Chapter 41

486 19 1
                                    

Dalawang araw na ang lumipas, simula noong birthday party nang-ina ni Laurent. Kahit hindi aminin ni Laurent sa akin pero ramdam ko na ayaw ng pamilya niya sa akin. Hindi ko naman ito masisisi, galing sila sa mayaman na pamilya. Pero nagpasalamat na lang ako sa ina ni Laurent kahit napipilitan lang ito na pakisamahan ako noong party ay ginawa niya. Nakita ko rin naman sa kanilang kilos na mas gusto nila si Everey para sa anak nila. Kahit sino ay gustuhin si Everey sa kanilang anak, galing ito sa mayaman na angkan, nakapag-aral ito sa ibang bansa at sobrang successful ng kanyang career.

Kahit ako napapatanong sa sarili ko, kung ano ba naman ang laban ko doon. Pero kahit ganoon iyong nararamdam ko sa party hindi pa rin pinaramdam sa akin ni Laurent iyon. Lagi itong nasa tabi ko at sobrang proud ito ipaalam sa mga tao doon na ako iyong girlfriend niya. Sa ganoon na paraan ay gumaan ang loob ko at mas lalo akong napamahal sa kanya. Hiling ko lang sana hindi namin maging problema ang kanyang mga magulang.

"Ilang araw na 'yan, sobrang lalim ng iniisip mo," sabi ni Yanna, hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya sa aking kwarto. "May problema ba?" Umiling lang ako. "Sigurado ka?"

"Oo, na-miss ko lang pamilya ko." Pagsinungaling ko dito, kasi kung sasabihin ko ang totoo ay sigurado na kukulitin ako nito.

"Chill lang, dalawang buwan na lang malapit na ang pasko. Makakauwi na tayo." Nginitian ko na lang si Yanna. "Labas tayo, nagyaya silang Kiefer. Kasama si Kystal sa atin, pwede mo rin isama si Laurent."

"Nasa trabaho 'yon," mabilis na sagot ko. Tumawag kasi iyon kanina, pinaalam sa akin na hanggang madaling araw ang kanyang duty.

"Sa susunod na lang siya sumama. Magbihis ka na, bawal ang KJ kasi hindi ka maganda." Biro nito at lumabas sa kwarto. Nag-text na lang ako kay Laurent at sinabi na lalabas kami kasama iyong mga kaibigan ko. Hindi ko alam na mababasa ba niya ito dahil sa sobrang busy, importante ay nakapagpaalam ako sa kanya.

Naghanap na ako ng aking susuotin. Matapos ko magbihis ay tinali ko ang aking buhok. Naglagay lang ako ng pabango at kinuha ko ang aking  sling bag, kung saan nandoon ang wallet at cellphone ko. Pagbaba ko nakita ko si Yanna at Kystal handang-handa na.

"Malapit na sila dito." Paalam sa akin ni Yanna, dalawang minuto lang ay narinig namin ang busina ng sasakyan. Kaya lumabas na kami sa apartment, sumakay naman kaming tatlo sa backseat.

"Saan naman tayo?" Tanong ni Hanz sa amin.

"Kayo ang nagyaya kami tatanungin n'yo. Sira ka ba?!" Inis na sabi nito at inabot niya ito upang batukan.

"Hoy, Yanna..mapanakit ka na. Gusto mo kasuhan kita." Turo nito kay Yanna. Nagsimula na naman sila.

"Kaso? Talaga? Ano naman iyon." Pinandilitan ito ng mata ni Yanna.

"Attempted murder," seryosong sabi nito. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na matawa, pati si Kystal at Kiefer. Pero mas malakas ang tawa ni Yanna, kaya napatakip kami sa aming tenga.

"Tanga ka ba? Ganda ng kaso mo, pre. Natatakot ako." Niyakap pa nito ang kanyang sarili na parang takot na takot.

"Sige lang, ganyanin n'yo ako." Sabay hawak sa kanyang dibdib, nagda-drama ito pero hindi ito pinansin ni Yanna. Buong biyahe ay sobrang ingay namin dahil sa dalawa. Sila na ang pumalit kay Tom at Jerry. Iiyak ang langit kapag hindi ito nagbangayan.

Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na kami sa isang KTV Bar, kumuha kami ng room kung saan kami pwede maging singer doon ng kami lang nakakarinig. Nag-order din sila ng beer at flavour beer para sa aming mga babae. Pagpasok pa lang namin ay nauna na si Yanna sa pagkanta. Mabilis ito nakapili ng kanta at nagma-ala Sarah Geronimo na ito, kahit hindi abot ang lyrics at para na itong inihaw na kambing pero feel na feel pa rin ang kanta. Sumunod naman kumanta ay si Hanz at sinundan pa ni Kiefer.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon