Chapter 42

476 15 0
                                    

Kay bilis lumipas ang mga araw, bago pa lang nagsimula ang pasukan pero ngayon Christmas break na naman. Masaya ako dahil makaka-uwi naman kami sa amin, matagal-tagal din hindi kami naka-uwi. Nag-leave din si Kystal upang makasama ito sa amin. Nag-iimpake na kami ng gamit dahil bukas ang flight namin. Bumili rin ako kahapon ng pasalubong ko sa aking pamilya.

Si Laurent naman ay kasama niya ang kanyang pamilya sa Chicago, doon kasi sila mag-celebrate ng pasko hanggang bagong taon. Kahapon ang kanilang flight, tumawag iyon sa akin kanina. Saglit lang kami nag-usap dahil matutulog na ito, napagod kasi ito sa kababantay ni Lauren.

"Handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Yanna sa akin nang bumaba ako upang uminom ng tubig.

"Oo, natapos na ako kanina pa." Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig.

"Excited na ako, hindi ko sinabihan si mama na uuwi ako. Balak ko kasi siyang i-surprise." Nakangiting sabi nito. Tulad niya, hindi ko rin pinaalam sa pamilya ko. Buong akala nila hindi ako uuwi dahil wala akong nababanggit sa kanila.

Buong maghapon nanonood lang kami nang-movie, maaga kami natulog dahil maaga ang flight namin. Nasa airport na kami 6 a.m. at nag-check in na kami sa aming gamit. Madaming tao sa airport dahil uwian talaga ngayon. Bago kami sumakay sa plane nag-chat muna ako kay Laurent, sinabihan ko ito natatawag ako mamaya kapag nasa bahay na ako.

Umabot din ng isang oras ang flight namin. Sumakay kami nang-tricycle papunta sa bus terminal upang sumakay papunta sa aming lugar. Madami ang pasahero kaya natagalan kami makasakay. Dalawang oras din ang biyahe namin bago kami nakarating sa aming probinsya. Ilang taon na kami hindi naka-uwi pero wala pa rin pinagbago ang aming lugar.

"Text n'yo na lang ako or chat kayo sa gc," sabi ko dito at sumakay naman nang-motor.

"Sige, gala din tayo minsan." Kumaway ako sa kanila at sinabi ko sa driver ang address namin. Tinulungan naman ako ni manong driver sa pagbaba ko ng aking gamit.

"Salamat po." Sabay abot ng pamasahe. "Tao po..." Malakas kung sabi, may lumabas na isang lalaki.

"Ano-'' Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang makilala ako. "Nay, nandito si ate," sigaw ng kapatid ko at tinulungan ako sa gamit. Lumabas naman ang aking ina na may hawak pa na sandok. Nagulat ito nang makita ako at mabilis na lumapit sakin saka niyakap ako.

"Bakit hindi mo sinabi? Sana nasundo ka namin ng tatay mo." Ani ni nanay matapos ako yakapin.

"Surprise kasi kaya hindi ko sinabi."

"Ikaw talagang bata ka. Ipasok muna gamit ng ate mo." Utos nito sa aking kapatid kaya nakabusangot ito.

"Si tatay, nay?" Nagtatakang tanong ko ng hindi makita si tatay sa loob ng bahay.

"Naku sumama kay Manuel upang ihatid iyong mga paninda niya," sagot nito. "Umakyat kana sa taas, magpahinga ka muna. Maglulu-...naku 'yong niluto ko pala." Nagmamadali itong pumunta sa kusina kaya napailing na lang ako. Pumunta ako sa aking kwarto at agad nahiga sa aking kama. Na-miss ko ito, wala pa rin nagbago sa loob ng aking kwarto. Kung paano ko ito iniwan noon, ganoon pa rin ngayon. Pinikit ko ang aking mata dahil masakit pa talaga ulo ko sa biyahe. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

Ginising ako ng aking kapatid upang sabihin kakain na, magulo ang aking buhok nang bumaba ako. Nakita ko agad si tatay kaya nagmano ako. Masaya kaming kumakain dahil kumpleto kami. Tinulungan ko si nanay sa paghuhugas ng plato.

"Anak, wala ka bang balak magtrabaho dito? Iyong mga kaklase mo noon nagtuturo nasa public school." Tanong ni nanay sa akin habang nagsasabon sa baso.

"Malaki sahod ko doon, nay. Tapos matatagalan ako makapasok rito, alam n'yo na tulad noong dati. Ang hirap pa naman makapasok sa public school."

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now