Chapter 38

517 20 0
                                    


Niligpit ko ang aking gamit ng biglang pumasok si Yanna, abot tenga ang ngiti nito. Hindi ko na kailangan pa ito tanungin dahil alam kung bakit sobrang saya nito. Binilisan ko ang pagligpit ko sa aking gamit. "Uuwi ka ba sa atin?" Umiling ako, plano ko sana noon umuwi sa aming probinsya kapag bakasyon na. Pero may napagplanuhan kasi kami ni Laurent kaya hindi muna ako uuwi sa amin. "Ikaw ba?"

"Sa pasko na siguro, hindi din uuwi si Kystal. Saan ka ba pupunta bakit na-iba yata ang plano mo?" Nagtatakang tanong nito.

"May pupuntahan kami ni Laurent," maikling sagot ko at niyaya nang lumabas. Baka kasi nasa labas na si Laurent, kanina pa ako hinihintay nun.

"Saan kayo pupunta ni doki?" Tanong nito sa akin.

"Palawan.."

"Malaking sana all.. baka need n'yo nang alalay willing ako basta free lahat at busog ako," pangungulit nito sa akin.

"Lakas ng trip mo," natatawang sabi ko at hinila siya sa kinaroroonan ni Laurent. Nakaramdam ako nang-awa dito dahil sobrang itim ng mata halatang walang tulog pa ito. Pero sinundo pa rin niya ako kahit ito lang oras niya para makapagpahinga. Lumapit ako dito at mabilis itong niyakap.

"How is your day going? Okay lang ba? Hindi ka ba masyado stress sa trabaho?" Malambing na tanong nito, araw-araw talaga hindi niya malimutan na kumustahin ang araw ko. Kapag stress ako sa trabaho sa kanya ako mag-ra-rant, tahimik lang siyang nakikinig. Pagkatapos ay hahalikan niya ako sa noo at yayakapin nang mahigpit. Sa ginagawa niyang ito ay gumagaan ang aking pakiramdam. Para ko siyang human diary, kapag may problema din ako sa pamilya nasa tabi ko lang siya. Sobrang napaka-swerte ko sa kanya.

"Okay lang naman, ikaw? Mukha atang sobrang busy n'yo at hindi ka naman nakatulog. Kumain ka ba kanina?" Umiling lang ito. "Hindi ba sinabi ko sa'yo kumain ka. Sa apartment ka muna, magluluto ako."

"Sounds good," nakangiting sabi nito sabay pinagbuksan ako ng sasakyan. Nauna na si Yanna sa loob. Sanay na kasi ito sa routine namin. Nagmaneho na ito papunta sa apartment.

Pagkarating naming doon ay umakyat ako sa taas upang magpalit ng damit kasi magluluto pa ako. Pagkatapos ay bumaba na ako. "Magpalit ka muna sa taas," sabi ko dito sabay abot ng shirt niya. Mabuti na lang at may naiwan siyang shirt dito. Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago ito lumakad. Mabuti na lang at nasa kwarto si Yanna kung hindi ay nanukso naman ito.

Hinanda ko ang mga kailangan para sa lulutuin ko. Hinugasan ko muna ang gulay saka ang karne na gagamitin. Matapos gawin lahat ang dapat kailangan ay nagsimula akong magluto.

"Amoy pa lang masarap na." Pabulong nasabi nito sabay yakap sa akin habang nakatalikod ako. Tinapik ko ang kanyang kamay nakayakap sa akin upang alisin muna niya dahil hindi pa ako tapos magluto. Pero matigas ito kaya hinayaan ko na lang.

"Required ba magluto dapat may kayakap." Natawa si Laurent sa sinabi ni Yanna.

Bumitaw na ito sa pagyakap sa akin. "Doon muna ako sa sofa, babe. May bitter dumating." Natatawang sabi nito.

"Hoy, Laurent! Narinig ko 'yon." Turo nito kay Laurent, tinawanan lang ito ni Laurent. Hindi niya pinansin si Yanna kaya mas naiinis ito.

"Yanna, patulong na lang dito." Tawag ko dito at lumapit naman ito. Sa tulong ni Yanna mas napabilis ako sa pagluluto.

"Ako na dito, tawagan muna jowa mo at si Kystal sa taas." Kaya pinuntan ko si Laurent pero nakita ko itong mahimbing natutulog. Kaya inuna ko muna si Kystal na puntahan.

"Babe, gising.. kain ka muna.." Mahinang sabi ko saka mahinang niyugyog siya. "Kain na tayo," ulit ko nang magising na siya. Tumayo ito at inayos ang sarili.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now