Chapter 18

635 33 1
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang tinitigan. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito. Siguro noong nagsaboy ng kagwapuhan ay gising siya kaya nakuha niya lahat. Perfect na perfect 'yong pagmumukha niya.

"Don't stare at me." Doon lang ako bumalik sa katinoon nang marinig ko ang kanyang boses. Epekto na ba ito ng alak. Nakakahiya naman, nakaramdam siguro siya ng ilang dahil sa titig ko sa kanya. Feel ko nag-iinit mukha ko sa kahihiyan.

"Sorry." Tatayo na sana ako ng bigla akong nawalan ng balanse, mabuti na lang mabilis ang kamay ni Laurent at nahawakan ako agad baka sa sahig pa bagsak ko non. Nagulat naman ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, kaunti na lang ang namamagitan sa amin. Kaya natulak ko siya bigla pero wrong move ata ginawa ko kasi tuluyan na akong natumba sa sahig. Napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa sobrang sakit.

"Listen to me. Don't be stubborn." Inabot nito ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo. Napatingin naman ako sa kanya at nagdadalawang isip na tanggapin ito. Nakita kung nakakunot na ang kanyang noo, siguro nangangawit na ang kamay nito.

Dahil matigas ang ulo ko at nahihiya sa kanya ay pilit akong tumayo pero dahil sa epekto na din nang-alak ay napaupo ako ulit. Para tuloy akong bata, na kailangan ng gabay ng kanyang ina upang makatayo nang maayos. Nagulat ako nangg hawakan ako ni Laurent upang alalayan akong tumayo.

"I will send you home. Baka ano pa mangyari sayo kapag iniwan kita dito. Kailangan muna magpahinga." Ma-authoridad na sabi nito sa akin. Umangal pa sana ako pero sa huli ay natalo rin ako. Nakita ko na ang aking sarili na nakasakay sa kanyang Bugatti. Siya na ang mayaman, maraming sasakyan. 'Yong dati ginamit niya noong pumunta kami sa amusement park sa pagkakatanda ko Mercedes Benz 'yon ngayon naman iba.

Sobrang nakakabingi 'yong katahimikan namin, gusto ko na tuloy agad dumating sa apartment. Nahihiya din ako sa kanya dahil nadamay ko pa siya. Kasalanan ko kasi ito hindi marunong tumanggi, inom lang ng inom.

Napahawak ako bigla sa aking tiyan nang maramdaman na parang babaliktad ang aking sikmura. Nakakahiya pa naman kapag dito pa ako sa kanyang mamahalin na sasakyan magkalat. 'Umayos ka Leign, pigilin mo sarili mo.' sabi ko sa aking sarili.

"Are you okay?" Nag-alalang tanong niya sa akin, pero hindi ko siya sinagot. Pinipigilan ko aking sarili na masuka at nagdarasal na sana dumating na kami. Sigurado ako na hindi na maipinta ang pagmumukha ko ngayon.

"Hey.." Tiningnan niya ako ulit at bumalik naman agad ang tingin sa daan.

Bigla na lang ako napahawak sa aking bibig ng hindi ko na makayanan, nasusuka na ako. Tiningnan niya ako at nataranta siya nang naintindihan n'ya ang aking kilos. Kaya dali-dali niyang hininto ang sasakyan sa may gilid ng kalsada. Bubuksan ko na sana ang pinto, pero bigla na lang ako napasuka. Hindi ko na nakayanan pang pigilan. Gusto ko natuloy lamunin ng lupa dahil sa sobrang hiya.

"Fuck.." Narinig kung sabi niya pero hindi ko na ito pinansin dali-dali ako lumabas dahil nasusuka pa ako.

Nakailang suka na ako, hinang-hina na ako halos nasuka ko na lahat.

"Drink this." May inabot na naman itong tubig pero nakalagay nasa tumbler. Sa kanya yata ito, nahihiyang kinuha ko ito saka ininom. Hindi na talaga ako iinom pa, ayoko na maulit ito. Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada, hindi ko na alam ano hitsura ko tapos nangangamoy suka pa ako dahil kanina. May mga ilan suka pa sa damit ko.

"Sorry, nasukahan ko pa 'yong sasakyan mo." Parang gusto ko nang umiyak dahil dito, sobrang nakakahiya. Ako pa iyong tinulungan tapos ganito pa gagawin ko.

"Okay ka na?" Pag-iba niya nang usapan, kaya tumango lang ako. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya.

"Let's go." Nauna itong maglakad at nakasunod lang ako. Medyo naging mabuti 'yong pakiramdam ko pagkatapos ko maisuka. Lumingon ito sa akin saka kinuha ang tumbler at binuhusan niya ng tubig ang pinto ng sasakyan na may suka at may inabot siyang wipes upang punasan ito. Pagkatapos ay tissue naman saka nag-spray siya ng alcohol.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora