Chapter 19

613 35 2
                                    

Late na akung nagising dahil na rin sa epekto ng alak na nainom ko kagabi. Pagbaba ko nakita ko si Yanna na kumakain. Hinanap ko kung nasaan si Kystal, sinabi naman ni Yanna na maaga itong umalis. Hindi na ito nagpaalam dahil mahimbing ang tulog ko, ayaw na niya ako gisingin. Tumabi na ako kay Yanna para kumain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas upang kunin 'yong mga damit na lalabhan ko. Kailangan ko muna ito labhan ngayon dahil bukas ay may pasok na ako sa trabaho.

Nakita ko ang jacket na nakasabit, bigla ko tuloy naalala 'yong nagawa ko kagabi. Nahiya na akong harapin si Laurent dahil doon. Kinuha ko ang jacket at nilagay sa lalagyan ng marurumi na damit saka agad na bumaba.

"Maglalaba ka? Parang hindi nalasing kagabi," pagbibiro nito. Kaya binato ko ito ng labahan, pero nasalo niya ito. "Uyy, hindi sayo 'to. Ang laki nito?" Nagtatakang sabi niya habang nakatingin sa jacket. Ito pala nabato ko sa kanya.

"Akin na nga 'yan." Hinablot ko ito sa kanya.

"Zachna Leign, sino may-ari niyan?" Tiningnan niya ako sa mga mata at hinihintay ang sagot ko.

"Kay Laurent, pinagamit niya sa akin noong masukahan ko ang damit ko," sagot ko dito dahil alam ko naman na hindi niya ako titigilan kapag hindi ko ito sinagot.

"Talaga? My Gosh, level up na 'yan. Infairness ang bago pa rin."

"Manahimik ka, mabait lang 'yong tao lalagyan mo nang-meaning." Tinalikuran ko ito at saka nagtungo sa may labahan.

Madali lang ako natapos kaya agad ko ito sinampay lalo't maganda ang panahon. Sigurado ako madali lang ito matuyo.

"Hindi na tayo magluto, labas na lang tayo," yaya ni Yanna sa kanya. Dahil bored rin ako ay pumayag agad, tinamad din kasi ako na magluto lalo't katatapos ko lang maglaba.

Agad akong nagbihis, nagsuot lang ako ng plain t-shirt at fitted jeans. Tinawag ko agad si Yanna at agad naman ito lumabas, nakasuot ito ng pink dress. Pumunta  na kami sa sakayan ng jeep, mabuti na lang at tamang-tama ang aming pagdating dahil paalis na ito.

Tiningnan namin ang oras at masyado pa maaga kaya namasyal muna kami, mamaya na kami kakain. Pumunta muna kami sa shoes section, abala sa pagtinginn ng mga magandang shoes hanggang sa magsawa. Wala naman kaming nabili kaya nagpasya kami na pumunta sa arcade. Para kaming mga bata na nag-enjoy sa laro. Minsan kailangan din namin ito lalo't stress din kami minsan sa work.

Sinubukan namin 'yong basketball, tawa lang kami ng tawa ni Yanna dahil wala talaga kaming ma-shot na bola. Nang magsawa kami ay doon naman napili ni Yanna sa DDR, kung saan gagayahin mo ang sayaw sa screen. Hindi na ako sumali dahil mahiyain ako at alam ko na wala talaga akong talent sa sayaw. Feel na feel ni Yanna ang pagsayaw, todo ito sa pagsunod sa mga steps hanggang sa matapos ito. Hindi man nakakuha ng 100 score, masaya naman ito

Marami pa kaming sinubukan ni Yanna sa loob nang-arcade hanggang sa mapagod at naisipan na lumabas na.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Yanna. Kaya nag-isip ako agad kung saan maganda na restaurant.

"Teacher Leign.." Sabay kaming napalingon ni Yanna nang marinig na tinatawag ako. Agad ko nakita si Lauren na nakangiti hanggang tenga at kumaway sa akin habang ang isang kamay ay hawak nito ang kanyang kapatid. Nagsisi tuloy ako na lumingon pa, gusto ko na umalis na lang bigla. Hindi pa ako ready na makita siya lalo't sa nangyari kagabi.

 "Hello," sabi ni Lauren nang makalapit sa akin. "Magaling na po kayo?" Magiliw na tanong ni Lauren sa akin. Hindi pa kasi kami nagkita sa susunod na araw pa.

"Oo, salamat pala sa pinadala mo sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko nalimutan 'yong inabot ng kanyang kuya noong nasa hospital ako. Nag-abala pa siyang padalhan ako noon.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now