Chapter 33

528 21 2
                                    

"Leign, may bisita ka," sigaw ni Yanna sa baba. Kaya bumangon ako sa aking kama at bumaba. Nakita ko agad si Kiefer may dala itong bulaklak at prutas.

"Akala ko manliligaw mo, si Kiefer lang pala," ani ni Yanna. Lumapit ako dito at ngumiti, inabot naman niya ang kanyang hawak.

"Nadaanan ko kasi 'yong matanda na nagbibinta ng bulaklak naawa naman ako kaya binili ko na, prutas lang sana iyong dala ko," wika nito. Nagpasalamat lang ako sa binigay nito at pina-upo siya. "Kumusta ka na?"

"Magaling na ako, pwede na ako pumasok bukas. Ilang araw na din ako nakapagpahinga," sagot ko dito.

"Uminom ka muna, iyan lang talaga maibibigay ko," sabi ni Yanna. "Himala hindi mo yata kasama 'yong buntot mo," dagdag nito sabay upo sa tabi ko.

"Na-miss mo ba kaya mo hinanap?" Biro ni Kiefer dito, napataas naman ang kilay ni Yanna sa kanyang narinig.

"Excuse me, magunaw na ang mundo. Hindi-hindi ko ma-miss 'yong unggoy na iyon." Natawa na lang ako sa sinabi ni Yanna, grabe naman kasi ito. Hindi din napigilan ni Kiefer na matawa. "Huwag ka tumawa, Kiefer. Hindi mo iyan ikakagwapo." Inirapan ito ni Yanna.

"Tama na 'yan, Yanna. Para ka naman buntis sa init ng ulo mo, tapos pinaglihian mo si Hanz," saway ko dito.

"Leign naman, parang hindi kita kaibigan n'yan. Kainis ka naman." Nagtatampo na sabi nito.

"Joke lang 'yon, para ka ng menopausal n'yan." Tumayo lang si Yanna at naglakad ito na padabog. Napailing na lang ako dito.

"Mabuti na lang talaga gumaling ka na, nag-alala talaga ako sa iyo." Tiningnan ko si Kiefer, halata sa mga mata nito ang pag-alala.

"Magaling kasi ako na-nurse," singit ni Yanna, kaya natawa na lang ako.

"Salamat talaga Kiefer sa pagpunta, naabala ka pa." Pasalamat ko dito. Alam ko naman na busy ito sa pag-aalaga sa kanyang kapatid.

"Huwag mo nang isipin iyan. Masaya ako na pumunta dito at makita ka na magaling na." Paliwanag nito kaya napangiti na lang ako. Napatingin naman ako kay Yanna ng biglang may kumatok. Sinabihan ko siya na buksan ito. Nagulat ako nang makita kung sino ang pumasok. Ngumiti ito nang makita ako, napangiti na lang ako. Tinatago ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ito.

"Naku! Nagkasakit din naman ako pero bakit walang dumadalaw sa akin," ani ni Yanna kaya napailing na lang ako dito. Minsan kasi wala talagang preno ang kanyang bibig.

"Sasabihin ko si Hanz kapag nagkasakit ka na dalawin ka rin niya." Natatawang biro ni Kiefer dito na kinainis naman agad ni Yanna.

"Manahimik ka Keifer, baka lalo akong magkasakit kapag siya iyong nakita ko." Inirapan nito si Kiefer. Lumapit naman ako kay Laurent upang paupuin ito.

"Aalis na pala ako, baka hinanap na naman ako ng kapatid ko." Paalam ni Kiefer sa amin.

"Salamat, Kiefer, sa pagdalaw." Nakangiting sabi ko dito. Hinatid na ito ni Yanna kaya naiwan na kami ni Laurent. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Laurent at nilagay ang kanyang palad sa aking noon.

"Mabuti at wala ka ng lagnat," malambing na sabi nito sabay ngiti pa sa akin. "May dala pala ako." Inabot sa akin ang prutas na dala at mga vitamin C.

"Salamat," nakangiting sabi ko dito. Hindi ko pa nga naubos iyong vitamins at gamot na binigay niya noong isang araw tapos meron na naman.

"Huwag ka na kasi magkasakit, nag-alala ako. Inumin mo iyang vitamins mo para naman malakas ang iyong resistensya." Paalala nito sa akin.

"Yes, doc!" Natatawang sabi ko dito. Ginulo lang nito ang buhok ko.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu