Chapter 37

514 19 0
                                    

"Naku iba talaga ang inlove!" Tukso ni Yanna sa akin. Nasa cafeteria kami kasama si Kiefer at Hanz. Siniko ko si Yanna upang manahimik sobrang ingay kasi.

"Manahimik ka na Yanna kung ayaw mo batukan kita. Kanina ka pa." Banta ko dito at uminom na ng juice.

"Sinagot muna ba?" Tanong ni Hanz sa akin, tumango lang ako. "Wala na talagang pag-asa," sabi nito sabay tapik sa balikat ni Kiefer. Napatingin naman ako sa kilos ni Hanz, hindi ko alam kung ano ibig sabihin niya.

"Congrats, Leign. Kasiyahan mo lang hangad ko," nakangiting sabi ni Kiefer pero iba nakikita ko sa kanyang mata.

"Kapag saktan ka nun, sabihan mo lang kami. Kami na bahala," ani ni Hanz kaya binatukan ito ni Yanna. "Mapanakit ka na.." reklamo nito.

"Alam mo ang nega mo kasi, hindi naman sasaktan ni doki itong bestfriend ko. Wala sa hitsura ni doki," tanggol ni Yanna kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Wow! Sobrang confident mo naman.."

"Marunong ako kumilatis ng tao. Isa pa hindi kayo magkatulad ni doki na babaero.." Mataray na sabi ni Yanna sabay irap kay Hanz.

"Burn pre, bakit naman kasi babaero.." Pilit pinipigilan ni Kiefer ang pagtawa.

"Ito naman si Yanna kung makapagsabi na babaero si Hanz parang naging jowa ito. Paano mo nasabi iyan kung wala nga pinapakilala na babae iyan sa atin," sabi ko dito sabay subo ng pagkain. Nagtaka naman ako ng biglang nanahimik ang tatlo kaya tiningnan ko ito. "Oh may dumaan ba? Kaya ang tahimik n'yo," biro ko dito.

"A-Ahh kasi-"

"Kasi ano?" Tinasan ko ito ng kilay. Ang weird naman nila ngayon.

"May klase pa kasi ako. Mauna na ako." Nagmamadali naman umalis si Yanna at doon na tumawa nang malakas si Kiefer. Siniko ito ni Hanz kaya tumigil.

"Ang weird n'yo.." Hindi ko na lang pinansin ito pero nagtaka ako kay Yanna bakit ganoon na lang ang kilos niya. Kilala ko si Yanna at alam kung may tinatago ito. Kailangan ko ito kausapin. Matapos kung kumain ay nagpaalam na ako upang bumalik sa aking klase.

Madali lang lumipas ang oras at natapos na ako sa aking klase. Hinihintay ko lang si Yanna upang umuwi na kami. Hindi ako mahatid ni Laurent ngayon pauwi dahil may trabaho ito. Pero nangako naman siya napuntahan niya ako sa trabaho after nang trabaho niya.

"Sayang wala si doki, nasanay pa naman ako na hindi na pumila sa sakayan ng jeep," sabi ni Yanna palabas na kami sa school.

"Busy kasi 'yong tao."

"Teka.. hindi ba si doki iyan." Napatingin naman ako sa tinuro ni Yanna. Kahit ako nagulat sa aking nakita. Kumaway sa akin si Laurent kaya mabilis ko ito nilapitan.

"Akala ko busy ka?" Tanong ko dito. Niyakap ko ito kaya narinig ko ang pagtawa niya.

"Bes, maawa ka sa akin. Mag-adjust naman kayo sa thirdwheel n'yo." Napabitiw naman ako sa pagyakap.

"Break ko lang kaya babalik din ako agad. Ihahatid ko lang kayo," sabi ni Laurent.

"Okay lang naman kami, baka mapagod ka pa." Nakasimangot kung sabi pero pinisil lang nito ang pisngi ko.

"Let's go, huwag ka na magpa-cute.." Narinig ko ang bungisngis ni Yanna. Pinagbuksan ako ng sasakyan ni Laurent. Mabuti lang talaga at walang traffic kaya mabilis kami nakarating sa apartment.

"Mag-ingat ka," sabi ko dito sabay yakap sa kanya. Bago ito pumasok sa sasakyan ay hinalikan muna ako nito sa noo. Kumaway ako at pinaandar na niya ang sasakyan. Pumasok na rin ako sa loob ng apartment saka pumunta sa kwarto upang magbihis.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now