Chapter 26

613 31 5
                                    

"Hindi no."Agad na tanggi ko sa kanila. "Bakit mo ba 'yan nasasabi, Yanna. Kahit ano talaga naiisip mo," dagdag ko.

"Talaga? Hindi nanliligaw iyon." Nanunuksong tanong nito sa akin. "Ganoon kayo ka close? Iyong ilibre tayo tapos ihahatid ka pa?" Ngumiti ito ng kakaiba, kaya napataas ang kilay ko.

"Bahala ka d'yan. Kung ayaw mo maniwala." Nilagpasan ko na ito at umakyat nasa taas. Mahirap na ayaw ako tigulan ni Yanna kapag hindi nakuha ang gusto. Pagdating ko sa aking kwarto ay agad akong na-upo sa aking higaan. Binuksan ko iyong paper bag na hawak ko at kinuha iyong libro. Tiningnan ko ito, babasahin ko na sana ng bigla tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag at tiningnan kung sino nag-text.

Maganda 'yang book na iyan. I'm sure magustuhan mo iyan.

Basa ko sa message ni Laurent. Gusto ko mag-reply dito upang magpasalamat pero naiisip ko rin na iniiwasan ko na pala ito. Kapag nag-reply ako sa text baka tumaas pa usapan namin. Na ayaw ko mangyari dahil kailangan ko siya iwasan. Ilang text na rin niya noon na pilit ko pinipigilan ang aking sarili na mag-reply. Kaya nilagay ko na lang sa ibabaw drawer ang aking cellphone.

Tumayo na ako upang makapagbihis dahil sisimulan ko nang basahin ang libro na binigay sa akin ni Laurent.

Bumaba ako nang makaramdam nang-uhaw. Tiningnan ko kung ano oras na. Sobrang lalim na pala ng gabi, hindi ko man lang namalayan kanina dahil abala ako sa pagbabasa. Hindi ko talaga tinigilan hanggang sa hindi ko ito matapos. Maganda kasi 'yong libro. Pagkatapos ko uminom ng tubig ay umakyat na ulit ako at agad nahiga pagdating sa kwarto dahil nakaramdam na rin ako ng antok.

****

Tapos na ang break namin at simula na naman ng pasukan. Kaya maaga kami gumising ni Yanna upang maghanda ng pagkain at naghanda upang pumasok. Hinihintay ko na lang si Yanna para maka-alis kami kaya tiningnan ko muna ang aking cellphone. Nagulat ako sa dami nang-text ni Laurent pero mas kinagulat ko nang makita ko na binigyan niya ako ng load. Muntik ko pa mahulog cellphone ko nang makita ito. Kahit sino siguro ay mararamdaman kung  makita muna may five thousand load ka na lang bigla. Instant five thousand. Jusko..

"Ano nangyari sa mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Yanna. Kaya napatingin ako dito, ready na itong umalis. Umiling na lang ako dahil kapag sasabihin ko sa kanya alam ko na tutuksuhin lang ako nito. 

Nilagay ko na lang sa bag ang cellphone ko. Mamaya ko na ito iisipin kung paano ko isasauli 'yong load na binigay niya. Hindi ko rin alam kasi kung ano tumatakbo sa isip ni Laurent at binigyan ako ng ganoon kalaki. Tapos na ang pasko para maging santa claus pa siya. 

Lumabas na kami ni Yanna sa apartment at pumunta nasa sakayan ng jeep. Medyo natagalan din kami sa sakayan ng jeep dahil madami na naman tao nakapila. Balikan na kasi ng mga trabaho ngayon.

"Good morning, ma'am," nakangiting bati sa amin ng guard sa school.

"Good morning, Manong," sabay na bati namin ni Yanna dito. Binigay ang aming ID upang ma-scan ito bago kami makapasok.

Pagpasok namin nakasalubong namin ang ibang teachers. Binati namin ito bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nagpaalam na sa akin si Yanna nang pupunta na siya sa kanyang classroom. Pumasok naman ako sa aking classroom. Nakita ko agad ang ilan sa aking mga estudyante ko.

Dahil kasisimula pa ng klase ay inalam ko muna kung ano ang kanilang ginawa noong bakasyon. Nagkaroon din ako ng kaunting discussion sa kanila at isang simple na activity. Sa kanilang P.E. class ay pinasuot ko muna sila ng P.E. uniform upang magsimula na kami sa aming activity sa labas. Sa tulong ng kanilang mga yaya ay nakapagpalit ito.

Napangiti ako nang makita ang mga ngiti sa mata ng aking estudyante habang ginagawa ang activity namin. Sobra talaga silang nag-enjoy dito. Kahit pinagpawisan na ang mga ito ay patuloy pa rin sa kanila ginagawa. Tinapos ko ang kanilang P.E. ng sabihin ko kung sino ang nanalo sa kanilang ginawa kanina.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now