Chapter 21

607 33 1
                                    

Papunta na ako sa bahay ng mga Craige dahil schedule ko ngayon sa pagtuturo kay Lauren. Agad naman ako pinapasok ng guard dahil kilala na ako nito.

"Ma'am Leign, hindi ba kayo nasabihan ni ma'am. Wala rito si Lauren sumama kay sir." Bungad sa akin sa isa sa mga kasambahay ng mga Craige. Agad kinuha ko ang aking cellphone sa bag. Nagulat ako ng makita na may dalawang tawag at isang text na sinabi nasa susunod na lang ako magturo kay Lauren dahil bigla ito sumama sa ama. Hindi ko ito nakita dahil nagmamadali ako kanina tapos naka-silent pa ang aking cellphone.

"Sige po, Ate Rose, babalik na lang po ako sa susunod." Paalam ko sa aking kausap na kasambahay saka lumabas ng bahay. Nagtaka din ang  guard kung bakit lumabas ako agad kaya sinabi ko na lang nito kung ano nangyari. Nagpasya akung maglakad patungo sa sakayan ng jeep upang makatipid, mahal din kasi ang bayad sa taxi.

Habang naglalakad ay nagulat ako ng biglang may huminto na sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan na ito. Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at doon ko nakita kung sinong may-ari nito. Hindi ito iyong gamit niya noong nakaraang araw. Nahiya tuloy ako nang maalala ko kung paano ko sinukaan 'yong sasakyan niya noong nalasing ako.

"Sakay," seryosong sabi nito.

"Ha?" Gulat na sabi ko. Pero binuksan lang nito ang pinto ng sasakyan at tinuro ito.Tiningnan ko siya na may halong tanong. Na-gets ko naman agad kaya sumakay na ako.

"My mom texted you. You don't see it?" Sabi nito at pinaandar na ang kanyang kotse.

"Hindi ko kasi nakita agad, huli na ng malaman ko na umalis pala si Lauren." Nakasimangot na sabi ko, sayang tuloy 'yong pamasahe ko papunta sa bahay nila.

"You must always check your phone." Payo nito kaya tumango na lang ako.
Hindi na ako nagsalita, kaya sobrang tahimik namin buong biyahe. Nagulat ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan, kaya napatingin ako sa kanya.

"Let's eat." 

Nauna itong bumaba sa kanyang kotse habang ako naiwan na gulong-gulo. Bigla ako bumalik sa aking sarili nang marinig ang katok na galing sa pintuan at nakita ko siya na pinapalabas ako. Kaya kinuha ko ang aking bag at agad na lumabas. Nauna itong maglakad at ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

Pumasok kami sa isang restaurant at sinalubong agad kami nang-waiter at hinatid sa bakanteng table.

"Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin habang tumitingin sa Menu

"Lasagna Bolognese," nahihiyang sabi ko. Sinabi na niya sa waiter kung ano 'yong order namin. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating 'yong order namin.

Tahimik lang kami kumakain, nahihiya naman ako na magsalita. Iba kasi ang aura ni Lance, matatakot ka talaga sa presensya niya. Lalo't tahimik ito at mahirap basahin ang kanyang iniisip. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kanya, hindi naman kami gaanong ka-close. Kung magtagpo man ang landas namin puro kamalasan ang nangyayari sa akin. Nahihiya na nga ako dahil lagi niya ako tinutulungan kahit alam ko na hindi naman niya dapat gawin.

Natapos namin ang aming pagkain nawala man lang nagsasalita. Tinawag niya agad ang waiter upang kunin ang bill, gusto ko sana magbayad sa kinain ko pero hindi siya pumayag. Binigay niya ang kanyang card sa waiter para magbayad. Nang maibalik na ang kanyang card ay lumabas na kami.

"Dito na lang ako, may bibilhin muna ako sa bookstore." Nahihiyang sabi ko, naiisip ko kasi kanina na hindi naman ako gaano nakakapunta rito dahil sa sobrang busy ko na. Naisipan ko bumili ng bagong libro kasi natapos ko na basahin lahat ng libro sa bahay.

"Sasamahan na kita," agad na sabi nito. Kaya napatingin ako dito, nagtaka ako. Wala ba siyang trabaho ngayon. Hindi ba siya busy, baka naabala ko na siya.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now