Chapter 24

587 34 2
                                    

"Merry Christmas," sigaw ni Yanna, kaya napatakip kami ni Kystal sa aming tenga. Para kasi itong nakalunok ng megaphone. Kinuha ko 'yong gift ko para sa kanilang dalawa sa aking kwarto.

"Merry Christmas," sabay abot ng gift ko sa kanila. Niyakap naman nila ako at binigyan din nila ako ng regalo. Sabay-sabay namin binuksan ang aming mga regalo. Ang regalo ni Yanna sa akin ay dress habang dalawang libro naman ang kay Kystal. Kaya niyakap ko sila ulit para magpasalamat sa kanila. Kahit malayo kami sa aming mga pamilya ay masaya pa rin ang pasko namin. Siguro ang lungkot ng pasko ko kung wala sila, mabuti na lang at naging kaibigan ko sila. Hindi talaga ako iniiwan.

"Kumain na tayo," excited na sabi ni Yanna at pumunta na ito kung saan nakalagay ang aming mga handa. Hindi man ito madami pero sapat na iyon sa amin. Nagpasalamat muna kami bago kami kumain. Masaya namin pinagsaluhan ang mga pagkain na handa namin. Madami ang nakain ko kasi hindi naman ako gaano kumain kanina para talaga dito.

Pagkatapos namin kumain ay niligpit na namin ito at umupo sa may sofa. Tumayo si Yanna at kinuha ang tatlong can ng beer.

"Kailangan din natin ito," nakangiting wika nito sabay abot sa amin ng beer. 

Binuksan namin ito. "Cheers.." sabay na sigaw namin habang tinataas ang hawak na beers saka ito ininom. Nagpaalam muna ako sa kanila dahil gusto ko tumawag sa amin upang batiin ang aking pamilya. Nang nasa taas na ako at tatawagan ko na sana sila ng biglang tumunog ang aking cellphone.

"Merry Christmas anak," bati ng aking mga magulang sa akin. Naunahan pa nila akong tawagan.

"Si Ate ba 'yan?" Narinig ko pa ang boses ng aking kapatid, narinig ko na kinausap siya ni Tatay at sinabi na ako 'yong kausap nila. "Merry Christmas, te. Salamat sa regalo na pidala mo," masayang sabi nito. Napangiti naman ako ng nagustuhan niya ang regalo na pinadala ko.

"Welcome, magpakabait ka d'yan. Huwag mo pasakitin ang ulo ni Nanay at Tatay." Paalala ko sa kanya.

"Anak, kumusta kana. Miss ka na namin. Sayang hindi ka nakauwi ngayon pasko," malungkot na sabi ni Nanay. Mabilis kung pinunasan ang mga luha na tumulo sa aking mga mata. Miss na miss ko na din kasi sila kaya lang mas makakabuti na idagdag sa ipadala ko ang pamasahe ko pauwi. Praktikalan kung baga, madami pa sila pwede pagkagamitan nito at magagamit nila para idagdag sa gastusin sa pagpaayos ng aming bahay.

"Miss ko na din kayo. Sa susunod na pasko na lang ako uuwi. Tamang-tama din dahil napa-ayos na natin ang bahay pagkauwi ko ." Pilit ko pinapasigla ang aking boses. Ayaw ko na maramdaman nila na malungkot ako, hindi ko sila gusto na mag-alala.

"Ikaw talaga, okay lang naman sa amin na hindi ka magpadala basta umuwi ka rin dito."

"Sa susunod, nay. Pangako uuwi ako d'yan. Ano pala ang handa ninyo?" Pag-iiba ko sa usapan baka hindi ko na makayanan pigilan at mapalakas ang iyak ko. Sinabi naman agad ng aking ina kung ano ang kanilang niluto. Marami pa kaming pinag-usapan kahit saan-saan na umabot ang aming usapan.

"Nay, ibaba ko na ito. Tinatawag na ako ni Yanna," paalam ko sa aking ina.

"Sige anak, lagi kang mag-iingat d'yan. Huwag ka malimot na kumain sa saktong oras. Alagaan mo sarili mo, wala kami ng tatay mo para alagaan ka d'yan." Bilin ng aking ina sa akin. Napangiti ako sa mga pinaalala nito sa akin.

"Kayo rin d'yan," sabi ko at saka pinatay na ang tawag. Bumalik na ako sa baba, nakita ko sila na umiiyak dahil sa pinanood nila.

"Okay ka lang?" tanong ni Yanna ng umupo ako sa tabi nito. Kaya tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Bumalik naman ito sa panonood ng movie. Nang matapos na namin ang movie ay umakyat na kami sa taas upang matulog dahil 3 o clock na ng umaga.

Matutulog na sana ako ng may tumawag sa cellphone ko, sinagot ko naman ito na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Nasa labas ako.." Agad ako napatingin sa aking cellphone upang tingnan kung sino ang tumawag. Napatayo ako saka dumiritso sa bintana upang tingnan kung nandoon ba talaga siya. Nakita agad ang aking mga mata si Laurent na nakasandal sa kanyang kotse habang hawak ang cellphone.

