Chapter 22

612 30 2
                                    

Naalala ko 'yong message ni Laurent sa akin noong isang araw. Nagyaya siyang kumain kami kaya lang tinanggihan ko kasi may lakad kami ni Yanna. Nagpasama kasi sa akin sa mall may bibilhin raw siya. Hindi naman ako makatanggi basta siya na ang magyaya, ayaw ko rin kasi na magtampo.

"Hindi ka pa matutulog?" Tanong ni Yanna sa akin, may mask pa na nakalagay sa mukha niya. Ang hilig kasi nitong maglagay ng mga pampaganda sa mukha.

"Mamaya na kailangan ko ito tapusin, para hindi na ako ma-stress dito," sagot ko sa kanya. Kaya pumunta na ito sa kanyang kwarto, siguro matutulog na 'yon. Kaya tinuon ko na lang ang aking atensyon sa aking ginagawa.

Ilang oras din ako nakatingin sa laptop hanggang sa nakaramdam na ako ng sakit sa mata at sa aking likuran. Kaya tumayo muna ako para kumuha ng isang basong tubig. Saka bumalik sa sala, kinuha ko muna ang aking cellphone sa sofa at tiningnan ang oras. Hindi ko akalain na umabot pala ako ng 2 a.m. ng umaga sa kakatrabaho pero hindi ko pa rin ito natapos.

Binuksan ko muna ang aking Instagram, gusto ko muna magpahinga kahit ilang minuto lang sa pagtratrabaho. May bigla nag-message sa akin. Kaya agad ko itong tiningnan.

LaurentC : Hindi ka pa natulog?

Kaya nag-reply ako agad.

ZLeign: May tinapos lang ako, kailangan na kasi ito.

Nakitang kung nagta-type pa ito. Naka-duty ba ito kaya gising pa siya sa oras na ito.

LaurentC.: Tapos ka na? Coffee muna tayo if okay..

Nag-iisip pa ako kung papayag ba ako, madaling araw na rin kasi. Pero sa huli ay pumayag din ako dahil hindi rin naman ako makatulog tapos kailangan ko rin magpahangin lalo't stress na ako sa ginagawa ko. Bukas ko na lang ito tatapusin.

Agad ako umakyat sa taas upang magpalit ng damit, nagsuot lang ako ng jacket na hanggang tuhod at leggings. Nilugay ko lang 'yong buhok ko saka nagsuot ng hoodie, naglagay lang ako ng kaunting liptint. Kinuha ko ang aking wallet at dahan-dahan na lumabas ng apartment. Kung hahanapin nila ako sasabihin ko na lang na nag-jogging lang ako.

Sa labas ko na lang hinintay si Laurent, nag-message naman iyon na malapit na siya. Hanggang sa may makita ako na palapit sa akin na itim na motor. Huminto ito sa aking harapan at tinanggal ang kanyang helmet.

"Hi," bati niya sa akin.

"Hello! Wait, d'yan ako sasakay?" Gulat na tanong ko sa kanya at tumango lang ito. Halata sa motor nito na mahal ito, ikaw ba naman ang may Ducati tapos iyon pang bagong labas.

"Are you scared?" Hinintay nito ang aking sagot.

"Hindi." Pagsisinungaling ko, medyo nakaramdam kasi ako ng kaunting takot pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.

Inabutan niya ako ng helmet, tapos ako naman itong tanga hindi marunong magsuot ng helmet. Kaya marahan niya ako hinila para mapalapit sa kanya at siya na ang nagsuot nito. Pigil ko ang aking hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Doon lang siguro ako nakahinga ng maayos ng lumayo na siya. Inalayan niya ako na makasakay sa motor niya.

Hindi ko alam kung saan ako hahawak, nahihiya naman ako kung sa kanya. Hindi naman kami gaano ka close, iwan ko nga ba ano pumasok sa isip ko at pumayag ako na lumabas kami ng madaling araw para lang magkape. Nagulat ako ng inabot niya ang aking kamay at pinulupot sa kanya saka pinaandar ang motor.

Dahil sa sobra gulat ko napahigpit ang hawak ko sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata at napasandal ako sa kanyang likuran. Kaya narinig ko pa iyong tawa niya dahil sa reaksyon ko, kaya unti-unti kung dinilat ang aking mga mata at tiningnan ang bawat nadadaanan namin. Sobrang tahimik ng lugar, wala pang gaanong sasakyan sa paligid. Nakasara pa ang ibang tindahan, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ayaw ko naman magtanong.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon