Chapter 13

695 38 4
                                    

Pumunta kami sa amusement park, 'yon kasi ang gusto ni Lauren kasi matagal na siyang hindi nakakapunta doon. Kaya walang nagawa ang kanyang kuya, under kasi sa bunsong kapatid. Wala din ako nagawa dahil napapayag ako nito. Kahinaan ko talaga ang mga cute na bata.

Pagpasok namin doon ay kaunti lang ang tao nandoon, nagulat ako nang makita si Lauren natumakbo sa gusto niyang ride. Sinundan naman ito agad ni Laurent at tinawag ang kapatid. Sinabihan din ito na huwag tumakbo baka madapa, napaka-protective na kuya pala nito. Dali-dali naman ako sumunod sa dalawa, para akong buntot.

"Kuya, I want that." Turo nito sa ride na pangbata. Hindi naman makatanggi ito kaya napabili agad nang ticket. Kumaway pa sa amin si Lauren bago pumasok at abot tenga ang ngiti. Nakatingin lang kami sa kanya habang ito'y nag-eenjoy sa pagsakay ng ride. 

"Thank you pala kagabi." Kanina ko pa talaga gusto sabihin sa kanya ito, pero hindi ako makahanap ng pagkakataon. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, kung hindi siya dumating baka ano pa nangyari sa akin doon. 

Tiningnan ko siya kung anong reaksyon, pero napa-atras ako ng makitang nakatingin na pala ito sa akin. Muntik na akong matumba dahil nawalan ako ng balanse, mabuti na lang at mabilis ang kanyang mga kamay at nahawakan kaagad ako. "S-Salamat." Nauutal na sabi ko.

"Careful.." Iyon lang ang sinabi niya at binitawan na ako. Umayos naman ako nang tayo at tumingin kaagad sa aking harapan. Napangiti ako nang kumaway si Lauren sa amin, masayang-masaya talaga ito.

"Kuya," sigaw nito nang makalabas na. "Let's go there!" Turo nito sa gusto na naman puntahan. Napaka-hyper niya, parang hindi maubusan nang-energy. Tulad ng dati ay ito ang nasunod. Hinawakan ni Lauren ang kamay ko at sa kabilang kamay niya ang kanyang kuya naman ang kanyang hinawakan. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa gusto niya.

"Ang cute nila, kamukha ng ama 'yong bata."

"Maganda at gwapo naman kasi ang mga magulang kaya ang ganda ng bata." Narinig kung sabi ng tao na nilagpasan namin. Bigla na lang uminit ang aking pisngi sa narinig kaya yumuko na lang ako. Nahihiya ako, narinig kaya ni Laurent iyon. Mga tao talaga kahit anong nakikita.

"I want that." Turo ni Lauren sa rabbit na toys. Napakamot naman si Laurent sa sinabi ng kanyang kapatid. Kaya lumapit kami doon, nagbayad muna si Laurent para makapaglaro. Nakaiilang tira na si Laurent pero wala pa rin itong natamaan hanggang sa maubos ang bala nito.

"Go, kuya!" Cheer nito sa kapatid. Nagbayad ulit si Laurent para sumubok ulit. Una pa lang niyang tira ay nakatama na ito kaya tuwang-tuwa si Lauren, tumatalon pa ito sabay palakpak. Hanggang sa maubos ang bala nito. Kinuha naman nito ang kanyang premyo ng matapos na. Hindi nga lang ito 'yong rabbit  na gusto ng kapatid pero dalawa naman 'yong nakuha niya.

"It's okay, kuya. I like it. So cute." Nakangiting sabi nito nang i-abot ng kanyang ang penguin na stuffed toys. 

"Here is yours." Abot nito sa akin. Medyo nagulat pa ako kasi hindi ko inaasahan nabibigyan niya ako, akala ko kasi ay sa kanyang kapatid 'yon lahat. 

"Salamat," sabi ko sa kanya nang kinuha ko 'yong panda na stuff toys. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil ang cute nito. Hinila naman ako ni Lauren papunta sa gusto niya na ride at napatigil ako nang makita ko ito. Takot akong sumakay sa ferris wheel, dahil may takot ako sa heights.

"Sakay tayo n'yan." Lumingon ito sa kanyang kapatid. Napatingin naman ako dito at panay ang iling na sana ay makuha niya ang nais kung ipahiwatig. Pero nanlumo ako ng pumayag ito kaagad, sino ba naman ako para sundin niya. Pumila ito para bumili ng tickets habang ako ay hindi na mapalagay sa aking kalalagyan.

"Let's go," sabi niya sa amin nang makabalik, galing sa pila.

"Sigurado ba kayo?" Paniniguro ko at tiningnan ulit ang ride saka tumingin ulit sa kanila. Pero ngumiti lang si Lauren, halata na excited na ito. Jusmeyo, ano ba itong napasok ko. Baka mahihimatay ako nito sa takot." Baka ano mangyari sa atin. Delikado pa naman 'yan." Sunod-sunod na sabi ko sa kanila. Nagbabasakali na magbago ang kanilang isip.

Napakunot naman ang noo ni Laurent sa sinabi ko habang ang kanyang kapatid ay naguguluhan sa sinabi ko. "Don't worry, it's safe." At nagsimula na itong maglakad. Hinawakan naman ni Lauren ang kamay ko. 

"Don't be scared, Teacher Leign." Nginitian ako nito nang napakatamis.

Pumasok na kami sa loob at ni-lock na ng crew. Nanginginig na 'yong paa ko sa kaba kahit hindi pa naka andar. Gusto ko tuloy lumabas pero nakakahiya naman. Napahawak ako bigla ng maramdaman nagumalaw na ito, agad akong pinagpawisan. Hindi ko napigilin na ipikit ang aking mga mata dahil sa takot. Naririnig ko pa si Lauren na kinakausap ang kapatid sa nakikita nito at halata sa boses na sobrang saya. Habang ako nagdarasal na sana matapos na ito at makalabas na kami. Nanginginig na rin ang kamay ko at pinagpawisan na rin ito.

Gusto ko mapabilis ang oras para makalabas na ako. Hindi ko na-alam kung ano gagawin ko. Gusto ko sumigaw lalo na ng naging mabilis na ito.

"Let's go." Narinig kung sabi ni Laurent kaya unti-unti ko minulat ang aking mga mata. Tapos na pala ito, hindi ko man lang namalayan. Narinig ko ang pagbukas nang-lock. Tumayo ako at agad na lumabas, nakaramdam ako nang panlalambot ng aking tuhod kaya naghanap ako ng pwede mahawakan upang hindi matumba.

"Inumin mo 'to." Abot niya sa akin ng mineral bottle, hindi ko alam kung saan siya nakakuha nito pero agad ko itong kinuha at binuksan para inumin. Para akong aatakihin sa puso dahil doon. Ayaw ko na talaga sumakay non.

"Are you sick?" Nagtatakang tanong sa akin ni Laurent. Umiling naman ako dito, baka ano pa isipin. 

"Kuya, let's eat. I'm hungry," sabi nito sabay hawak ng kanyang tiyan. Kaya naghanap kami agad ng pwede makainan. Kawawa naman, nagutom sa kalilikot nito. Dahil spoiled ito sa kapatid ay agad na pumayag sa gusto nito. 

Nagpasalamat na din ako dahil baka ano na naman maisipang sakyan na-rides nito. Baka mahimatay na talaga ako sa labis na kaba o baka masuka na ako sa sobrang hilo. Huminga ako nang malalim at tumayo para maka-alis na kami.


----


Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now