"Bakit ka nandito?" diritso kung tanong sa kanya. Ano ginagawa niya dito sa madaling araw, may problema na naman ba ito.

"Bumaba ka," utos nito. Kaya napataas ang aking kilay sa sinabi nito pero lumabas pa rin ako sa aking kwarto. Mabuti na lang at tulog na ang mga kaibigan ko, nakapatay na ang ilaw sa kanilang kwarto.

Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan ng aming apartment at humakbang palabas.

"Merry Christmas.." Nakangiting bati nito nang makalapit ako sa kanya.

"Hindi ka ba hinanap sa inyo?" Tanong ko dito.

"Nasa ospital ang mga magulang ko, naka-duty sila ngayon. Kakatapos lang ng duty ko," paliwanag nito.

"Hindi ba kayo nag-celebrate ng Christmas," nagtatakang tanong ko dito.

"Minsan kapag walang duty sa hospital," maikling sagot nito. "Let's go," yaya nito sa akin.

"Saan?"

"Hindi pa naman tapos 'yong pasko kaya samahan mo akong i-celebrate." Ngumiti ito sa akin. Lumabas tuloy iyong maliit na dimple niya sa kanyang pisngi.

"Bakit ako?" Hindi ko talaga siya naiintindihan, kung bakit ako niyaya niya. Saan naman kami pupunta, nakita ba niya ang suot ko ngayon. Nakasuot ako ng pajamas at malaki na t-shirt, matutulog na kasi ako. Tapos yayain niya ako umalis na ganito ang hitsura ko.

"Bakit hindi? Ayaw mo ba?" sagot nito na nakangiti pero nakikita ko sa kanyang mata na medyo naging malungkot ito. Kaya nag-isip na lang ako kung sasama ba ako sa kanya.

"Sige na nga, pamasko ko na lang sayo." Napakamot ako habang sinasabi ito. Ngumiti naman ito ng napakatamis at agad ako pinagbuksan ng sasakyan.

Hindi na ako nagtanong kung saan kami papunta, alam ko naman na hindi niya ako sasagutin. Huminto kami sa isang napakatahimik na lugar, nasa tuktok yata kami. Medyo madilim ang paligid, tanging ilaw lang ng sasakyan ni Laurent ang nagsilbing liwanag sa paligid. Lumabas na si Laurent kaya sumunod na ako, may kinuha itong basket sa backseat. Hindi ko yata ito napansin kanina.

Ano ba trip nito sa buhay, para kaming may picnic. Naglagay ito nang-picnic mat sa may damuhan at pinaupo niya ako. Tinitingnan ko lang siya habang may nilalabas niya ang mga pagkain. Handang-handa talaga siya parang nakaplano na ito. Paano kung hindi ako sumama dito, ano gagawin niya sa mga dala niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko na parang nasa taas kami ng syudad, nakikita ko ang buong syudad sa baba. Napakaganda ng lugar, lagi talaga ako namamangha sa mga lugar kung saan niya ako dinala.

Agad ako napatingin sa kalangitan ng biglang may fireworks. Meron pa rin pala ito kahit tapos na ang pagsalubong kanina sa pasko. Nahuli yata ito. Pero sobrang ganda talaga.

"Nagustuhan mo?" Mahinang sabi nito kaya napalingon ako kay Laurent.

"Oo ang ganda, mabuti may fireworks pa." Masayang sabi ko na tumingin sa kalangitan habang unti-unti na natapos ang fireworks.

"Mabuti naman, akala ko kasi hindi mo gusto," wika nito.

"Huwag mo sabihin na ikaw ang may pakana ng fireworks?" iningnan ko ito ng maigi. Nakumpirma ko na siya ang may pakana nang kinamot nito ang kanyang ulo at dahan-dahan na tumango.

Nagulat ako sa aking nalaman, napatingin ako sa kanya ng may kinuha ito sa kanyang bulsa.

"Merry Christmas Zachna." Pinakita ang hawak na kwentas. Lumapit ito sa akin at sinuot ito. Hindi naman ako makagalaw kasi sobrang lapit niya sa akin, ramdam ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Nang matapos niya masuot ito sa akin ay hinawakan ko ito saka tiningnan. 'Yong pendant niya ay maliit na padlock saka may mga diamond nakalagay sa gilid nito. Sobrang ganda nito, halata na mamahalin.

"Ang mahal nito," sambit ko. Nakakahiya naman hindi naman kami sobrang close tapos bibigyan niya ako ng ganito.

"That's my gift to you. It looks so perfect for you." Nakangiting sabi nito at nagulat ako ng unti-unti ito lumapit sa akin kaya napapikit ako. Naramdaman ko na lang ang halik niya sa aking noon.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz