Chapter 43

485 18 0
                                    

May tiwala naman ako kay Laurent pero sa babae na 'yon ay wala akong tiwala. Natakot naman akong magtanong kay Laurent kung bakit kasama niya si Everey. Buong bakasyon ay para na akong stalker ni Everey, lagi ko tinitingnan ang mga post nito. Kadalasan sa mga post nito ay kasama ang magulang ni Laurent o kaya ang kababatang kapatid nito. Minsan may mga post ito na stolen picture ni Laurent. Kaya hindi ko maiwasan mag-overthink. Umabot ang bagong taon, ganoon pa rin 'yong nararamdaman ko. Kaya napansin ito ni Laurent na minsan kapag kami nag-uusap ay parang wala ako sa sarili.

Ayaw ko naman magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko ang totoong dahilan. Humingi ito ng tawad dahil nakalimutan nito ipaalam sa akin na nandoon si Everey. Kahit siya ay nagulat nang makita si Everey noong pasko. Iyong nanay pala ang nag-invite kay Everey. Naki-usap din ang ina ni Laurent na sabay itong umuwi sa kanila sa Pilipinas. Nasaktan ako noong narinig ko iyon pero hindi ko pinahalata kay Laurent. Hinabaan ko na lang ang pasensya ko.

"Tulala ka naman, anak. May problema ba?" Tanong ni nanay, nasa may duyan ako nakatambay ngayon. Gusto ko rito dahil sariwa ang hangin. Ngayon ang huling araw ko dito sa amin, bukas babalik na naman kami sa Maynila.

"Nay, kung hindi n'yo gusto maging nobyo ko. Ano gagawin n'yo?" Halatang nagulat si nanay sa tanong ko.

"Anak, kahit hindi ko gusto ang tao para sa iyo, wala naman akong magawa. Kayo naman ang magsasama kaya ang tanging magawa ko ay tanggapin ito," sagot ni nanay sa tanong ko. Sana ganito ang magulang ni Laurent, sana'y matanggap nila ako para sa anak nila. Sana maunawaan nila ito. "Bakit anak? Teka...may nobyo ka na ba?" Tumango lang ako, wala naman kasi akong nililihim kay nanay.

"Bakit hindi mo sinama upang makilala namin."

"Kasi nay, kasama niya pamilya niya. Sa susunod na lang, pagbalik ko, nay." Paliwanag ko dito.

"Kaya pala, mabait ba?" Tanong ni nanay.

"Sobra, nay... sigurado akung magugustuhan n'yo siya," masayang sabi ko dito.

Lumapit sa akin si nanay at hinaplos ang aking buhok. "Masaya ako anak para sa iyo, kung masaktan ka man ulit d'yan. Huwag ka mag-alala at malungkot dahil nandito lang ako at ang tatay mo." Sumandal ako kay nanay, naalala ko noonng first heartbreak ko hindi ko sinabi sa kanila. Pero dahil kilala ako ni nanay ay nalaman niya at sinabihan lang akung huwag na malungkot dahil madami panglalaki sa mundo. Madami sinabi sa akin si nanay noon, nakatulong upang mag-move on ako.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni nanay ay pumunta ako sa aking kwarto upang mag-impake ng gamit para bukas. Magkikita kami ni Yanna at Kystal sa bus terminal bukas. Napalingon ako nang makitang bumukas ang pinto at niluwa ang aking kapatid.

 "Ate!" Tawag nito kaya pinaupo ko ito sa tabi ko.

"Bakit bunso?"

"Mag-iingat ka doon, pangako ate mag-aaral akong mabuti para hindi muna kailangan lumayo at makakasama ka na sa amin."

"Naku, huwag mo 'yan isipin. Basta ingatan mo sarili mo, napakasakitin mo pa naman. Saka alagaan mo si nanay at tatay, iyan lang ang hiling ko." Bilin ko sa aking kapatid.

"Oo ate, 'yan talaga gagawin ko." Niyakap ako nito bigla, napangiti naman ako. Parang kailan lang para kaming aso at pusa noon pero ngayon hindi na. May sinabi pa ako sa aking kapatid at sabay na kami lumabas dahil narinig namin ang tawag ni nanay. Kumain na kami ng hapunan, ako na ang naghugas ng kinainan namin. Bago ako natulog nag-usap muna kami ni Laurent, nasa Pilipinas na ito.

"Mag-iingat ka doon." Paalala sa akin ni nanay. "Yanna, Kystal, kayo na bahala sa anak ko." Bilin nito sa aking kaibigan.

"Always po 'yan."

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now