Chapter 2

1.4K 63 16
                                    

Mag-isa lang ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ni Yanna. Mabuti na lang at walang pasok si Kystal ngayon kaya ma-aalagaan niya si Yanna. Nag-alala rin ako sa amin kasi sabi ng nanay ko lagi na daw sinusumpong ang bunso kung kapatid ng kanyang sakit. Kailangan ko na naman magpadala sa kanila lalo't kalalabas pa naman ng kapatid ko sa hospital, sigurado ako naubusan na naman ng pera 'yon sila dahil mahal ang mga gamot ni Ivo. Simula pagkabata sakitin na talaga 'yong bunso namin.

"Anak ng—" Napasigaw na lang ako ng bigla  ba naman ako natalsikan ng tubig. Umulan kasi kagabi at hindi naman maganda ang daan rito sa amin kaya may tubig na naiwan sa daan. Tapos ang bilis nang takbo ng sasakyan kaya tumalsik ang tubig sa akin.

Huminto ang sasakyan at lumabas ang isang gwapo na nilalang. Napakalas ng kanyang dating, para itong artista dahil sa angkin na kagwapohan at isang model dahil sa kanyang suot.Wait.. Erase.. Erase.. Zachna Leign manahimik ka, huwag kang malandi sabi ko sa aking sarili.

"Miss, I want to say sorry for what happened." Agad nasabi niya sa akin habang ako nakatingin lang sa kanya. Naamoy ko na rin ang kanyang pabango kahit malayo kami sa isa't isa. Naliligo ba ito ng pabango o baka naman model ng pabango. Gusto ko magsalita pero walang lumabas sa aking bibig. Ilang minuto din ay tinalikuran na ako nito at binuksan ang sasakyan. Doon lang ako bumalik sa aking katinuan.

"Hoy.." Sigaw ko sa kanya kaya napalingon ito sa akin.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong n'ya sa akin. 

Ang bilis naman yata nitong magka- amesia sa kanyang nagawa sa akin. Kung tingnan ako ngayon para akong basang sisiw dahil sa nangyari kanina. Tapos aalis lang siya ng ganun lang. Hindi iyon pwede sa akin.

"Problema? Ikaw? Tingnan mo ginawa mo sa akin?" Turo ko sa aking sarili. Hindi porke't gwapo ka hindi ka na makakatikim sa katarayan ko.

"Akala ko, okay ka lang." Seryosong sabi nito sa akin at tiningnan akong mabuti kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang kung paano siya tumingin. 

Teka lang, wala naman ako sinabi na okay lang sa akin. "May sinabi ba ako sa'yo?" Pagtataray ko sa kanya at hindi pinahalata 'yong ilang na nararamdam ko. Isa pa wala naman akong matandaan na nagsabi ako na okay lang. Sino ba kausap nito, gumagawa pa ng kwento.

"Miss, I already said sorry. Hindi ka nagsasalita, so akala ko, okay lang sa'yo. At isa pa kailangan ko ng umalis dahil nagmamadali ako." At nagmadali itong pumasok sa kanyang sasakyan. Kaya lumapit ako sa kanyang sasakyan, hindi pwede na-aalis lang siya ng ganyan. 

"Ganun na lang ba—" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng may inabot ito sa akin at agad-agad napinaandar ang sasakyan. Kaya naiwan na lang akong nakatulala. Nang mahimasmasan na ako tiningnan ko 'yong binigay niya sa akin at nagulat ako sa jacket nahawak ko. Ano naman gagawin ko dito, hindi ko naman pwede itong masuot dahil sa sobrang laki hanggang tuhod ko yata 'to. Sigurado akong pagtatawanan lang ako.

Tiningnan ko 'yong oras at napatalon ako dahil late na ako. Kaya dali-dali ako pumunta sa sakayan ng jeep at wala na akong oras na umuwi para magpalit. Kung minamalas ka ba naman ang haba-haba na ng pila sa sakayan. Ilang minuto din ang hinintay ko bago ako nakasakay. Kaya ng dumating na ako ay tinakbo ko na papasok 'yong school.

Nagtungo ako agad sa classroom ko at pumunta sa may locker para kunin 'yong extra blouse ko at nilagay 'yong jacket ng lalaki kanina sa locker. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako para pumunta sa quadrangle dahil nandoon ang mga bata, pero nakita ko na lang napapunta na ang mga bata dito. Nakasalubong ko rin si Ms. Belle.

"May meeting tayo mamaya." Salubong niyang sabi akin at nagpa-alam ng umalis. Hinintay ko na lang makapasok lahat ng bata sa room. Nang masiguro lahat ay nasa loob na, sinimulan ko ang aking klase.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon