Chapter 46

567 14 2
                                    


Tapos na ang aming klase kaya palabas na kami sa school. Ngumiti lang kami kay manong guard paglagpas namin. Si Yanna naman parang may hinahanap. "Wala yata si doki ngayon? Nag-away ba kayo dahil doon sa nakita mo sa restaurant?" Tanong ni Yanna sa akin.

"Hindi, may emergency lang kaya hindi niya tayo nahatid kanina at masusundo ngayon," paliwanag ko dito. Niyaya ko na itong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Hindi na talaga ako nasanay pumila." Natawa ako sa sinabi ni Yanna. Kahit ako naninibago din pero wala kaming magawa, may emergency kasi Laurent. 

"Hoy Yanna, ilang years tayo na-jeep lang sakayan natin. Kaya huwag nalang tayo magreklamo."

"Joke lang," sabi nito at sumakay na ito sa jeep. Tumabi naman ako sa kanya. Inabot ko kay Yanna ang bayad ko para siya na magbigay mamaya. Medyo natagalan kami pag-uwi dahil sobrang traffic, marami ring estudyante nakasakayan namin dahil uwian na. Pagdating namin sa apartment ay na-upo agad kami. Napagod din kasi kami dahil sa madaming paperworks kailangan ipasa.

Para akong lantang gulay na tumayo at umakyat sa taas. Nahiga ako sa aking kama at nakatulog. Pagkagising ko ay nagbihis na ako ng pambahay at bumaba upang kumain. Dahil pareho kaming pagod at walang oras magluto kaya ready to eat na lang na-ulam namin. Matapos kumain ay naghugas na kami saka umakyat upang magpahinga. Tiningnan ko aking cellphone pero hanggang ngayon ay hindi pa nag-reply sa akin si Laurent.

Kanina umaga nag-text ito sa akin at sinabi na sasamahan niya ang kanyang ina dahil wala itong kasama. Pagdating sa kanyang pamilya ay wala naman akong problema basta ito ang kanyang kasama. Baka na-lowbat lang ito or walang signal kaya hindi naka-reply sa mga text ko. Nagbasa na lang ako kasi hindi ako dalawin ng antok. Natapos ko isang libro malapit na mag-alas dose ng gabi. Kaya pinatay ko na ang ilaw saka pinilit ang sarili na makatulog.

Kinabukasan paggising ko wala pa rin akong natanggap na-text ni Laurent. Bago ako naligo ay nag-text muna ako dito. Tulad kahapon ay sumakay kami ng jeep papunta sa school. Iwan ko ba ang tamlay ko ngayon magturo kaya nagpagawa na lang ako ng activity dito. Noong break hindi na rin ako nagpunta sa cafeteria kasi ramdam ko busog pa ako.

"Hatid ko na kayo," alok ni Kiefer sa amin nang makita kami sa labas ng school, uwian na kasi. Ang bilis lang ng oras pero hanggang ngayon wala pa rin akong text natanggap.

"Gusto ko 'yan. Ang hirap na kaya pumila." Nauna sumakay si Yanna. Napangiti naman ako kay Kiefer saka nagpasalamat bago ako pumasok sa sasakyan.

Pagdating namin sa apartment, pinapasok muna namin si Kiefer upang mapa-inom ng juice. Pasasalamat na rin sa paghatid niya sa amin. "Thank you talaga," sabi ko sabay abot nang-juice.

"Naku! ano ba kayo, di ba magka-ibigan tayo. Kayo talaga," wika nito sabay inom nang-juice.

"Baka kasi hinanap ka ng kapatid mo, tapos naabala ka pa namin." Paliwanag ko dito.

"Nasa US ang kapatid ko, pina-check muna ng mommy ko. Para kasing mas lalo siyang nanghihina nitong nakaraang araw." May bahid nalungkot sa kanyang sinabi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay, napatingin naman ito sa akin. "Maniwala ka lang Kiefer, gagaling din siya" Pampalakas loob kung asabi sa kanya saka tinapik ito sa balikat at nagpaalam muna dahil magpapalit ng damit. Si Yanna muna pina-asikaso ko sa kanya.

Pagbaba ko, wala na si Kiefer. Kaya tinanong ko kay Yanna. Lumabas lang sandali upang bumili ng pagkain. Tinawagan din nito ang kaibigan na si Hanz upang pumunta rito. Kaya nanood na lang ako ng movie. Pagbalik ni Kiefer ay kasama nito si Hanz at may dala na itong pagkain.

Bilib din ako kay Yanna at Hanz kasi kahit pala may nakaraan sila ay hindi nasisira nito ang pagkakaibigan. Medyo nag-aasaran lang kapag lagi magkasama pero parang normal lang, hindi sila nakaramdam ng ackwardness sa isa't-isa.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now