Chapter 20

659 33 1
                                    

"Bes, hindi mo talaga crush 'yong doctor?" Kanina pa ako kinulit ni Yanna. Papasok na kami sa paaralan. Sinalubong naman kami ng bati sa bawat bata na madaanan namin.

"Parang awa mo na Yanna, tumigil ka na. Nasa school na tayo. Baka may makarinig sayo," sabi ko kay Yanna. Ang kulit kasi ayaw tumigil. 

"Sagutin muna kasi, hindi na kita kukulitin. Promise." Tinaas pa nito ang isang kamay upang ipakita sa akin na nagsasabi siya ng totoo.

"Kanina pa kita sinabihan diba, wala akong gusto doon. At isa pa ayaw ko sa mayayaman. Ang sakit sa ulo niyan. " Ang hirap magkagusto sa mayaman, hindi magkatulad ang buhay ninyo. Kaya mas masakit sa ulo at ma-stress lang ako. Ayaw ko din sabihan na pera lang gusto ko. Saka expensive magbigay ng regalo, paano naman ako na walang pera pambili ng mahal.

"Sigurado?" Nakangiting sabi nito.

"Oo." Mahina kung tinulak si Yanna. "Alis na may trabaho pa ako." At tuluyan na pumasok sa room. Kahapon pa siya kinukulit niya. Ayaw naman maniwala sa kanya. Hindi naman maitanggi na gwapo si Laurent. Lahat ng babae ay sigurado na magkakagusto sa kanya. Kahit cold ito makitungo pero kung titingnan mo talaga may maganda itong ugali.

Pero hindi ako magkakagusto doon at alam ko rin na hindi iyon magkakagusto sa akin. Sino ba naman ako, tapos ang hirap din kapag mayaman at mahirap ang may relasyon. Baka tulad ng napapanood ko sa movie hindi nagustuhan sa pamilya dahil mahirap.

Inalis ko na sa aking isip 'yon at saka naghanda para sa aking klase. Nag-discuss lang ako at nagbigay nang-activity hanggang sa matapos ang klase. 

"Pauwi ka na?" Napalingon iako ng may nagsalita, nakita ko si Kiefer. Bagong gupit ito na mas lalong bumagay sa kanya.

"Oo hihintayin ko lang si Yanna." Nakangiting sagot ko dito. "Kumusta kana? Hindi ka na sumasabay sa lakad namin." Hindi na kasi ito nakakasama kapag balak namin gumala.

"Busy lang, lagi kasi inatake 'yong kapatid ko. Kaya hindi ako makasama." Ngumiti ito, pero hindi matatago sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Kaya pala, kumusta na siya?" Sinserong tanong ko sa kanya.

"Medyo okay na siya. Kahit sinasabi ng doctor na maliit ang chance na gumaling siya. Pero naniniwala ako sa kapatid ko, lumalaban kasi ito." Malungkot na sabi niya. Mararamdaman mo talaga na mahal na mahal niya ang kanyang kapatid.

"Gagaling din 'yon. Tiwala lang." Pampalakas loob na sabi ko dito. Alam ko hindi madali makita ang kapatid muna nahihirapan. Kahit ako nga sa tuwing sinasabi ng aking magulang na inatake na naman 'yong bunso namin. Hindi ako mapalagay lalo't nasa malayo ako. Tanging magagawa ko lang ay magpadala ng pera para may panggamot at pambili ng mga kailangan niya.

Mabuti nga at hindi na gaano inatake iyon. Noong tumawag ako sa amin sabi naman ni Nanay na okay na ito. Kaya masaya na rin ako. Tiniis ko ang hirap na mapalayo sa kanila para lang maibigay ang kanilang pangangailangan.

"Ano pinag-uusapan n'yo?" Sabay kaming napalingon kay Yanna.

"Tungkol sa kapatid ni Kiefer."

"Kumusta na siya Kiefer?" Tanong ni Yanna.

"Okay na sa ngayon," nakangiting sagot nito.

"Mabuti naman. Uwi na tayo Leign, baka mahirapan na tayong makasakay sa jeep," wika ni Yanna. Kaya agad ko kinuha ang aking mga gamit.

"Ihahatid ko na lang kayo," singit ni Kiefer. Nagliwanag naman ang mga mata ni Yanna sa narinig. Ang hilig talaga nito sa libre.

"Huwag na, ang mahal ng gas. Mapapalayo ka lang sa inyo," tanggi ko dito. Kaya agad ako tiningnan ni Yanna. Ang kanyang mga tingin nagtatanong kung bakit ako tumanggi, blessing na sana iyon.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now