tatapos sa ginawa ko.

"Muntik na 'yon bes, mabuti na lang at sobrang bilis ni Teacher Keifer makatayo para masalo ka," sabi ni Yanna sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita, maiintindihan naman ni Yanna na medyo nabigla pa ako sa nangyari kanina. Tinapos ko na lang ang ginawa ni Keifer kanina. Ilang oras din kaming abala sa aming ginagawa bago namin natapos. Nagpasalamat sila sa tulong namin ni Keifer at napadali 'yong gawain nila.

"Sa wakas makakauwi na tayo," wika ni Yanna at niligpit 'yong mga kalat.

Pag-uwi namin ay agad kami nagpahinga dahil sa sobrang pagod.

Unlocked My Heart (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن