Chapter 9

671 41 4
                                    

Papunta na ako sa bahay ni Mrs. Craige dahil ito 'yong unang araw ng pagiging tutor ko sa kanyang anak. Napahanga ako sa laki ng kanilang bahay. Agad ako tinanong ng guard kung ano kailangan ko. Kaya sinabi ko lang sa kanya 'yong pangalan ko at pinakita 'yong card. Pinapasok naman niya ako agad at sinalubong ako ng medyo may edad na babae.

"Ako pala si Karla isa sa mga katulong dito. Ihahatid ko na kayo sa study room ni Lauren," bungad niya sa akin. Kaya sinundan ko siya. Napakalaki ng kanilang bahay at tiyak ako na mawawala ka sa sobrang laki nito. Umakyat kami papunta sa pangalawang palapag. Humunto lang kami nang dumating kami sa isang room. Binuksan niya ito at pumasok kami sa loob.

"Tatawagin ko muna si Lauren. Sasabihin ko nandito ka na." Umalis na ito at naiwan ako mag-isa. Inikot ko mo na ang aking paningin sa loob ng silid. Napalaki ng silid na ito, may mga ilang aklat din. Nakarinig ako ng tunog na pagbukas ng pinto kaya napalingon ako.

"Hello maam!" Nakangiting bati sa akin ng isang bata. Bumungad sa akin ang napakaganda na bata, na may mahaba at kulot na buhok. Parang kulay yelo 'yong balat niya dahil sa sobrang puti. Para itong batang manika.

"Hello! Lauren right?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yes po." Nahihiyang sabi nito. Pinaupo ko muna siya at inilagay 'yong learning materials ko sa table. Nagpakilala muna ako sa kanya bago ako nagsimula. Malapit na rin kasi 'yong exam nila kaya kailangan namin mag-review. May pinasagutan ako sa kanya. Wala pang isang oras ay natapos na niya iyon. May tatlong mali lang siya. Kaya pinaliwanag ko sa kanya mabuti 'yong mali niya. Tinuro ko rin 'yon ibang coverage sa exam niya.

Matalino naman si Lauren pero minsan nalilimutan lang talaga niya. Lumipas ang ilang oras ay natapos na kami. Kaya bumaba na kami ni Lauren.

"Kuya," sigaw ni Lauren at tumakbo papalapit sa lalaking kadadating lang. "I miss you so much. I'm so happy that you visited me. I'm bored here." Agad nasabi nito habang nakayakap ng mahigpit sa kapatid. Hindi ba siya umuwi sa kanila para ma-miss siya ng sobra ng kanyang kapatid. 

"Ma'am, malakas po ang ulan. Wala pa naman sasakyan dito na pumapasok," sabi sa akin ni Karla. Kaya napalingon  'yong kuya ni Lauren. 

"Maghihintay na lang ako kapag tumigil na ang ulan," sabi ko dito.

"Kuya, my new tutor, Ma'am Leign, this is my brother." Magiliw na sabi ni Lauren sa kanyang kapatid.

"Yeah, I know." Walang ganang sagot nito sa kanyang kapatid. Mabuti na lang at hindi ganyan ugali ni Lauren na parang pinaglihi sa sama ng loob. Magiliw at masayahin na bata itong si Lauren.

"Really?" Tanong ni Lauren sa kanya.

"Let's talk later. I need to get my things first," he said to her sister. At saka umakyat pataas. Sinundan naman ito ni Lauren agad kaya naiwan akong mag-isa dito. Pinaupo naman ako ni Karla at binigyan ng makakain. Nahihiya pa nga ako na galawin ito pero kanina pa mapilit si Karla sa akin. 

Sana tumigil na ang ulan dahil kawawa ako nito. Ayaw ko pa naman mag-taxi kasi ang mahal, tiniis ko na lang 'yon kanina. Malayo din kasi sakayan ng jeep rito. Wala naman kasing sumasakay ng jeep dahil ang nakatira sa lugar na ito ay mayayaman at may sariling sasakyan.

"Let's go." Nagulat ako ng may magsalita sa aking likuran. Paglingon ko nakita ko kuya ni Lauren at may dala na itong bag. Ito yata 'yong kinuha niya sa taas.

"Ha?" Wala sa sarili kung sabi sa kanya.

"Teacher Leign, ihahatid ka ni kuya. Kinausap ko kasi siya baka mapaano ka sa daan, medyo madilim na sa labas." Bumalik lang ako sa aking sarili ng marinig ang sabi ni Lauren. Napaka-sweet na bata naman ito. Hindi ko akalain na maiisip pa niya iyon.

"Tatayo ka ba d'yan o iiwan kita?" 

"Kuya, that's bad. Be nice to Teacher Leign." Nakangusong sabi ni Lauren sa kanyang kapatid. Mabuti pa itong bata marunong.

"I just have one hour break, Lauren. I need to go back to the hospital. A lot of patients are waiting on me," he explained to her sister.

"H'wag n'yo na po ako ihatid, ayaw ko maka-abala," singit ko sa kanilang dalawa.

"But Teacher Leign, you will be safe if you are with my kuya," she insisted. 

"Hurry up," sabi niya sa akin kaya napatayo agad ako at sumunod sa kanya.

"Ma'am Leign." Tawag sa akin ni Karla kaya huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Dalhin muna 'tong payong para hindi ka mabasa. Isauli mo lang 'to pagbalik mo." Nahihiya man pero kinuha ko'yong payong. Nagpasalamat ako sa kanya bago nagmamadaling sumunod  sa kapatid ni Lauren. Nakita ko sumakay na siya sa kanyang sasakyan kaya nagmamadali akong lumapit doon. Binuksan ko ang kanyang sasakyan at umupo sa may likod

"Bakit ka d'yan umupo? Gagawin mo pa akong driver," sabi niya sa akin nang makapasok na ako. Hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Kaya tiningnan ko lang siya at pinakita na naguguluhan ako sa kanya. "Lumipat ka dito, para hindi ako nagmumukha na driver mo," dagdag niya kaya naintindihan ko ibig niya iparating. Kaya nagmamadali ako lumabas at lumipat ng upuan.

"Ingat, Sir Laurent," sabi ng kanilang guard nang buksan nito ang gate. Minsan talaga magugulohan ka sa pangalan nilang magkapatid, magkatunod lang kasi.

"Saan ang bahay mo?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho. Kaya sinabi ko sa kanya 'yong address ng tinitirhan namin. Pagkatapos noon ay bumabalot na ang katahimikan sa amin. Wala man lang nagsasalita sa amin. Natagalan pa kami lalo sa daan dahil sa sobrang traffic.

Nakakabingi na 'yong katahimikan sa amin ng bigla tumunog 'yong cellphone niya. Sinagot niya muna ito habang hinihintay na umusad ang traffic.

"I'll be there, just prepare the equipment in the surgery," sabi niya sa kanyang kausap sa cellphone at binaba na agad. So, may gagawin pa siya at matatagalan siya dahil sa akin.

"Dito na lang ako," sabi ko sa kanya kaya tiningnan niya ako."Nakakahiya na kasi, naabala pa kita," dagdag ko.

"Ihahatid kita, delikado na para maghanap ka pa ng masasakyan," sabi niya sa akin at nagsimula ng magmaneho dahil umusad na ang traffic. Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa tinitirhan ko.

"Salamat," sinserong sabi ko sa kanya bago lumabas sa kanyang kotse. Agad naman niyang pinatakbo ang sasakyan, nagmamadali din umalis 'yon dahil may trabaho pa. Nahiya tuloy ako dahil parang ako pa may kasalanan kaya natagalan siya sa pagbalik sa hospital.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon