Chapter 53

766 18 2
                                    


Nagising ako dahil sa sikat ng araw galing sa aking bintana. Bumangon ako at kinuha ang panali sa aking buhok. Inayos ko muna aking higaan bago ako bumaba. Bumungad sa akin si nanay nakangiti. 

"Tawagin muna ang tatay mo upang kumain natayo." Paki-usap sa akin ni nanay. Kaya nagtungo ako sa may likuran kung saan nandoon si tatay sabi sa akin ni nanay.

"Tay, kain na," sigaw ko at naglakad palapit sa kanila. Pero natigil ako nang makita si Laurent, tinutulungan nito si tatay.

"Oh..kumain muna tayo. Mamaya na natin ito tapusin," sabi ni tatay at binaba ang hawak na palakol. "Mukha mo, Leign?" Para kang nakakita ng aswang sa hitsura mo." Narinig ko ang pagtawa ni Ivo kaya tiningnan ko ito nang masama. "Pumasok na tayo.." Nauna naglakad si tatay at sumunod si Ivo dito. Naiwan kaming dalawa ni Laurent.

"Bakit parang nagulat ka? Hindi ba sabi ko babalik ako," ani nito sa akin. 

Nakatingin lang ako sa kanya, pawis na pawis na ito. Kanina pa ba sila ni tatay dito. 

"Pumasok natayo, tinawag na nila tayo." Hinawakan ako nito at nagsimula maglakad pero tumigil ako kaya napatingin siya sa akin. "Mamaya natayo mag-usap." Tumango at sumunod na lang ako.

Pagpasok namin sa loob ay inasikaso ni tatay si Laurent. Close na sila agad kaya sobrang nagtataka ako. Napatingin naman sa akin si nanay sabay ngiti sa akin. Nang abutan ako ni Laurent ay nagpasalamat lang ako. Matapos naming kumain ay hindi na ako pinatulong ni nanay maghugas kaya pinuntahan ko si Laurent sa may likuran kasama si Ivo.

"Sa loob muna ako, kuya.." Paalam ni Ivo kay Laurent kaya napataas ang kilay ko sa narinig ko na kuya na ang tawag niya kay Laurent. Nagkamot lang ito ng ulo at umalis na. Napatingin naman ako kay Laurent nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Upo ka muna dito, baka mangalay ka saka tatayo." Binigay niya ang upuan na kahoy sa akin. Nagpasalamat naman ako dito, sobrang tahimik namin. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Nagsisi tuloy ako na pinayagan si Ivo umalis.

"Pwede ko na ba malaman kung bakit nagawa mo iyon sa akin, Zach?" Napatingin ako sa kanya pero agad naman umiwas ako saka napayuko. Nilalaro ang aking kamay, iniisip kung saan ako magsisimula.

Maiintindihan naman niya di ba? Hindi naman siya magagalit?

Huminga ako nang malalim. "Kasi ayaw ko magalit ang pamilya mo sayo dahil matigas ang ulo mo. Kaya-"

"Nakipaghiwalay ka sa akin? Fuck! Zachna naman, bakit mas pinangunahan mo ako. Kaya ko naman ang pamilya ko." Inis na sabi niya. Alam ko pinipigilan niya magtaas ng boses, nararamdaman ko ito.

"Kaya? Lagi mo na silang nakaka-away. Naisip ko rin Laurent, baka hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Nakita mo naman buhay ko dito. Nakatira ka sa malaking bahay habang ako sa simpleng bahay lang. Mayaman ka habang mahirap naman ako." Mahinang sabi ko habang nilalaro pa rin ang aking kamay.

Hindi ko talaga kaya siyang tingnan.

"Wala naman sa estado ng buhay iyan, Zach. Kaya naman kita ipaglaban sa pamilya ko." Halata sa boses nito ang frustasyon.

"Magka-iba tayo, ikaw kaya mo habang ako hindi ko kaya labanan pamilya mo."

"So ganoon mo lang itatapon ang lahat. Dahil lang sa ayaw nila sa iyo para sa akin?"

Pinunasan ko aking luha sa aking pisngi, nakayuko pa rin ako. Ayaw kung makita niya na-umiiyak ako. "Akala mo ba, ganoon kadali sa akin? Ang hirap din kaya sa akin Laurent. Pero ano magagawa ko?! Hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi kita hiwalayan." Hindi ko na maitago ang aking emosyon. Nahirapan na ako magsalita dahil sa taksil kung mga luha.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now