Chapter 51

730 24 1
                                    


Nanginginig 'yong kamay ko nang tawagan ko si Yanna. Hindi ako maka-usap nila nang maayos kasi panay lang ang iyak ko. Hanggang sa makarinig ako ng katok sa pintuan.

"Leign, nand'yan ka ba?" Narinig kung sabi ni nanay sa labas. "Leign..."Tawag nito.

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto, nagulat ito nang makita ang hitsura ko. Hindi muna nagtanong si nanay pero agad ako nito niyakap. Panay lang ang hikbi ko habang pinapatahan naman ako ni nanay.

"Ano ba nangyari?" Hinaplos ni nanay ang aking pisngi.

"I'm sorry, nay.." Iyan lang tangi lumabas sa bibig ko. Patuloy pa rin sa pagtulo nang mga luha ko. "I'm sorry, nay." Paulit-ulit na sabi ko.

"Shhh..tahan na.. Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari." Pero mas napalakas ang iyak ko. Bakit hindi ko ba kasi naiisip iyon. Bakit hindi ko naisip na pwede mangyari ito. Bakit naging pabaya ako.

Ang bobo ko talaga..

"I'm sorry, nay.."

"Anak, sabihin mo sa akin kung ano ba talaga nangyari? Bakit ka umiiyak." Nanginginig ang kamay ko nang iabot ang pregnancy test kay nanay. Napatingin si nanay dito saka sa akin. Napatakip siya sa kanyang dibdib kaya mas napalakas ang aking hikbi. Nagulat ako nang yakapin ako ni nanay. "Nandito lang kami ng tatay mo. Kaya huwag ka mag-alala, hindi ako galit." Hinaplos nito ang aking likuran.

"I disappoint you, nay. Hindi ako nag-ingat." Umiiyak na sabi ko.

Hinaplos ni nanay ang aking pisngi at tiningnan ako. "Huwag mo iyakan ang isang blessing. Baka sabihin ng baby mo na hindi mo siya gusto. Huwag ka mag-alala nandito lang kami sa tabi mo. Kung ang ama ng bata ang problema mo, nandito kami ng tatay mo handang tumayo bilang ama ng anak mo. Hindi ka namin pababayaan." Napayakap ako sa sinabi ni nanay.

"Kahihiya po akong anak, nay. Malandi.. disgrasyada..." Hindi ko mapigilan na sabihin ito. Sobrang disappoint ako sa aking sarili. Ano na lang isipin ng mga kapitbahay namin kapag malaman na buntis ako tapos wala pang asawa. Sigurado ako pag-uusapan ako nito.

"Leign, makinig ka sa akin. Hindi ka malandi at kahihiyan na anak. Alam mo ba sobrang proud kami ng tatay mo sa lahat ng mg achievements mo simula pa noong nag-aaral. Laging sinasabi ng tatay mo sa kanyang mga kaibigan niya na may anak siyang matalino, mabait at mapagmahal. Hindi dahil nagkamali ka ay hindi ka na naging mabuting anak. Kaya huwag mo iyang isipin."

"Paano po si tatay, nay, kapag nalaman niya ito." Kinakabahan kung sabi. Iba kasi si nanay kay tatay. Mas malaki ang takot ko kay tatay dahil istrikto ito.

"Sasamahan kita, sasabihin natin sa tatay mo." Hinawakan ni nanay ang kamay ko. "Huwag ka na-umiyak, masama sa baby iyan." Pinunasan nito ang aking luha.

Lumabas kami sa banyo at sinamahan ako ni nanay sa taas. Iniwan muna ako sa aking kwarto upang kumuha ng tubig. "Uminom ka muna," sabi nito nang makabalik na siya. Kinuha ko naman ito saka ininom.

"Anak, may tanong lang ako. Nasaan ang ama nang dinadala mo?" parang nagdadalawang isip pa ito na tanungin ako.

"Nasa Maynila po siya, nay. Bago ako umuwi dito ay naghiwalay kami." Malungkot na sabi ko. Bumalik na naman sa aking isipan ang araw na iyon.

"Hindi mo ba sasabihin sa kanya ang tungkol sa magiging anak n'yo?" Umiling lang ako, ayaw ko na rin ng gulo. Mas mabuti pa nailihim ko na lang ito. Lalo pa at engage na si Laurent. Baka madamay pa ang anak ko sa gulo. Kaya ko naman siguro buhayin ang anak ko. "Kung iyan ang desisyon mo, hahayaan kita. Pagdating ng tatay mo sasabihin natin ito sa kanya." Tumango lang ako.

Iniwan muna ako ni nanay sa aking kwarto upang makapagpahinga. Napatingin naman ako sa kisame saka napahawak ako sa aking tiyan. "Baby, hindi man kita mabigyan ng buong pamilya pero gagawin ko ang lahat para sa'yo. Pupunuin kita sa pagmamahal." Mahinang sabi ko at pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisngi. Inabot ko ang stuffed toys saka niyakap ito hanggang sa makatulog ako.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now